chapter 73

3K 20 1
                                    

Nung mga sumunod na araw eh iginugol ko nalang yung oras ko sa pag-aaral at pagtatrain sa volleyball. Malapit na kasi ang championship, ilang weeks nalang eh lalaban na kami. Matatamaan pa nga nun yung araw ng grad ball namin eh. buti nalang sa umaga yun. 

Naging maayos naman para sa akin na maging busy ako. At least kahit papaano, natanggal siya sa isipan ko. Siguro nga mas okay narin talaga ito, para makamove on narin ako. Kung makayanan ko.

“Huy Andy…nagmumukhang nerd ka na niyan ngayon ah.”

“Ang sama nito! Gusto ko lang pumasa no...”

“Pero iba parin yung sobra sobrang pag-aaral…”

Tumingin lang ako sa kanila nun. Lahat nga sila nakatingin sa akin eh.

“May we request all the volleyball players to please proceed to the volleyball court.”

Buti nalang at tinawag kami. Wala na siguro akong masasabi sa kanila kung nagstay pa ako.

Nagsign lang ako na aalis na tapos dumiretso na papuntang volleyball court. Pagdating ko naman dun eh nakatipon na silang lahat. Syempre, nakaramdam naman ako ng kaunting hiya.

“Okay, alam niyo namang malapit na ang championship diba? Alam niyo na ibig sabihin nun.” yep, ibig sabihin nun eh back to practice na naman po tayo niyan. 

“Coach! Ano po bang kalaban natin?”

“St. Thomas ang kalaban natin.” nagkatinginan kaming lahat. St. Thomas? Eh yun ang nagchampion for ilang years narin. Magagaling sila. At kung may time man na natalo namin sila eh yun ay dahil sa nasprain yung best player nila.“Wag kayong mawalan ng lakas ng loob. Basta ba magtrain kayo eh kayang kaya niyong manalo.”

Napangiti naman kaming lahat nun at tumango lang. pinabalik narin kami nun ni Coach sa klase namin. Lesson lang kami maghapon, syempre, naghahabol narin kasi malapit na exams namin. Start of march na kasi yung exams eh kaya ayun, medyo kelangan na talagang maghabol.

Nung last period eh wala yung teacher namin kaya pinapunta lang kami sa library. Ang corny nga eh, hindi tuloy kami makapagdaldalan. Masungit kasi yung librarian dun eh, konting ingay lang eh umuusok na yung ilong sa galit. 

“Vince..”

“Bakit?”

“Sina Marla?”

“Ha?”

Medyo nilakasan ko naman yung boses ko nun. “SINA MARLA?”

Kumunot lang noo niya nun tapos nagtaas ng kilay. “SINA MARLA?!”

“Miss Ongpauco! Shouting is not allowed in the library! DETENTION!”

Nyak!? Diba dapat warning lang muna yun bago detention?! Darn it!

Tumingin naman ako kay Vince, yung mukha niya eh may halong awa. Napahinga nalang ako ng malalim tapos bumaba at dumiretso sa unit head. Kelangan ko kasing kumuha ng form para dun sa detention thingy. 

Pagdating ko naman dun eh nagulat ako kasi nandoon si Kit at parang tumatambay lang siya. Ano yan cutting? 

Nilampasan ko lang siya tapos humingi nung form mula dun sa secretary at syempre, bumalik nalang sa classroom namin. Nagulat nga ako nun kasi biglang may nakalagay dun sa board namin. Joke ba ito?

Andy, I love you

Baka si Omar siguro yan. Minsan kasi hindi mo malaman kung anong napasok sa isip nun.

Lumapit naman ako sa board nun tapos binura na. syempre, ayokong pagkaguluhan pa yan ng mga classmate namin no. 

Ilang sandali lang rin eh dumating na yung classmates ko. Syempre, uwian na para sa kanila. Ako? Detention nga diba? Buti nalang at hindi siya 1 week kung di, naku po! Sasabunin ako ng nanay ko.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon