chapter 77

3K 19 3
                                    

“And now please welcome Chester Oliveros for the valedictory address.” umakyat naman nun si Cheeky sa stage at kukunin na sana yung mic kaso nga lang biglang nagsalita ulit si Miss Herrera. “Mr. Valenzuela! Sinabi ba naming tumayo ka? Hay nako! Kanina pa kayong mga bata kayo ah! Hindi na talaga tayo matatapos nito.”

Nagwhine naman yung ibang batchmates namin. 2 days nalang ‘til our graduation at heto parin, puro kalokohan parin ang ginagawa nung kabatch ko. Nakakainis na nga kasi paulit ulit nalang talaga kami araw araw. Ang sarap talagang batukan eh.

Umulit na naman si miss nun sa pagannounce tapos natapos rin yung blocking, sa wakas. 

Pinauwi naman na kaagad kami nun kasi sobrang tadtad narin ang pagpapractice namin. Yung varsity girls naman eh hindi na muna pinagtraining para daw makapagpahinga naman kahit konti. 

“Grabe, nakakahilo yun ah. Paulit ulit nalang tayo.” nakiagree naman kami nun kay Cheska kasi talagang nakakahilo. Mainit na nga tapos paulit ulit pa yung ginagawa namin. Buti nga at hindi nila kami binababad sa araw ngayon eh di tulad nung dati na talagang sa open field nila hinohold yung graduation.

Diretso uwi lang ako nun kasi gusto ko ring magpahinga nung mga oras na yun. Syempre pagod.

Habang naglalakad naman ako nun pauwi eh napatingin lang ako bigla sa dati naming bahay. Namiss ko rin yun kaya pumasok ako dun at dun nalang siguro magpapahina. 

Tumawag naman ako sa bahay para ipaalam kina mama, ayos lang naman daw sa kanila as long as wala akong guguluhin dun. Asus, as if naman.

Nung tinignan ko talaga yung paligid ko eh sobrang daming memories na bumalik sa akin. From the time na first akong makapasok sa bahay na ito, hanggang dun sa time na umalis na kami. Naalala ko pa nga nun yung mga Kit Tasello Facts ko eh. yun nga lang, nakalimutan ko na kung ano yung pinakalast kong Kit Tasello Fact.

Umakyat naman ako kaagad sa kwarto ko nun tapos humiga sa kama. Naweirduhan ako ng konti kasi walang alikabok sa kwarto ko. 

Siguro nililinis parin siya nina manang.

Napatingala lang ako nung mga oras na yun at napaisip isip. Sa dinami dami ng nangyari sa amin, sino ba namang mag-iisip na mangyayari pala itong nangyayari ngayon sa amin? Grabe, life sure is unexpected. 

Pumikit naman ako nun and in no time, nakatulog na ako.

*****

Madilim nun nung nagising ako bigla. Pagtingin ko naman sa orasan ko eh mag-10 na pala ng gabi. Tinignan ko kaagad yung phone ko kung may messages. Puro galing kay Mama, tinatanong kasi nila kung dito daw ba ako matutulog or what. Sabi ko eh uuwi rin ako kasi wala namang pagkain dito.

Tumayo naman ako kaagad nun. Nag-unat unat ng kaunti tapos inayos na yung pinaghigaan ko. Pinatay ko narin yung aircon nun at syempre, lumabas na.

“Anong ginagawa mo dito?”

Nagulat talaga ako nang biglang bumulaga yung mukha ni Kit sa tapat ko. Galing rin siyang kwarto niya tapos halata mong bagong gising lang. paano nangyari yun? Nandito kami sa isang bahay nang hindi man lang namamalayan na kasama namin ang isa’t isa. Wow. Weird.

“Natulog lang ako saglit. Ikaw anong ginagawa mo rito?”

“Same.”

Lumakad naman na ako nun pababa kasi ayoko nang umuwi ng masyadong gabi. Nagulat ako nang malaman kong sinusundan pala niya ako. “Bakit ka nakasunod?”

“Saan ka pupunta?”

“uuwi na.”

“May sundo ka?”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon