chapter 43

3.2K 23 1
                                    

Basura?! Ang kapal naman niya! “Basura ka diyan! Kapal mo ah!”

Kinuha ko ng mabilisan yung flower tapos umakyat na ako. Grabe nakakabwisit siya ah. 

Ginawa ko naman kaagad yung mga assigment ko at syempre, nagliwaliw na pagkatapos nun. 

*TOK TOK TOK*

“Pasok!”

Bumukas yung pinto at agad naman akong napatingin dun sa pumasok. Hmf, siya lang pala. Ano na naman kelangan niya ngayon? 

“Bakit?” sabi ko sa kanya, ni hindi ko man lang siya nililingon at patuloy lang akong nagsusulat ng kung anu-ano.

“Sa amin na sumasama si Kat.” bigla naman ako napatigil dun sa sinabi niya. Bakit niya sinasabi sa akin ito?

“Ah, ganun ba?”

“Hindi na siya nakapagsabi sa inyo kasi madalas daw kayong nawawala kaya pinasabi nalang niya..” nawawala? Classmate naman namin siya ah, bakit hindi niya sabihin sa klase? 

Ano ba Andy, ayos lang yan. At least magkasama na sila. 

“Ah..” napatingin naman ako sa kanya at nagtaas ng kilay.“May kelangan ka pa?”

“Kanino galing yan?” sabi niya tapos tinuro yung blue na flower. Hmf! Sasabihin niyang basura tapos tatanungin kung kanino galing. Hibang ba siya?

“Hindi ko alam.” kumunot yung noo niya nun tapos napahinga siya ng malalim.

“Alam kong nilait ko yan, sorry, pero di nga, kanino nga galing?”

“HINDI ko nga ALAM. okaY?”

“Then paano mo nakuha yan?”

“Yun nga rin pinagtataka namin eh. Paano napasok sa loob ng locker ko..”

“Wala ka bang pinagsabihan ng combination mo?”

“De susi yung lock ko.” nagkatinginan naman kami bigla kasi pareho kaming napabuntong hininga. 

Teka nga, ano pang ginagawa nitong lalaking to dito? “May kelangan ka pa ba?”

“Bakit ba parang atat ka yatang paalisin ako?” parang lang ba? Hindi ba talaga ganun kahalata?

“Kasi po gusto kong matulog na…pwede?”

Wala na siyang nagawa nun at umalis nalang. Alam kong parang mali yata yung nagawa ko pero ayos narin yun. Makakabuti rin yun para sa akin…I hope.

*****

Araw araw eh nakakatanggap ako ng blue rose. Hindi na sa locker siya nakalagay kung di sa ibang places na. minsan nga eh, iniiwan sa teachers table tapos may pangalan kong nakalagay dun. Nasanay narin ako. Parang normal thing nalang siya kung makakakita ako sa kung saan saan.

Nagtaka naman yung mga kaibigan ko kung bakit tinatago ko pa yun eh hindi ko naman kilala yung nagbigay. Ang sabi ko lang, ang cute kasi ng color eh. Saka syempre, sayang naman, kung ikaw ba na bihirang makatanggap ng flowers eh itatapon mo yung binigay sa iyo? Nuh-uh.

“Hoy babae.”

Napatingin naman ako kina Cheeky. Oh, bakit sila nakatitig sa akin?!

“Bakit?”

“Kanina ka pa tulala diyan ah.”

“Huh?”

“Anu ba yan. Tama na nga kakaisip dun sa blue rose. Ikaw ah.”

Tumawa naman sila tapos ako eh nagkunwaring nagtampo pa. After nung break namin pinatawag yung volleyball players. May game na naman kasi kami next week eh, last game namin para sa year 200* tapos ang susunod na eh next year.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon