“Andy dalian mo, baka maiwanan nila tayo.”
Napatingin naman ako kay Vince at tumango. Simula pa nung umaga eh nawawala na ako sa sarili ko. Paano, hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Hiyang hiya nga ako lalo na kay Kit eh. Hello, sino ba namang hindi mahihiya sa nagawa ko eh bigla ko siyang nasukahan? Mukhang nung mga oras na iyon lang lumabas kasi yung coke na ininom ko eh.
Pero sa totoo lang, medyo relieved ako na lumabas yun kasi kung hindi eh baka kung ano pa man yung nangyari. Ilang beses rin naman akong nagsorry sa kanya at nagsabing hindi ko sinasadya talaga yun. Ayos lang naman daw yun since hindi mo naman macocontrol kung kelan ka susuka. Grabe.
Hapon na pala ngayon. At dahil 2nd to the last day na namin ngayon dito sa subic eh nagpasya kami na pumunta muna dun sa parang forest something nila. Basta yung maraming butterflies. Ang ganda nga eh, yun nga lang, masakit sa paa kasi kanina pa kami lakad ng lakad.
“Andy dali...”
“Oo heto na.” Ang hirap rin naman kasing maglakad dito kasi maputik siya. “Vince mauna ka na, pinasukan kasi ng putik yung sneakers ko.” nagpumilit pa nga siyang magstay pero syempre hindi ako pumayag kaya ayun, wala rin siyang nagawa kung di mauna na.
Hay, sayang naman tong sapatos ko…bago pa man din.
“Hoy.”
“AH!!” napatumba naman ako bigla. Great! Ngayon ako rin eh puno na ng putik. Swerte ko no? Not! Tumingin naman ako ng masama kay Kit, paano, ako na ngang natumba eh tinawanan pa ako. “May plano ka talagang patayin ako sa takot no?! Hindi ka man lang ba tutulong diyan?”
Nung medyo tumigil na siya sa pagtawa eh inabot niya sa akin yung kamay niya. Hinila ko naman siya pababa kaya ayun, nadumihan rin siya. “Ahahah…”
“Magpapatulong ka tapos hihilahin mo ko.” Natahimik kami saglit tapos nung makita namin ang isa’t isa eh napatawa kami ng sobrang lakas. Isipin niyo, ang malinis na si Kit Tasello eh punung puno na ng putik. Wow.
Tumayo naman na kami pagtapos nun tapos sumunod na sa trail nung iba.
*Tunog ng Mahinang Kulog*
Bigla naman akong kinabahan. Please…okay lang na umulan pero sana walang kulog.
“Mukhang uulan yata ah.”
“Bilisan na natin.” tumango naman siya tapos nun eh nagtuloy na kami.
Medyo mapuno na dun sa dinadaanan namin kaya napakaraming tangkay na nakaharang. Muntik na nga akong masugatan eh buti nalang at hindi masyadong matulis yung isang natamaan ko.
“Teka…parang nakadaan na tayo dito ah?”
Sigurado ako…nakadaan na kami rito. Tumingin naman ako kay Kit pero mukhang wala siyang pakielam. Pinalo ko naman.
“Aray, bakit ka namamalo?” kaya naman pala eh. Naka ear phones pala siya at may kung anong pinakikinggan kaya hindi niya ako narinig.
“Paikot ikot lang tayo dito.”
“Oo nga eh.” Ano ba yan?! Kanina pa niya alam tapos hindi man lang siya nagsasalita?! Bwisit na ito!
“Nawawala na tayo tapos ganyan ka parin! Ano ka ba naman?!?”
“Alam mo, wala namang magagawa yang pagpanic mo eh. Sa tingin mo ba mahahanap nila tayo kapag magpapanic lang tayo?” may point rin naman siya.
“Anong gagawin natin ngayon?”
“Tawagan mo sila.” Oo nga naman. Bakit ba hindi mo man lang naisip yun Andy?
Kinuha ko naman yung phone ko dun sa pocket ko tapos pagkatingin ko eh…
“LOW BAT?!?” sa lahat naman ng oras na pwedeng ma low bat eh bakit ngayon pa?! “Phone mo nalang gamitin mo Kit…”
“Iniwan ko yung phone ko dun sa bahay eh.” wah…pwede na bang magpanic? :’(
“Paano nila tayo mahahanap nito ngayon :’( ?”
*Tunog ng Kulog*
Waaah! Mama… :’(
“Maghintay nalang tayo dito. Pag umalis pa kasi tayo eh baka magkasalisihan or something. For sure naman mapapansin din nila na nawawala tayo eh.”
Umupo naman siya dun sa ilalim ng isang puno tapos sinuot ulit yung ear phones niya. Ako naman eh dun sa katapat na puno umupo. Niyakap ko nga yung mga binti ko eh kasi natatakot talaga ako. Paano kung lumakas pa yung kulog kanina?
*Mas malakas na Kulog*
Yan na nga bang sinasabi ko eh! naman.
And to make things worse…bigla namang bumagsak yung ulan. Hay, bakit ang malas naman ng araw na ito?
Napatingin naman ako kay Kit. Buti pa siya, hindi niya naririnig yung kulog. Waa…sana pala ako rin nagdala ng I-pod. :’(
Niyuko ko nalang yung ulo ko. Sana, makatulog nalang ako tapos…
*Mas malakas na Kulog*
AHH!! Grabe, nanginig yung buong katawan ko dun…please…sana naman matapos na yang u---teka…bakit parang hindi na yata ako nababasa?
Tumingala ako at nakita si Kit…nilagay niya yung jacket niya sa akin tapos tumabi siya.
“Sana sinabi mo na giniginaw ka.” kung yun lang sana yun eh mas okay kaso hindi eh.
*Mas malakas na Kulog*
Napapikit naman ako tapos nilagay ko yung kamay ko sa tenga ko. Grabe. Please…asan na ba sila? Bakit hindi pa nila kami nahahanap?!
“Takot ka sa kulog?” nakita kong seryoso yung pagkakatingin niya sa akin. No point in denying. Tumango naman ako nun tapos bigla naman niyang nilagay yung kamay niya sa balikat ko tapos nilapit niya ako sa kanya. Whoa…
“Bakit hindi ka man lang nagsasabi?” tama bang sermonan ako eh kita na ngang takot na takot ako eh.
*Mas malakas na Kulog*
Pumikit naman ako ulit nun tapos naramdaman kong gumalaw si Kit, and then the next thing I knew…sinuot niya sa akin yung ear phones niya tapos nilakasan niya to the point na hindi ko na naririnig yung nasa paligid. Napangiti naman ako.
(click the video at the right)
Napapikit naman ako nun. “Thank you…Kit.” at ang sunod ko nalang nalaman eh nakatulog na ako…*****
May mga naramdaman akong gumagalaw sa paligid ko. Teka, anong oras na ba? Pagkadilat ko eh bigla bumulagta sa harap ko ang mga mukha ni Cheeky, Cheska, Marla, Stephen at Omar. :O Tinanggal ko naman agad yung ear phones.
“Nahanap niyo na kami!”
“SHHH! Sis wag ka maingay…” tapos nun eh tinuro niya yung katabi ko. Napatingin naman ako at… :O Natutulog siya. Whoa…
“Kayo ah…ang sweet ng position niyo ah.”
Tinaasan ko naman ng Kilay si Cheeky tapos nun eh napatingin sa amin. Nanlaki naman yung mata ko. Sobrang lapit ko nga pala sa kanya kaya naman bigla akong napausog.
Nakita ko naman na gumalaw galaw si Kit tapos nun eh dumilat na siya.
“Ayan tuloy nagising. Andy naman kasi eh..”
Tumayo naman kaagad si Kit nun, halata mong inis siya. Syempre naman no, sino bang hindi maiinis kapag nakita mong pinalilibutan ka ng mga tao at pinapanood kang matulog, diba kayo rin maiinis kung ganoon?
Anyway, bumalik narin naman na kami sa bahay nun. Nagulat nga ako at mga 8 palang eh. Akala ko mag-uumaga na, yun pala hindi pa pala tapos yung araw.
As usual, si Myka ulit yung nagluto. Nung kumakain kami eh nakakagulat na sobrang tahimik yata nung iba. Syempre, dahil isa akong curious na tao eh nagtanong ako.
“Bakit ang tahimik niyo?”
Nagkatinginan lang sila tapos si Cheeky naman eh sumenyas sa akin. Si…si Vince? Anong problema sa kanya? Tinaas ko yung kilay ko tapos nun eh nag shrug lang sila.
Mukhang napansin yata ni Vince na siya yung pinag-uusapan kaya naman eh tumayo siya. Sinundan ko naman siya hanggang kwarto dahil syempre, best friend ko yun eh.
“Vince anong problema?”
“Wala…kumain ka nalang dun…”
Hindi ako umalis kasi alam kong meron. Sa tagal ko ba namang nakilala yan eh, saka kahit siguro ang pinakamanhid na tao sa mundo eh malalaman na may problema nga itong lokong ito.
“At sinong niloko mo?” tapos nun eh umupo ako dun sa tabi niya. Hindi naman niya ako nilingon.
“Dun ka nalang Andy…dun sa KANYA.” kanya? Huh? Anong pinagsasabi nitong Vince na ito?
“Kanya? Vince anong---”
“Oh come on Andy, wag mong sabihin na hindi mo alam?”
Napakunot naman yung noo ko nun. Teka, ano bang problema?“Hindi ko alam okay? Kaya pwede ba sabihin mo na?” umupo naman siya nun, kanina kasi nakahiga siya, tapos humarap sa akin.
“Kanino pa ba? Malaman dun sa fiance mo.”
“Anong problema mo kay Kit, Vince? May ginawa ba siya sa iyo?” Sa pagkakaalam ko eh wala namang ginagawa si Kit sa kanya eh? Oh baka meron?
“Wala. Kalimutan mo na iyon.”
Hihiga na sana siya ulit pero hinila ko siya. “No, ayokong kalimutan. Ano yun?”
“Gusto mong malaman talaga?”
“O-Oo.”
Ang lalim ng tingin niya sa akin ng mga oras na iyon. Nakakagulat nga eh kasi sa tagal kong nakilala si Vince eh ngayon ko lang siyang nakita na ganyan. Sobrang seryoso siguro ng nangyari.
“Inaagaw ka niya sa akin!”
Nagulat naman ako dun at nanlaki mata ko. Ganoon ba talaga nararamdaman ni Vince? Grabe, nakakainis…hindi ko man lang siya inintindi.
“Vince…yun ba ang gumugulo sa iyo?” tumango siya nun. Lumapit naman ako sa kanya at yumakap. Halatang nagulat siya nung simula pero yumakap rin.
“Ano ka ba naman Vince…kahit kelan hindi ako maaagaw sa iyo ni Kit.”
Kumalas naman kami sa pagkakayakap at nakita kong parang gulat na gulat siya.
“Nagegets mo ko?”
“Oo naman. Alam mo naman na kahit kelan eh hinding hindi kita pagpapalit.” napangiti naman siya nun.
“Promise?” asus, ayaw pang maniwala oh.
“Syempre naman Vince. Tinatanong pa ba yan? Alam naman ng lahat na…”
…ikaw lang ang pinakabest friend ko.”
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.