Wait, tama ba itong narinig ko? Sasama daw siya?!
“Oi teka! Bakit ka sasama?”
“Gusto ko eh!” aba, gaya gaya siya ng sagot ah!
“AT kelan ka pa nahilig sa party aber??”
“Bakit? Hindi mo naman ako ganoon kakilala para sabihin na hindi ako mahilig sa party ah?” okay Andy, pahiya ka na naman. Sabi ko nga eh, dapat hindi na ako umimik.
“Hindi na kita mapipigilan no?” tumango naman siya nun at nakatingin sa akin ng diretso. Hay, pero teka…alam ko na!
“Okay, payag akong kasama ka pero…”
Lumapit siya ng konti sa akin, sign na interested siya sa sasabihin ko.
“Kelangan kasama si Myka.” Grabe, ang talino mo talaga Andy! Tama, ito ang back up plan ko kasi pumalpak yung pagpunta namin sa mall dati.
“Yun lang pala eh.”
Ngumiti naman ako sa kanya tapos umalis na. Gabi narin kasi nun at kelangan ko ng matulog. Yes, tama pambawi ko to para sa nangyari sa mall. Go Andy, kaya mo yan. Ah, dapat pala magplano ako para hindi pumalpak.
Buong gabi naman akong nagplano ng pwedeng gawin para sa operation match making ko. Mga 12 na nga ako nakatulog eh, hindi rin naman ako sobra kung magplano no?
Nung umaga naman eh kinailangan pa akong gisingin ni manang. Buti nga siya nanggising sa akin eh at hindi yung Kit na iyon. Pagbaba ko naman eh wala na si Kit. Teka, ang aga naman yata niya pumasok.
“Manang, bakit po hindi niya ako hinintay?”
“Aba’y ewan ko sa batang iyon. Ang gulo niya. Sabi niya nung una hihintayin ka niya tapos nun eh umalis nalang bigla. Nakailang ikot pa nga siya diyan sa table kakaisip eh, grabe hinilo ako niyang asawa mo.”
“Hini ko pa siya asawa manang, wag kayong magsalita ng ganyan.” ngumiti lang siya sa akin tapos ako naman eh kumain na at syempre, diretso na sa school namin. May mga 15 minutes pa siguro ako nun kaya dumaan muna ako sa art room.
May bagong painting na naman an bumulagta sa harapan ko. This time yung babae eh nakaupo sa isang desk tapos parang nagsusulat siya ng kung ano. Grabe, ang cute talaga. Hay, buo na naman araw ko.
Sumilip ako sa gilid para tignan kung nagtatago ba si Kit, teka nga, bakit ko ba siya hinahanap?! Ano ba naman yan. Lumabas nalang ako nung art room tapos dumiretso sa locker para kumuha ng gamit. Pagdating ko sa classroom eh may 5 minutes pa bago magbell kaya kinausap ko muna mga kabarkada ko tungkol sa party.
“Uy, sama naman kayo mamaya sa party ni Mia oh.”
“Sorry Andy, hindi ako pwede eh, ngayon kasi start ng practice namin para sa Annual Halloween play eh. Yung taga theater club kasi required na sumali doon. Sorry talaga.” okay, one down ayos lang yan may 4 to go pa. Humarap naman ako kina Cheeky at Cheska, for sure sasama yan, gala kasi yang si Cheeky at kung saan man yan pumunta eh parating sasama si Cheska.
“Sorry dear sister pero hindi rin kami pwede. May family gathering kami mamaya eh.” Okay, si Stephen at Vince nalang.
“Sorry Dy, di rin ako pwede eh may practice kasi ang Varsity.”
“Sorry Pot.”
Nakitango lang naman si Vince sa kanya. Hay, pareho nga pala silang varsity. Ibig sabihin, mag-isa lang ako mamaya sa operation ko? Hay, wala akong magagawa. Bakit kasi hindi karin naging busy ngayon Andy?!
“Okay lang guys…basta next time sama na kayo ah?” tumango naman sila at ayun, nagbell narin pagkatapos.
Dumating yung first period teacher namin tapos inannounce niya na dapat daw kami pumunta sa respective groups namin para sa activity sa halloween festival, kelangan daw kasi namin magmeeting para buo na ang plano for next week.
Ayun naman, pumunta naman ako kaagad sa gym at andoon na yung lahat ng Varsity Volleyball, magkahalong boys and girls.
“Kumpleto na tayo?” tumango lang kaming lahat tapos nagnod din si Coach Vicedo. “Ano bang gusto niyo na booth natin para sa halloween festival?”
May mga nagtaas ng kamay at kung anu-ano na yung ni-suggest. Yung iba nga eh sobrang common like wedding booth or jail booth pero dahil nga halong babae at lalaki yung nandoon sa gym eh sobrang nagcocollide mga ideas at opinions namin. Kesyo boring daw yung isa at yung isa naman eh walang kwenta.
“Wag kayong magtalo okay? Kulang nalang eh magbatuhan kayo ng bola diyan eh.”
Nagtigil naman yung mga maiingay tapos feeling ko may idea silang nakuha.
“Coach! Astig idea mo!”
Tumaas naman yung kilay niya pati nga ako eh nagtaka. Gusto nilang magbatuhan? Ay wait…mukhang nagegets ko sila.
“Bakit hindi nalang tayo gumawa ng paint ball booth! Alam niyo yun? Yung magbabatuhan ng paint ball balloons.”
Nag-usap usap naman kami. Maganda yung idea and for sure wala naman masasaktan at siguradong mag-eenjoy yung mga tao.
“Oh sige, magplano muna kayo diyan at iinform ko lang yung unit head natin tungkol sa plano ng varsity volleyball. Tony, Linda kayo ang magbantay, babalik din ako kaagad.”
At yun, umalis si Ma’am tapos nag-usap pa kami ng tungkol sa gagawin namin. Mga ilang minutes rin siguro kaming nagtalo tungkol sa mga ideas pero after 10 minutes eh nagkaroon rin kami ng solid plan. Bad trip nga lang kasi ako yung pinagreport nila kay Coach nung nakabalik na siya.
“Okay, maganda yang idea niyo at pumayag ang unit head sa booth natin. So ang materials na kekelanganin natin eh iaassign ko na para makabili kayo sa weekends.”
Binigay ni miss sa amin yung listahan at yung mga pwedeng magdala eh nagvolunteer na. Hindi pa nga nakakakalahati yung araw eh tapos na kaming magplano kaya free time na kami. Binigay na kasi yung whole day para magplano.
Nakalimutan ko palang tanong kina Cheeky at Cheska kung anong sasalihan nila. Sila lang naman kasi yung hindi required sa club ang sumali sa isang activity eh. Nag-ikot ikot muna ako mag-isa, hindi pa kasi tapos yung mga pagpaplano ng ibang groups eh.
“Excuse me miss!”
Teka, ako ba tinatawag nun? Malay mo hindi baka mapahiya lang ako, nagtuloy nalang akong maglakad tapos nun eh naririnig ko parin siya. Ako yata eh.
“Teka, ano ulit pangalan nito….argh! bwisit…ano yun…something with…bahala na, yung tawag nalang ni Kit sa kanya. Miss STRIPES!”
Nanlaki yung mata ko. Ako nga! Tae, wag mong sabihin nakikitaan ako. Napatingin naman ako sa baba ng uniform ko, okay, ayos naman siya. Nilingon ko yung lalaking tumatawag sa akin tapos binigyan siya ng masamang tingin.
“Excuse me lang no. Hindi stripes pangalan ko, It’s Andy.”Parang lumiwanag yung mukha niya nun tapos ngumiti siya sa akin.
“Ayun! Andy pala, heheh sorry ha, nakalimutan ko kasi eh. Oo nga pala, ako si Omar, best friend ni Kit. Kaw yung fiance niya diba?”
Tumingin ako sa kanya at yun, tumango lang. Nawala naman yung inis ko, fine sige palalampasin ko ngayon kasi nakalimutan niya at mukha naman sincere siya.
“Unfortunately, ako nga yun. Bakit mo naman natanong?”
“Talaga palang ayaw mo sa kanya no? Heheh, anyway, nakita kasi kita kanina sa gym. Varsity Volleyball ka rin pala.” Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero…ayaw ko sa arrangement na ginawa. Basta, yun na yun. Wala na akong magagawa.
“Ahh, ganun ba.” hmmm…mapagkakatiwalaan kaya ito sa plano ko? I mean friend siya ni Kit eh, baka bukuhin ako. Alam ko na. “Oo nga pala, anong tingin mo kina Myka at Kit?”
“Sa kanila? Hehe, tingin ko bagay na bagay sila at ayaw lang nilang aminin yun. Si Kit kasi malihim kahit na sa akin at kung magshashare man siya eh mas nauuna kay Myka. Bakit mo natanong? Siguro may binabalak ka ano?”
“Actually…yes and I need your help.” ngumiti ako sa kanya tapos siya naman eh parang nagtataka sa akin na parang ewan.
Nag-usap pa kami ng kung anu ano dun, mga plano at syempre, sinabi ko sa kanya yung plano ko para mamaya. Sasama nga daw siya eh, buti nalang, at least hindi na ako mag-isa at nagpapakahirap. Sabi rin naman niya na hindi niya daw ibabanggit kay Kit yung pinag-usapan namin, dapat lang no kung di makakatikim sa akin yan ng flying kick.
Mga hapon narin nun nung pinayagan na kaming umalis. 4 pm to be exact. Diretso uwi ako kaagad at hindi ko na hinintay si Kit, bakit hindi rin naman niya ako hinintay kanina eh diba? Pagkauwi ko ng bahay eh nagbihis kaagad ako ng jean skirt tapos shirt at sneakers. Hindi kasi ako mahilig sa damit na mahirap gumalaw.
Mga 4:30 nun ng nakauwi si Kit, medyo inis nga ako kasi ang sungit na naman niya.
“Hoy dalian mo naman. Ano nga pala sabi ni Myka?”
“Pumayag siya. Dun na daw magkikita.”
“Anong dun? Sunduin mo siya ano ka!”
“Bakit? Marami naman silang driver eh. Saka paano ka? Alam mo naman na accident prone ka at baka pag mag-isa kang pumunta dun eh magkasugat sugat ka sa sobrang clumsy mo.”matoutouch na sana ako sa sinabi niya kaso nga lang pinahaba pa niya. Kit Tasello Fact # 10, hari siya ng sablay.
“Hay nako Krisantimo Ivann, think of it this way, it’s the RIGHT thing to do. Now, pumunta ka na doon at ako eh magpapahatid kay Manong.” pinagkatulakan ko siya dun sa may pintuan pagtapos nun eh nakalabas narin siya. Tumingin siya muna sandali sa akin tapos nun eh umalis narin. Hay, kung di siya umalis nun kaagad e baka nasipa ko pa siya.
At gaya naman ng sabi ko kanina, nagpahatid na nga ako kay Manong. Tinext ko naman si Omar na pumunta na, hindi kasi alam ni Kit na kasama si Omar kaya hindi ko siya nabanggit. Pagdating ko dun eh sinalubong naman ako ng mga maraming tao. Aba, basta party andoon ang mga taga MPU ah. Well, most of them.
Nagsabi naman ako kay manong na magtetext nalang ako kung sakaling uuwi na ako at pinauwi ko na siya. Pagpasok ko naman eh nakita ko na doon si Omar.
“Oh ano? Dumating na ba sila?”
“Yup, halata ngang tuwang tuwa si Myka eh.”
Good, gumagana yung plano ko. Nag high five kami ni Omar tapos nun eh hinanap na naman yung dalawa. Dapat walang makikiextra sa kanila.
“Okay lang ba sa iyo yan AndY?” tinaasan ko naman siya ng kilay. Okay ang ano?
“Ang alin?”
“Ang pagmamatch make mo sa dalawang yun. Kahit saan mo naman kasi tignan eh, fiance ka parin ni Kit.” nagulat naman ako sa tanong niya. Okay na okay sa akin to kasi after 100 days at pag in love na si Kit kay Myka eh pwede naming I call off and engagement at free na naman ako.
“Syempre naman okay sa akin to no! Ano ka ba, ayoko pang mag-asawa, sobrang aga pa kasi eh.”
“Ganoon ba? Eh naisip mo naman ba kung okay lang kay Kit ito?”
“Bakit naman hindi? Eh wala namang meron sa aming dalawa.”
“Ewan ko lang Andy ha. Pero kahit sobrang tagal ko ng kilala yan si Kit eh hindi ko parin maintindihan ang mga nararamdaman niya lalo na kapag tungkol sa babae. Hindi tayo nakakasiguro kung wala bang feelings para sa iyo si Kit o meron.”
Si Kit? Magkakagusto sa akin? After ng mga panlalait, pang-aasar, pangki-criticize niya sa akin? I don’t think so.
“Asus, wag ka ngang mag-isip ng ganyan. For sure, matutuwa si Kit sa ginagawa natin lalo na kapag sila na ni Myka okay? Ayun sila oh, sundan na natin.”
Ni-drop naman na ni Omar yung pinag-uusapan namin kanina. Saka, napakaimpossible naman mangyari ng ganoong bagay. Right?
“Oo nga’t nilalait kita at sinusungitan. Minsan pinagtritripan at minsan naman eh dinadown kita. Pero isang bagay lang ang mapapangako ko sa iyo, at iyon ay ang hinding hindi kita iiwan na mag-isa kahit kelan.”
Teka, ano ba itong naiisip ko? Si Omar naman kasi eh! Tumingin ako kung nasaan sina Kit at Myka. Masaya sila sa isa’t isa. Yun ang sure ko at sisiguraduhin kong walang sisira nun. Itaga niyo yan sa bato.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.