chapter 50

3.1K 21 0
                                    

“Babae, bakit kanina ka pa yata nagbublush??”

Napatingin naman ako sa kanila. Teka,  bakit sila lahat nakangiti sa akin?!

“Hindi ah.” tapos naconscious naman ako at humawak sa mukha ko. 

“Uyy! Ano yan?” sabi niya tapos tumuro sa kamay ko. Darn, nakita na. 

Pinagtitignan nila yung ring tapos ako naman eh tago ng tago nito pero ang kukulit nila eh. Ayaw nilang tantanan eh.

“Wala ito!” sabi ko tapos tumayo at nagtatakbo. Ang kuulit talaga nila. 

Tawanan kami nung napagod na. pagtapos nun eh umorder narin kami ng makakain. Nasa bahay kasi kami ng kambal eh, dito kami magbibigayan ng regalo namin. 

Ang lalakas nga ng mga trip nila eh, may iba nagbigay muna ng parang “panlinlang”

“Your turn miss Ongpauco” at ayun, bigayan sila. Nabatukan ko pa nga si Stephen kasi tama daw bang ibigay sa akin napkin?! As in yung carefree! 

Nakakatuwa naman yung mga gifts nila. May mga shirts, caps tapos siyempre, ang nagpanganga sa akin na isang necklace. Galing siya kay Vince.

Nagkatinginan lang kami nun. Nahiya nga ako eh, paano hindi ko naman mareturn yung feelings niya tapos siya eh andiyan parin, naghihintay. 

Lumipas ang mga araw. Hindi na ako nakatira dun sa bahay “namin” ni Kit. Syempre, tapos na naman ang 100 days eh. Yun lang kasi ang parang getting to know period namin. Nung una medyo naiilang pa ako. Siguro nga nasanay ako na may isang moody na lalaking mahilig magsungit tuwing umaga. Pero nung tumagal, ayun, nasanay rin ako.

Nitong mga huling araw, kung hindi kami napunta sa bahay ng relatives namin eh dito lang kami sa bahay. Isang special event nalang ang hinihintay. Ang birthday ko.

Nung bata ako, masayang masaya ako dahil twice akong nabibigyan ng regalo. Isa sa pasko, at isa sa december 28, o ang araw ng kaarawan ko. Kaya parati akong excited na dumating ang Pasko dahil alam kong kasunod lang nun ang birthday ko.

“Hoy Andy! Bilis bilis nga ng kilos diyan, kita na ngang kelangan maglinis tapos nagpapakaprinsesa ka diyan.” tumayo naman ako at agad na tumulong sa paglinis. May general cleaning kasi eh. Para daw mukhang bago at malinis ang bahay pagdating ng new year.

Yun lang ang ginawa ko maghapon. Walang kamatayang paglilinis, pagwawalis, pag-aayos ng mga gamit at syempre pag-aalikabok ng mga gamit ko sa kwarto. Sabi nga ng nanay ko eh, mukhang lapitin daw masyado ng dust yung kwarto ko kaya parating marumi. Sabi naman ni ate Cass, na umepal na naman, eh ako lang daw yung dust na nagpapadumi dun. Hmf! As if yung kanya hindi marumi. 

At pagdating ng gabi, knockout kaagad ako.

*****

Good morning! Waa! Grabe. Hindi ako makapaniwala. Birthday ko na!! 16 years old na ako! Matanda na ako!! Waaaa!!

Bumangon ako kaagad nun at high na high talaga energy ko. Syempre, naligo narin ako kaagad nun tapos bumaba na. ang saya pa nga ng pagbati ko kina manang eh, akala niya tuloy nasisiraan na ako.

“Hay naku Andy! Ano bang pinaggagagawa mo diyan? Bakit ang ingay mo? Ang aga aga eh!” 

Hmf, ano ba naman yang si Ate Cass. Ni wala mang happy birhtday. Talagang una ang sermon eh ano?

“Bakit ba ang sungit mo ngayon?”

“EH ano namang paki mo? Saka bakit ba ang taas taas ng energy mo? Ano bang meron?” napatingin lang ako sa kanya. Hmmm, baka naman nanloloko lang ito.

“Hindi mo alam? Eh napakaspecial ng araw na ito eh!”

“Ano nga?!?” 

“It only comes once a year.” nagkunwaring mag-isip pa siya nun at kung anu anong chuvaness. Naman ate, wag mong sabihin nakalimutan mo nga?

“Sa pagkakaalam ko eh tapos na ang christmas at masyado naman yatang maaga para New Year..ano nga?” 

Nafeel ko nang nangingilid yung luha ko. Ang sakit nun no! sarili mong kapatid hindi alam na birthday mo. Para mo naring sinabi na nakalimutan niyang kapatid ka pa niya. 

“Alam mo yun, yung special day sa isang tao.” tinaasan niya ako ng kilay tapos nagpamewang.

“Bakit? May ikakasal ba?” 

Napabuntong hininga lang ako. Grabe, nakakadisappoint talaga. “Sira! Birthday ko ngayon!”

“Oh? Talaga?” tinignan ko naman siya ng masama pero mukhang hindi siya nagbibiro. Lumapit lang siya at pinat yung ulo ko, “Wag mo kalimutan maglinis ah. Marami pa dapat gagawin.” Yun lang?! ni wala man lang, “Andy Happy Birthday”?!? Naman!

Nabadtrip naman ako nun kaya bumalik ako sa kwarto ko. Pumasok naman si mama kasi mukhang narinig niya yung pagdadabog ko habang umaakyat. Ang childish no?

“Anong problema Andy? Kung umakyat ka ng hagdan eh parang may stampede.” 

“Wala ma…si Ate eh, nakakainis!” tumingin lang sa akin si mama nun.

“Ano bang ginawa ng ate mo?” 

“Hindi niya kasi alam na special itong araw na ito para sa akin.”

“Special? Bakit, ano bang meron?” nagulat naman ako. No, don’t tell me pati si mama hindi alam?! Gosh naman, ano na bang nangyayari sa mundo? Talaga bang pinilit na makalimutan ng mga close ko yung birthday ko?

“It’s nothing ma. Don’t mind it. I just realized anyway na hindi na pala siya ganoon kaspecial…”

“Ahh…okay. Well, wag na kayong mag-away ng ate mo. Magbabagong taon na tapos ganyan kayo. Hindi maganda yan okaY?” 

At ayun, lumabas narin si mama. Napahinga lang ako ng malalim nun. Ang sakit, sobrang sakit dito. Alam niyo yun? Mag-eexpect ka tapos wala naman palang makakaalala. 

Tinignan ko naman phone ko. May mga messages. Kahit papaano eh napangiti ako. 

Nung binuksan ko na eh medyo nadisappoint pa ako. Mga classmate lang pala na nag-ggm at nagtatanong ng assignment. Hay, talaga bang walang nakaalala sa birthday ko? 

Tinanggal ko nalang sa isip ko yung sadness at lumabas nalang ako. Pumunta ako sa mga bahay ng kaibigan ko para magyaya kaso nga lang ito ang mga naisagot nila sa akin…

“Di kami pwede eh, dadating relatives. Ano bang meron?”

“Ano meron?”

“May gagawin pa ako eh..saka nalang.”

“Tinatamad akong lumabas ngayon eh…bakit, ano bang meron?”

Oh diba ang sakit? Kung sino pa yung mga ineexpect mong makaalala eh sila pa yung hindi bumabati. Nung matapos nga akong pumunta kina Vince eh dun ako dumiretso sa park at hindi ko na napigilang umiyak. 

Naiinis ako na nalulungkot. Grabe kasi eh, sobrang sakit. Feeling ko tuloy puputok yung dibdib ko sa nararamdaman ko ngayon. 

“psst”

Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Hala, sino naman kaya yun? 

Natakot naman ako kasi paulit ulit lang yung sumusutsot. Umalis na ako sa park tapos naglakad na papuntang bahay. 

Andy, 

Umalis lang kami saglit, dun ka muna sa bahay niyo dati ni Kit.

Mama

Waa! Ano ba yan, hindi man lang sila nagtext or something. 

Ayun, napalakad naman ako hanggang sa makarating ako sa bahay. Kinuha ko yung spare key namin sa may ilalim ng doormat tapos binuksan na yung pinto. Nagulat ako kasi may biglang pumutok malapit sa akin. Pagtingin ko sa loob…

“Happy Birthday ANDY!” 

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon