chapter 47

3.1K 21 0
                                    

“Kung bakit ba kasi napakaclumsy niyang babaeng yan EH! Teka, si Ate Cass yan ah?

Ouch. Ang sakit ng ulo ko. Teka, anong nangyari? Saan na ako? 

Dahan dahan kong binuksan yung mata ko. Ang daming tao sa paligid. Andoon sina mama, sina Cheeky at sina Kit. 

“gising na si Ate!”

Nakita ko naman silang biglang nagcrowd sa akin. Grabe, ang dami nila!

“Bakit ganyan mga hitsura niyo? Asaan ba ako? Ano bang nangyari sakin?” 

“Andy nasa hospital ka ngayon. Nadulas ka dun sa loob nung Fun House tapos nauntog ka.”

Ah, yun. Tama, naaalala ko yun. Teka, totoo kaya yung narinig kong sinabi ni Kit? Oh baka naman naghahallucinate lang ako? Baka…baka nga. Napakaimpossible kasi eh.

“Anong oras na?” 

“11 ng umaga.” nyek, ano ba naman yang mga yan. Bakit hindi nalang sila tumuloy dun sa Festival sa school, sayang naman.

“Bakit hindi kayo magpunta na ng school? Sayang yung festival dun no.” tumingin sila sa akin na para bang nahihibang ako.“Ano ba kayo, okay lang sa akin na iwan niyo muna ako dito. Basta ba magpicture kayo eh.” 

“Uhm, ano kasi Andy. Tapos na yung festival. Monday na ngayon. December 17.”

Nanlaki naman yung mata ko. They’re joking right? Impossibe na mangyari yun! Ibig sabihin 5 araw na akong natutulog?! Weh, hindi nga?!

“You’re kidding right?” 

Umiling naman sila bigla at ako eh natulala lang. Inabutan ako ni mama ng tubig tapos uminom naman ako.

‘Mukhang gutom ka na yata Andy. Teka, bumibili na si papa mo ng makakain.”

Tumango lang ako tapos nun eh yung iba tinuloy na yung ginagawa nila. Sina Cheeky nagtsitsismisan na naman, si Herc, well, anu pa ba? Malamang nag gagameboy na naman. Si ate Cass naman eh busy sa panonood ng tv at si Kit..kasuap niya si Kat. 

“Okay ka na ba?” 

Ngumiti lang ako kay Omar tapos tumango. Umupo naman siya dun sa tabi ko tapos tumitig. Anong gimik nito?

“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” 

“Yeah, dito oh.” tapos pinoint niya yung sa may cheeks ko. At syempre ako, pinunasan ko naman.

“Wala na?” 

“Meron pa eh, nausog lang.” tapos nagpoint na naman siya sa ibang place. Medyo nakailang turo rin siya bago ko mapansin na pinagloloko lang niya ako.

“Asar ka! Pinaglololoko mo lang ako eh!” 

“Wahahah ,I can’t believe you fell for that!” hinampas ko naman siya at napa-aray siya ng sobrang lakas. Yung iba naman napatingin pero hindi na namin pinansin.

Dumating naman kaagad si papa at ayun, kainan na kami. Ang sarap nga eh, KFC yung dala niya. Nagkita na naman kami ng paborito kong mashed potatoes at coleslaw. 

Sa hospital lang ako nagstay nung araw na iyon dahil hindi pa daw ako okay. May mga tests pa raw na kelangan gawin, alam niyo na, para daw macheck kung may blood clot sa brain ko. Ayos lang naman sa akin na dun lang ako, basta ba may ginagawa ako eh.

Hindi naman ako nabore kasi andiyan parati yung barkada. Todo laughtrip nga eh to the point na may mga nurse na naiinis na sa ingay namin. Hmf, care ba nila? Masayahin kaming tao eh.

Nung Wednesday, December 19, napalabas narin ako sa wakas. Buti nalang hindi ako inabot ng pasko dito, ayoko ngang magspend ng pasko dito no! 

“Haii nakauwi din! Miss ko na kwarto ko!” 

“Ang babaw mo naman..” tinignan ko lang siya ng masama tapos umupo ako dun sa sofa. KJ!

“Hay nako! Bakit ba ang KJ mo?!” 

“Ewan ko. Ikaw? Bakit ang babaw mo?”

Nagkaroon kami ng titigan game at malas ko kasi mas nauna akong napablink. Bwisit. Umakyat nalang ako nun tapos nagliwaliw na sa kwarto ko. Naglaro ako ng kung anu-anong games dun tapos ayun napagod rin ako at natulog nalang.

The next day, maaga ako nagising. Mga 9 palang siguro nun eh gising na gising na ako. Dala narin siguro yun ng maaga kong pagtulog kaya ayun. Okay narin yun kasi napagdesisyunan ko na ngayon nalang ako mamimili ng Christmas gift ng mga friends ko. 

Naligo naman ako kaagad tapos umalis na. Hindi na ako nagpahatid kasi baka magising lang si Kit kapag paalis na ako, ayoko ngang makipagpatintero pa dun para lang makaalis no.

Pagdating ko ng mall, wala masyadong tao kaya tinake ko na yung opportunity para magbili bili ng regalo. Una ko namang dinaanan yung bench. Bumili ako ng caps para kina Vince at Stephen tapos shirts naman para kina Kat, Cheska, Cheeky at Marla. 

Sunod akong dumaan sa blue magic at binilhan si Omar ng parang maliit lang na monkey na may hawak na sign na may nakasulat na “the best monkey in the world”. Matuwa kaya siya o mainis? 

One more to go. Yun pa ang pinakamahirap na hanapan. Hay, ano kayang pwedeng bilhin para sa isang masungit na moody na mahilig sumimangot na Kit Tasello? This is going to be a long day.

*****

Oh my gosh! Anong oras na?! mag aapat na oras na akong nag-iikot dito pero wala parin akong makitang gift para dun sa masungit na lalaking yun! Hay naku! Kung bakit ba kasi hindi nalang t-shirt ang ibigay ko sa kanya eh! Asar naman!

♪ If I could escape

And re-create a place as my own world

And I could be your favorite girl

Forever, perfectly together

Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ 

“Hello?!” 

“Oh, bakit galit na galit ka yata? Anong nangyari sayo?” 

Asus, si Omar lang pala. “Heto! Bwisit na bwisit sa kakaisip ng gift ni Mr. Kit Tasello!!” 

“Eh ano namang nakakabwisit dun?” 

“Wala kasi akong maisip na bilhin eh!” 

“Hmm, kasi gusto mo special??” natigilan naman ako. Ganoon ba talaga yung gusto ko? “Isipin mo Andy, hindi ka naman mahihirapan kung hindi special ang gusto mo eh. Kahit nga shirt or cap pwede na kaso hindi. Gusto mo yung talagang ikatutuwa niya.” 

“H-hindi ah!” 

“So bakit ka nahihirapan pumili?” naman, ayan na naman siya with his questions. Darn.

“Uhh Omar got to go! May kelangan pa pala akong tawagan, sige bye!” 

“Pero te---” at ayun, binaba ko na. Hay, naiinis ako kapag ganun yung mga tinatanong niya dahil hindi ko masagot ng maayos. 

Hay, ganun nga ba talagA? Sure nung birthday ng mom ni Kat, I thought about the possibility na..yun nga. Pero gulung gulo parin talaga ako. Mas gusto ko parin talaga nung wala akong nararamdaman para sa kanya. Lalo na ngayon na malapit sila ni Kat. 

Hay Andy, ano ba talagA?! Simple question. Mahal mo ba siya o hinde?! 

Tumingin ako sa paligid ko saglit and then, something caught my attention. Napangiti ako. I found it.

*****

Mag 6 na siguro nun nung makauwi ako. Satisfied naman ako kasi natapos ko yung pamimili ko. Nagpasundo narin ako, syempre, madilim na. nakakatakot narin magcommute no. malay niyo maholdap pa ako at masayang yung magpapagod ko.

Pagdating ko sa bahay eh wala daw si Kit. Pumunta daw sa bahay nila. Hmm, baka dun na siya nag-isip na magbalot. Oh well, ayos lang. at least walang manggugulo sa akin.

Inakyat ko naman kaagad yung mga pinamili ko tapos nagpahinga lang saglit. Pahinga meaning gumamit ng computer. 

Nag-online naman ako sa ym at…

“Oh my gosh.” 

Nanlaki yung mata ko sa offline message na nakita ko. Teka, nananaginip ba ako?! Tell me this is just a joke! Impossible na mangyari ito! Swear!

cuteboi: heya miss andy ongpauco  how the hell did he find out?!

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon