The next day maaga ako nagising. Paano? Well…
“Hoy gising na!” may nalalaman pa siyang hindi raw ako gigisingin eh ano kayang ginagawa niya?
“Heto na babangon na!” at syempre, ano pa bang magagawa ko. Nagulantang na yung mundo ko kaya ayun, naligo narin ako at bumaba na kami. Hindi man lang ako pinakain eh, ang sama niya no?
Pagdating naman namin sa mall eh dun kami muna sa mga damit tumingin. Actually, hinila ko lang si Kit eh. Hey, may atraso siya sa akin kaya may karapatan akong gawin yun diba?
“Hindi mo ko kelangan hilahin ok?” at saka ko naman siya binitawan. Tumingin tingin muna ako dun sa mga damit dun. Ang dami ngang bago eh tapos mala-vintage yung design niya kaya ako naman, napabili ng 3 shirts.
Pagtapos namin dun eh hinila ko si Kit sa may mga swim wear. Hmm, ano kayang pipiliin ko? One piece o two piece? Ah alam ko na.
“Hoy Kit! Tulungan mo ko, anong mas okay, itong once piece na ito o itong two piece?”
Pagtingin ko naman sa kanya eh natawa ako. Namumula siya! As in, yan na ata ang tinatawag na ultimate blush eh. Biruin niyo, nagagawa pala yun ng isang Kit Tasello?
“Bakit ba ako tinatanong mo diyan?!?” hahah, grabe, hiyang hiya talaga siya nung mga oras na iyon.
“Dali na! Pipili ka lang naman eh.”
“Wag mo nga akong idamay diyan sa kalokohan mo!!” Asus! Ang sungit.
“Fine! Ako nalang pipili.” Hay, sana pala si Marla or si Cheeky nalang yung sinama ko. Hmf, walang kwentang shopping partner naman itong Kit na ito eh.
“Yung one piece!”
Napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Ito talagang lokong to, ang hilig magpakipot! Tutulungan rin pala ako, magpapahabol pa! Napansin ko rin naman na mas lalo yatang pumula yung mukha niya. Wow, possible pa pala yun.
“Tara na nga Tomato face.” hinila ko na siya papuntang counter tapos binayaran ko na yung binili ko.
*KUROKUROKURO*
Ugh, walang hiyang tiyan naman ito oh!
“Hoy stripes, hindi mo ba macontrol yang tiyan mo? Baka naman may alaga kang sawa diyan kaya tunog ng tunog parati!” this time, turn ko naman para mag blush. Walang hiyang lalaking to. Siya naman may kasalanan kung bakit nagising yung sawa---este kung bakit tumutunog tiyan ko eh!
“Excuse me tomato face, kaya lang naman tumutunong ito kasi hindi mo ako pinakain ng umagahan! Kaya ngayon, halika ilibre mo ko!”
“Hm, sino kayang mas mukhang tomato face sa atin ngayon stripes?” at pagtapos nun eh naglakad na siya.
Dun kami sa Shakeys pumunta. Umorder naman kami ng pizza tapos syempre, hindi mawawala ang mojo’s and dip. Wow, mukhang matutuwa ang alaga---este tiyan ko ngayon ah!
“Hoy stripes, hinay hinay lang…alam mo kung anong pwedeng mangyari sa iyo kapag over eating ka na naman.”
“Alam ko tomato face!”
At yun, kumain na kami ng tahimik. Syempre, kapag kakain, galit galit muna. Grabe! Tama talaga yung choice ko na dito kumain! Sarap talaga!
“Ang cute naman tignan nung couple na iyon oh! Tignan mo, bagay na bagay sila.”
Teka, mukhang kami yata ni Kit ang pinag-uusapan nila. Whoa wait! Couple ba kamo?!
“Oo sinabi mo pa. Pareho silang may hitsura kaya bagay na bagay sila no?”
Hala naman, mukha na pala kaming couple ngayon?!
“Hoy stripes, wag mong ubusin yang mojo’s and dip. Bahala ka, ikaw rin. Pero wag mong I-expect na ako mag-aalaga sa iyo sa bahay.”
“Gosh, wag mong sabihin na kasal sila? Ang babata naman yata nila para maging kasal na.”
Namula naman ako nun dahil sa sinabi nila. Grabe sila! Ang lakas nilang makiusisa ah. Nakakainis na.
“Ki----Kit?” teka, san na napunta yung lalaking yun?! Tumingin naman ako sa paligid tapos nakita ko siyang kinakausap yung dalawang babaeng nagtsitsismisan. Mukhang takot na takot nga eh kaya pinuntahan ko na.
“---at hindi ba kayo tinuruan ng mga parents niyo na masama ang pag-eeavesdrop?!”
Grabe naman itong lalaking to. Asus, hindi mo naman malalaman yung pinag-uusapan nila kung hindi ka rin nag-eavesdrop eh.
“Kit tama na!” tumingin naman siya sa akin tapos huminahon narin. Lumingon naman ako dun sa mga babae tapos parang nagbow. “Pagpasensyahan niyo na po itong kasama ko ale kung natakot niya kayo. Kit, tAra.” At hinila ko na si Kit papaalis. Napangiti naman ako sa huling sinabi nila.
“Anong tinawag nyia sa atin?! Ale? Mukha na ba tayong Ale ngayon!?”
Gosh Andy, matalino ka talaga. “Sinadya mo yun no? Na tawagin silang Ale?”
“Oh? Tingin mo sinadya ko?” at nakita ko naman siyang ngumiti. Pagbalik namin sa table namin eh tinapos na namin yung pagkain tapos nagbayad na si Kit.
Sunod naming pinuntahan eh yung supermarket para sa pagkain namin. Ang dami ko ngang nabili eh, mga iba’t ibang junk food like Doritos, Lays, at syempre ang favorite kong Cheetos.
“Ano ba yan Stripes, puro junk food binili mo. Gusto mo yatang magkasakit lahat ng sasama eh.” tinaasan ko naman siya ng kilay nun.
“Eh di kumuha ka ng mga gusto mong bilhin. Wala naman pumipigil sa iyo eh.” at yun, kung anu-anong gulay na yung kinuha niya. May mga isda, chicken at beef pa nga siyang binili eh, hay naku, siguraduhin lang niyang may magluluto niyan dun.
Pagtapos namin mamili eh nagpasundo na kami sa driver at syempre nakauwi narin. Hay! Excited na ako para sa Monday!!
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.