chapter 76

3.1K 22 0
                                    

“Andy sorry, sana pala hindi nalang namin ginawa yun…”

Umiling lang ako nun tapos pinunasan yung luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Sobrang sakit kasi lahat ng sinabi ni Kat eh totoo. Ni isang bagay eh hindi ko makontra dahil wala naman talaga akong laban sa kanya eh. 

Hanggang ngayon eh paulit ulit parin sa isip ko yung mga sinabi ni Mama kanina sa bahay ni Kat.

“Sinubukan pa siyang pigilan ng mga magulang niya pero mukhang desisdido talaga siya nun. Patawad talaga Andy. Sana noon pa eh sinabi ko na para hindi ka nahihirapan ngayon.” 

Pumikit nalang ulit ako nun at hiniling na sana panaginip lang itong lahat at maya maya eh magigising na ako. 

*****

Nung mga sumunod na araw, graduation practice kami sa umaga at varsity training sa gabi. Hindi na ako masyadong nagreklamo nung mga oras na yun kasi mas nakatulong narin siya para sa akin kahit papaano. At least sa mga oras na iyon eh nakakalimutan ko yung mga problemang hinaharap ko.

Second week ng practice namin ngayon. 2 weeks nalang siguro eh graduate na kami. Bye bye MPU na at hello to college life. Nung una eh takot talaga ako nun magcollege. Sino ba namang hindi diba? Syempre, malayo ka na sa bahay mo at hindi mo alam, baka hindi pa kayo magkakasamang magbabarkada. Pero sabi naman nina Cheeky, kahit gaano pa man daw kami magkalayo eh hindi daw mawawala yung samahan namin.

“Okay, sa ngayon eh pwede kayong pumalakpak for your batchmates. Pero sa saktong graduation eh bawal na ha?”

Oo nga pala, ngayon na pala sasabihin yung mga bests sa iba’t ibang subject at syempre yung magiging valedictorian at kung sinu sino pang awardees mula sa batch namin. 

“For Math, we have...” nilabas ni miss yung glasses niya tapos tinignan ng maige yung papel. “Mr. Tasello.”

Hindi narin shocker para sa amin yun. Matalino naman talaga kasi siya eh.

“For Science we have…Mr. Martinez.” wala naman yatang makakakuha ng award na yan mula kay Sasha eh. 

Napatingin lang ako kay Sasha nun at natawa sa sarili ko. Hanggang ngayon eh hindi ko maimagine kung bakit ko ba siya naging crush. Siguro nga tama sina Marla nung sinabi nila na nabulag ako nung magkagusto ako kay Sasha. No offense naman sa kanya pero…mukhang mas mahal pa niya ang science sa kahit na sino. Sure naging crush nga niya si Pau pero…hay mahabang storya.

“For English and Filipino…” wow sosyal, dalawa ang nakakuha. Naks naman niyan. “We have Mr. Oliveros” todo palakpak talaga kami nung banggitin yung pangalan ni Cheeky. Biruin niyo? Nakakuha pa ng, not only one but TWO awards ang bruha? Naks naman.

“For CCF we have…Miss Sanchez.” at tuluy tuloy na nilang sinabi yung mga awardees. Yung ibang subjects eh nakuha nung ibang mga namention na. Like TLE para kay Sasha ulit at yung Computer para kay Kit. Sa AP naman eh nakuha nung isang kabatch namin na taga star section. And last but not the least, P.E. 

“For best in P.E. boys we have Mr. Lavista.” tignan mo nga naman oh. Sinuwerte pa ang loko. “And for the girls we have…Miss Ongpauco.” 

Natulala talaga ako nung marinig ko yung pangalan ko nun. Tinulak pa talaga ako ng katabi ko nun para umakyat sa may stage. Gusto ko ngang tanungin sa kanila nun eh, seryoso ba sila?

Pinagstay lang muna kami nun sa stage para sa pinakahihintay na announcement. Yung valedictorian, salutatorian at first honorable mention.

“Okay ang ating first honorable mention ay si Miss…” naku naman itong si miss oh, may pathrill thrill pang nalalaman. “Andy Ongpauco.”  

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon