Feeling ko sumakit yung buong legs ko dahil halos maikot yata namin yung buong mall eh. Ganyan kasi kaming magbabarkada lalo na kapag special occasion (oo, special occasion trato namin sa mga ganito) madalas iniikot namin yung buong mall talaga. Ewan ko nga kung paano naging relaxation ito eh.
“Saan tayo sunod?”
“Teka, anong oras na ba?”
Hindi narin siguro kasi namin napansin yung oras. Wala kasi kaming masyadong paki eh syempre nag-eenjoy kasi kami.
“10:15 na. Uy Andy, diba kelangan mo ng umuwi?”
“Asus, wag nyong pansinin yung sinabi ni Kit kanina, wala yun no. Kung parents ko nga eh hindi naman ako binibigyan ng curfew, anong karapatan niyang magbigay sa akin diba?”medyo nagdalawang isip pa sila nung una nun pero tumango lang. OA naman siguro kung aandar ang pagka SC President ni Kit ng dahil lang dito diba? Haler, wala naman kami sa school eh at wala rin kaming suot na uniform ng MPU so no problem.
Tumuloy lang kami sa pag-iikot nung mga oras na yun. Mga 12 na nga siguro kami nakaalis eh. At wala sana kaming planong umalis pa nun kung hindi pinaalala sa amin ng guard na in 30 minutes eh magsasara na yung mall. Medyo natagalan kami kasi wala masyadong taxi at jeep na dumadaan.
“Gosh, ayaw yata tayo pauwiin.” napatingin naman kaming lahat kay Cheeky.
“Oi”
Kinabahan naman kami bigla. Teka, para sa amin ba iyon? Tinulak kami nina Vince at Stephen sa likod nila tapos humarang at tinignan yung paligid.
“Sino yan?”
“Oi”
Lalapit na sana si Vince nun kaso hinawakan ko siya sa braso.“Vince! Papaano kung may dala siyang knife o baril?”
Tumingin lang siya sa akin tapos ngumiti. “Magpakita ka nga!”
Nawala yung boses tapos akala naman natapos na kaya lang…
“AHHHHHHHHHHH-----KIT?!”
Nagulat kaming lahat kasi si Kit lang pala yun.
“A-a-anong ginagawa mo dito?! Bakit ka ba nananakot!?!”
Napatingin ako sa mga kaibigan ko kasi sila rin eh nakahawak sa mga dibdib nila, sigurado dahil sa gulat at biglang nagpakita itong si Kit. Teka, may sa engkanto yata itong lalaking to eh!
“Anong oras na?”
“Ano ba yan Kit! Nanggulat ka para lang tanungin kung anong oras na? Bakit, wala bang orasan sa bahay?!” Matatawa sana ako nun kaso nung tumingin ako sa mga kaibigan ko eh umiiling sila. Teka, anong meron?
“Di ba sabi ko 10?” Nanlaki naman mata ko sa kanya. Teka, sino ba siya para bigyan ako ng curfew?
“Excuse me! Tatay ko nga di ako binibigyan ng curfew eh! Anong karapatan mo na bigyan ako?!”
Tinaasan niya ako ng kilay tapos nun eh tumingin sa mga kabarkada ko.
“Pasok na sa kotse.”
Hindi naman nagreklamo yung iba tapos sumunod pero ako eh nakatayo lang sa harap ni Kit. Hmf! Kung sila kinakabahan sa kanya, ako hindi!
“Ang kulit mo alam mo yun?”
Hindi ko siya pinansin at nag cross arms lang ako at hindi gumagalaw. Nakakainis kaya siya! Oo nga’t dapat magpasalamat kami kasi makakauwi na kami pero yung parang binibigyan pa niya ako ng curfew at ngayon ganyan siya, hmf! Nakakainis.
“Ayoko pumasok.”
“Oh sige, bahala ka.” at pagkatapos nun eh pumunta na siya sa kotse. Teka lang! Wag niyang sabihin na iiwan nila ako dito?!
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.