The next day, maaga akong nagising. Mga 4 pa nga lang yata nun kaya naisipan kong mag-internet nalang muna. Buti talaga pinalagyan na nina mama ng dsl itong bahay na ito kung naku po, uuwi parin ako sa amin kung ganoon. Syempre, bago ako mag-internet, ginawa ko muna mga morning rituals ko. Naligo narin ako tapos nagsuot lang muna ng pambahay.
Nag-online ako sa ym tapos bigla ba naman nagbuzz yung si mr. Cuteboi. Aba ang aga naman yata nitong lokong ito.
cuteboi: GOOD MORNING!
cuteboi: kamusta?
cuteboi: aus k lng ba?
<BUZZ>
Aba, at ang taas pa ng energy niya ah. Ano kayang nakain nito at alas-4 pa lang ng umaga eh sobra na kung mangulit?
sassygirl: aga n10 ah
cuteboi: kw rin eh
sassygirl: uu nga eh. bt aga mu gcng?
cuteboi: la, snay na eh, kaw?
sassygirl: e1 bgla nlng aq ngicng eh.
At yun, kwentuhan to the highest level kaming dalawa. Pero hindi ko naman namention sa kanya yung new house ko at syempre yung fiance ko. Ewan ko, di ko feel sabihin eh. Saka, siya nga lang yung hindi nakakaalam about dun eh, hayaan na natin na maging ganoon nalang yun. At least there’s someone out there na hindi ako kinukulit about doon sa “fiance” ko.
Mga 5:30 din siguro nung nagpaalam na ako at nagbihis at bumaba narin. Gising na sina manang kaya nagpahanda na ako ng makakain. Ilang sandali lang eh ayos na, simpleng hotdog saka itlog lang naman eh kaya hindi na siya tinagal.
Okay, tatawagin ko ba siya o mauuna na ako? Hmm, pero parang kelangan kasi kahapon naman eh tinawag niya ako. Pero napilitan lang siya nun, kaya lang…hayy…kahit na. Ah basta, sige na nga, tatawagin ko na.
Umakyat ako dun sa stairs tapos nun eh naglakad hanggang tapat ng kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumagot. Wag mong sabihin tulog pa itong lalaking ito? Kumatok ako ulit and this time, mas malakas pero wala parin eh. Tinwist ko yung knob, aba bukas at pagkatulak na pagkatulak ko sa pintuan eh biglang bumulagta sa akin ang isang Kit Tasello. He seems normal, except for the fact that he’s half naked with only a towel covering his lower body!
Agad naman akong tumalikod at nagtakip pa ng mata. Grabe, namula ako nun ng sobra, mas mapula nga siguro yung mukha ko nung mga oras na iyon kesa sa isang kamatis eh. Worse, sa isang apple. Oh my gosh! Lord bata pa ako, bakit niyo po ako pinakitaan ng ganitong larawan?
“Wag kang OA, ayan oh, nakabihis na ako.”
Sabi niya nun tapos nilampasan niya ako at dumiretso papuntang stairs. Hmf! Nakakainis talaga siya. Kung gising naman pala siya sana sinabi niya na hindi siya bihis or something! O kaya naman, sana naglock nalang siya! Argh! Badtrip siya!
Sumunod naman ako sa kanya nun tapos sabay kaming nag umagahan. Ang tahimik nga naming dalawa eh, para kaming mga hindi nakakasalita. Hmf, sino naman kasi masisisi mo eh kani-kanina lang eh nakita ko siyang half naked. Pagtapos ko kumain eh tumayo ako kaagad. Kinuha ko naman yung gamit ko sa kwarto ko at dali daling bumaba para umalis. Yun nga lang, mukhang nauna na naman siya. How the hell does he do that?! Feeling ko tuloy may sa engkanto tong lalaking to eh!
“Ang bagal mo. Dalian mo nga.”
“Kung gusto mong mauna eh di mauna ka na. Hindi naman ako nagpapahintay sa iyo eh.” nakakairita na kasi siya eh. oo nga’t maghihintay siya kaso reklamo naman siya ng reklamo. Feeling ko tuloy nagiging pabigat ako.
Hindi naman siya umimik nun at mas lalong hindi siya nauna. Hay naku, ang weird mo talagang tao Kit Tasello. Ah oo nga pala,
Kit Tasello Fact #6, mainipin siyang tao.*****
“Oh, bakit ang pula mo yata ngayon? amf, napansin din pala nila yung kapulahan ko. Ewan ko ba, sa hindi ko malamang kadahilanan eh parating lumilitaw sa isip ko yung hitsura ni Kit kaninang umaga. At everytime na mangyayari yun, namumula ako.
“Ako mapula?”
Tumingin silang lahat sa akin na parang nagsususpetsa tapos sabay sabay na sinabi ang “OO!”. Aray ku, nabasag pa yata ear drums ko sa boses nila. Pasalamat sila’t lunch ngayon dahil kung may klase eh detention ang abot namin.
“OA kayo ah.”
“Oh, ano na naman bang ginawa sa iyo ng Kit Tasello na yun?”
“ABA! At bakit siya lang ba ang dahilan para mamula ako? Pwede naman ikaw ah! O kaya si Marla. O kaya si Sasha! Bakit siya pa?”
“Kasi one, defensive ka, two, nakatira kayo sa iisang bahay at three, nung dumaan siya eh mas lalo kang namula.”
Darn, I hate it when they’re too observant. Nakakaasar. Okay, guilty na kung guilty. Magsasalita na sana ako nun ng biglang…
“HOY KIT! HALIKA NGA DITO!”
Wah! No cheeky! Wag mong palapitin yung lalaking yan! And of course, too late na ako kasi next thing I know, si Mr. SC president eh nakatayo na sa harap naming magbabarkada.
“May problema ka?”
Hay, ang sungit talaga niya. Sabagay, sa lahat naman eh masungit talaga yan. Siguro pati sa pamilya niya eh masungit din siya.
“Ano bang ginawa mo dito sa bff namin ha?”
Tinaasan niya ng kilay sina cheeky tapos tumingin sa akin. At syempre, dahil lumabas na naman yung Freaking Stupid Image na yun sa ulo ko, namula ako. Bad trip.
“Ako? May ginawa? Di ba dapat ang tanong mo eh kung anong ginawa niyang kaibigan mo sa akin?”
Nagtaasan yung mga kilay nila tapos tumingin sa akin. At yun matapos kong sabihin sa kanila eh eto naging reaction nila…
“ANO?!”
At saka ang nag-iisang…
“You Go Girl!”
Nice no? Not!
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.