chapter 70

3.1K 22 0
                                    

Natulala talaga ako nun kasi biglang tumingin sa akin silang lahat. Teka, tama ba yung rinig ko? LIGAW DAW?!

“Bakit ka sa akin humihingi ng paalam?” napatingin lang ako kay Kit nun. Awts, masakit yun ah. Parang ibig sabihin nun, wala talaga siyang paki. Face it Andy, yun talaga ang totoo.

“Eh kasi diba? Engaged kayo.”

Tumingin lang sa akin nun si Kit pero iniwas ko yung tingin ko.“Bakit hindi siya tanungin mo?”

“Bilisan niyo. Akyat na ng bus!” 

Laking tuwa ko nang sabihin yan nung teacher dahil nagkaroon ako ng reason para magwalk out. Agad akong pumunta dun sa bus ng section ni Omar tapos umupo dun sa pwesto namin. Nilabas ko naman yung jacket ko tapos nagtalukbong. Sunod nalang na nangyari eh tumulo na yung mga luha ko.

“Andy.”

Hindi ko siya kinibo. Kinalabit pa nga niya ako ng ilang beses pero wala parin. Ayoko munang magpakita. 

Siguro napagod ako nun sa kakaiyak kaya sunod ko nalang nalaman eh nakatulog na pala ako.


*****



“Wag nga kayong magulo. Baka magising!” may naramdaman akong biglang gumalaw sa gilid ko. “Sige subukan mong mambato, sasapakin talaga kita!”

Nakarinig naman ako ng tawanan sunod nun tapos naramdaman kong parang may mga bumaba. Tinanggal ko yung jacket ko tapos tumingin sa paligid. Kami nalang ni Omar yung nasa bus.

“Gising ka na pala. Nasa baba na sila.”

“bakit hindi mo ko ginising?”

“Para ka kasing pagod eh. ayoko namang masira yung tulog mo.”

Hay, how can you hate this guy? 

Ngumiti lang ako nun tapos aalis na sana kaso hinarang niya yung kamay niya.

“Ibig sabihin ba niyan eh bati na tayo?”

“Ayaw mo?”

“Gusto.” tapos naggrin naman siya bigla. 

Sabay na kaming bumaba nun. Dala namin yung mga bag namin kasi syempre para pamalit mamaya pagkatapos magswimming.

Bababa na sana ako nun nang biglang nagsalita si Omar.

“So, may sagot ka na ba?”

“Sagot? Anong sagot? Nagtanong ka ba?”

“Oo naman.”

Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to?

“Anong tinanong mo?”

“Kung pwede ba kitang ligawan.”

Bigla naman akong namula nun. Siya? Liligawan ako? Akala ko nga joke joke lang yun eh.

“Seryoso ka?!?”

“Oo naman.”

“Ahmm…pwedeng pag-isipan ko muna??”

“Take your time.” at pagtapos nun eh dumiretso na kami dun sa may falls. 

Pagdating nga namin dun eh ang daming mga nagbabasaan. Muntik na nga akong madulas eh, buti nalang nasalo ako ni Omar. 

Sumama naman kami kaagad kina Cheeky pagtapos naming iwanan yung phone namin sa bag. At ayun, basaan to the max. ang lamig nga nung tubig eh. Grabe talaga, parang may yelo as in.

Nakisali rin naman sa amin si Kat. si Kit kasi hindi siya nagswimming kasi diba, galing lang sa lagnat so baka bumalik. Nagmumukmok nga si Kat eh, kesyo madaya daw si Kit. Gusto ko namang sabihin, ano bang gusto niya, magswimming si Kit tapos magkakasakit o hindi magswimming tapos healthy si Kit? Hay, dun talaga ako naasar sa kanya. Parang sarili lang niya iniisip niya.

Nung medyo napagod ako eh umupo lang ako dun malapit kay Kit. Siya kasi nagbabantay ng mga bag namin. Inabutan naman niya ako ng towel tapos nagthank you lang ako sa kanya.

“Pumayag ka?”

“Pumayag? Pumayag saan??”

“Na ligawan ka ni Omar??”

Whoa, curious siya? Hindi nga? “bakit mo naman natanong?”

“Wala, masama??”

“Hindi naman.”

“Yun naman pala eh” hay naku Kit, ang gulo mo talaga!

“So Ano nga? Pumayag ka??”

Tumingin lang ako sa kanya nun. Bakit ba curious siya? 

Huminga ako ng malalim muna. Ewan ko nga kung bakit ang hirap sabihin eh. “Sabi ko I’ll think about it.”

“Pero may possibility ba??”

“Ewan ko lang..”

“Anong ewan mo? Diba dapat alam mo yan??”

Teka nga muna, bakit ba niya ako pinipilit na sabihin?! Ano bang problema nito?

“Bakit mo ba ako pinipilit na sabihin?!”Natigilan nga siya nun at parang narealize niya na yun nga ginagawa niya. 

“So ano nga?” argh! Naman o! akala ko pa naman tatantanan na niya ako! Hmf! Bad trip to ah!

Tumayo nalang ako at naglakad paalis. Tinatawag pa nga niya ako nun pero wala akong pakielam. Ang kulit niya eh! 

Pumunta naman ako dun sa parang cave sa likod nung falls tapos umupo. Pinanood ko lang mula dun yung mga tao. Nakakatuwa nga sila eh, nagbabasaan sila tapos naghihilahan. Wish ko lang walang maaksidente sa kanila no?

“Oi.” tell me, talaga bang walang balak ito na tantanan ako?!

“Ano?”

“Ano nga?”

Nakakairita na talaga siya! Tinignan ko siya ng masama tapos siya eh umupo lang sa tabi ko.

“Bakit ba gusto mong malaman?”

“Kasi…”

“Kasi…?”

“Kasi ano…”

“Kasi ano…?”

Tumingin lang siya sa akin nun na para bang sinasabi na wag ko nang tanungin. Hindi ko yun pinansin at tinignan lang siya. 

“Kasi nag-aalala ako para sa iyo!”

Nanlaki naman yung mata ko nun. Weh, hindi nga?

“Bakit ka naman mag-aalala?”

“Diba nga sabi ko sa iyo dati, mag-ingat ka kay Omar.”

Mag-ingat? Eh bakit? Ano bang meron kay Omar? Masamang tao ba siya?

“Bakit? Ano bang ginawa niya?”

“Naging sila ni Kat nun tapos niloko niya at pinagpalit si Kat.”nanlaki naman ako nun. Binaligtad ni Kat yung kwento kay Kit?! Pero teka muna, paano ako makakasiguro kung si Omar ba talaga ang nagsasabi ng totoo?

Waaa! Naguguluhan na ako.

“Hindi ganoong tao si Omar.”

“At papaano ka naman nakakasiguro ha?”

“Basta alam ko hindi siya ganoon!” sabi ko ng malakas. Napapikit pa nga ako nun eh. si Kit eh tumahimik lang. Alam ko nga ba talaga?

Ilang sandali lang rin eh nagtawag na yung mga teachers at umalis na kami ni Kit dun nang hindi man lang kinakausap ang isa’t isa. 

Sa bus trip eh tahimik lang ako. Medyo pagod rin ako nun at syempre, inaantok narin. Si omar nga eh inoffer na yung buong seat namin para makahiga ako or kahit makaayos ng pwesto. Dun nalang daw siya sa may gitnang seat. Syempre, nagthank you naman ako sa kanya nun.

Gulung gulo talaga isipan ko nun. Hindi ko alam kung sino na ang paniniwalaan ko sa kanila. 

Mga gabi na kami nakabalik sa school. Sinundo naman ako kaagad ng driver namin at in no time eh nakarating na kami sa bahay. Grabe nga eh, pagod na pagod kasi ako eh. kaya nga ba pagbagsak ko sa may kama eh knockout kaagad ako. 


*****



“Andy dalian mo! Pinapatawag ka ni miss!”

Napatingala lang ako mula dun sa ginagawa ko at tumango. 1 week narin ang lumipas magmula nung field trip namin. February na ngayon, malapit na ang Valentine’s Day at yung Valentine’s Ball. Kung bakit siya big deal? Well ganito lang yun…

“Miss bakit po?”

“Andy, kelangan niyong sumayaw sa opening ng Valentine’s Ball. Ikaw ulit yung napili ng coach niyo na magrepresent sa Varsity volleyball girls”

Yan, iyan ang dahilan. Kaya nga ba isa sa most hated events ng school namin ang Valentine’s Ball eh. Paano, parati nalang ako yung pinipiling representative. Panigurado pupunuin na naman ni Mama ng make up ang mukha ko niyan at magiging barbie doll na naman ako sa kakasukat ng iba’t ibang formal dress.

“Miss wala po parin ba silang balak na palitan ako?”

“Wala namang sinasabi si Coach Vicedo.”

Tumango lang ako nun at parang nagpaawang face. Ayoko talagang maging representative. Hindi ba pwedeng mag-absent nalang ako?

“And don’t even think of being absent okay?”






Sabi ko nga eh.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon