chapter 31

3.2K 23 1
                                    

“Andy dalian mo baka makaalis na si Miss…”

Monday na ngayon. Back to school na naman kami. Wala masyadong nangyari nung mga lumipas na araw. Buong weekend eh tambay lang kami sa bahay namin ni Kit at lumabas lang kami nun nagsimba, other than that, wala nang nangyari.

“Teka lang Vince, wag mo kong masyadong hatakin!”

Season na naman kasi ng project. AT dahil mababait kaming studyante at hindi na naman nakinig nung discussion, heto kami ngayon at naghahabol. Panigurado sermon na naman ang abot namin ngayon.

Nakarating naman kami dun sa cubicle ng adviser namin. Buti nga at may kasama siyang studyante kaya hindi niya kami nasermonan.

“Since andito narin kayo. Gusto kong ipakilala kayo sa magiging bago niyong classmate.” 

“Bago? Ma’am hindi po ba masyadong late na para magkaroon pa kami ng bagong classmate?” 

“Well actually, may ilang classes lang siyang itatake dito eh tapos nun eh aalis rin siya papuntang US. Parang sit in lang siya.” 

Ngumiti naman kami ni Vince dun sa babaeng sinasabi ni Ma’am. Halos magkasing tangkad lang kami tapos ang amo ng hitsura niya. In short, mukha siyang mabait.

“Sige, maiwan ko na kayo. Kayo na ang bahala sa kanya ok?” 

Tumango naman kaming pareho tapos nun eh humarap dun sa new girl. “Hi, ako pala si Andy.” inoffer ko yung kamay ko sa kanya tapos tinanggap naman niya. Ganoon rin yung ginawa ni Vince.

“I’m Katrize. Kat nalang for short.”

“Welcome pala dito sa MPU. Kung may mga tanong ka eh wag kang mahihiyang lumapit okay?” 

At ayun, sinamahan na namin siya para makita yung classroom. Magbebell narin naman kasi nun eh. Promise naman namin sa kanya na dismissal nalang namin siya itotour para wala ng sagabal.

Mabilis lang naman lumipas yung oras. Hindi ko namalayan na dismissal na pala. Paano, puro bigayan lang ng project at syempre, hinayaan na kami makipagmeet sa kagroup namin.

“Andy hindi ako makakasama sa inyo, may practice pa kasi ang varsity eh.” 

“Ah ganun? O sige, kaya ko naman siguro na magtour mag-isa.”  at yun na nga ginawa namin.

“Ito nga pala yung library namin. Masarap tumambay diyan at matulog, aircon kasi.” natawa naman sa akin si Kat nun. Ewan ko, parang ang gaan ng loob ko sa kanya hindi tulad ng sa ibang babae na medyo nakakairita.

“Natry mo na?” 

“Hmm, hindi pa naman.” at ayun, kahit mababaw yung pinag-uusapan namin eh tawanan naman kami. “Oo nga pala Kat, saan school ka galing?”   

“Actually, galing akong London. Last month eh pinauwi ako ng parents ko dito kasi parang reunion daw.” ahh…pero bakit sa America na sila at hindi na sa London babalik?

“Hindi na kayo babalik ng London?”   

umiling naman siya nun tapos ngumiti. “May business kasi na bago yung mom ko sa America so dun na kami.” 

“Ah, so parang parati kayong lumilipat dahil sa business? Hindi ba mahirap yun sa pag-aaral mo?”   

“SA pag-aaral wala akong problema kasi may personal tutor ako. Ang problema ko eh yung mga iniiwan kong friends sa mga napupuntahan namin.” 

Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya. Biruin niyo, dahil sa palipat lipat nila ng place eh hindi siya magkaroon ng permanent friend. Naku kung sa akin nangyari yun siguro nagkaroon na ako ng mental breakdown.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon