Sunday ngayon, October 21. This coming week na pala yung Halloween Festival ng School namin, for sure busy week na iyon kaya ako eh sinusulit ko na yung pahinga ko dito sa bahay.
“Hija, tawagin mo na si Kit at ng makakain na kayong dalawa”
“Hay, manang, kayo nalang po ang tumawag kasi for sure naman eh susungitan lang ako nun.”
Napasimangot naman sa akin si Manang.
“Hindi parin ba kayo nagbabati?”
Tumango lang ako sa kanya. Oo, magmula nung matapos namin siyang mahanap ni Myka eh hindi na kami nag-usap ni Kit. Papaano ba naman, ako daw ba ang sisihin dun sa paghahanap namin. Hay nako, bahala siya sa buhay niya. Kung akala niya ako unang magsosorry, well nagkakamali siya dahil wala akong kasalanan.
Umalis naman si Manang dun sa harap ko at umakyat na sa kwarto ni Kit para tawagin siya. Nakaglue kasi yung mata ko ngayon sa tv at heto ako, pinagtiyatiyagaan yung palabas sa Cinema one, hindi ko nga maintindihan yung palabas eh pero wala naman akong ibang magawa.
Ilang sandali lang eh bumaba narin si manang kasama si Mr. SC president. Hindi kami nagpansinan kasi halata mo naman na pareho kaming mapride at ayaw mag sorry sa isa’t isa. Nung nakalampas na siya sa akin eh saka naman ako tumayo at pumunta sa may table.
Tahimik kaming kumain non at mapapansin mo ang tension sa pagitan naming dalawa. Nabingi nga ako sobra sa katahimikan na muntikan ko siyang kausapin. Kaya naman tuwang tuwa ako nung biglang nagring yung phone bago ko pa man gawin yun.
“Hello?”
“Ei Pot,”
“Oh Vince, napatawag ka?”
“Wala lang naman.”
“Ashu, ang sabihin mo, namiss mo ako no?”
Tumawa lang siya nun tapos umamin rin.
“Wag ka dadaan sa booth namin ah.”
Aba, baliktad pa yata yung hinihiling niya. Diba dapat sinasabi niya na dumaan ako sa kanila?
“Bakit naman wag?”
“Ah…ehh….ano kasi…eh…”
“Ano?”
“Ikaw ba gusto mo mahalikan?”
Ew, oo nga pala. Kissing booth nga pala yung kanila. “Oo nga pala, muntik ko na makalimutan.”
Natawa naman siya nun tapos ayun, nagsimula na magsabi ng mga kung anu-ano. Tatagal pa nga sana yung usapan namin kung hindi lang nag “EHEM!” ng malakas yung Kit na yun. Oo nga pala, kumakain pa pala ako.
“Ei Vince sige, una na ako, kakain pa ako eh.”
“Ow, oh sige Pot. Bon Appétit”
Binaba ko naman na yung phone at bumalik sa table para kumain. Napatingin ako saglit sa plato ni Kit, teka…hinintay niya ako? Whoa.
Tahimik lang kami kumain ulit nun hanggang sa matapos na kami. Mas nauna pa nga ako kasi ang hinihin kumain ni Kit, daig pa ang babae.
Tumawag naman si mama maya maya lang. Sabi niya eh pupunta daw sila rito pati raw sina Tita Kris para daw sabay sabay kaming magsimba. Naligo narin naman na ako nun tapos nagbihis na ng pang simba ko. Simple jeans at shirt lang saka sneakers yung suot ko. Paglabas ko eh nakita ko rin si Kit na lumabas. Nasabihan rin pala siya nina Tita Kris.
Nagkatinginan kami ng sandali tapos bumaba na ako. Wala akong planong makipagbati ng una kung yun yung iniisip niya.
Ilang sandali lang dumating narin sina Mama at yung parents ni Kit. Nag kiss kami siyempre tapos ayun, umalis na kami ng bahay at diresto simbahan na.*****
“…the sign of peace”
Hala, eto na yung source ng kaba ko magmula pa nung nasa bahay kami. Kumiss naman ako kina mama, papa, ate Cass, Herc at syempre dun sa parents ni Kit at kay Ate Karla. Nagulat nga ako nung parang nakatingin lang sa akin si Kit nun nung tapos na akong kumiss sa iba.
Ewan ko ba, parang kinilig pa nga yata yung parents namin nung nakita nila kaming “nagkakahiyaan” pa daw. Hay, if only they knew na hindi kami nagkakahiyaan kung di nagkakailangan kami. Wait, what’s the diff?
“Hindi ako magsosorry kung yun ang iniisip mo.”
Sabi niya sa akin ng mahina. Aba, akala niya siya lang? “Mas lalong di ako magsosorry, wala naman akong kasalanan eh.”
At ang kinagulat ko nun eh, ngumiti siya. As in! N-G-I-T-I! Whoa, nanlaki nga yung mata ko nung nakita kong ginawa niya yun eh. AS in, tignan niyo yun? Si Krisantimo Ivann Tasello, nginitian ako matapos ko siyang tarayan?! Can he get any weirder?
Lumapit naman ako sa kanya para matapos na yung peace be with you.
“Peace be with you” at ayun, beso at layo kaagad sa isa’t isa.
Pagtapos naman ng misa eh dumiretso kami sa mall kasi sabi nung parents ni Kit na since family day naman daw eh bakit hindi daw namin I-spend namin yung kasama sila, you since we’re a family and everything. Hay.
Dun naman kami sa isang Japanese restaurant kumain. Buffet nga siya eh, naku sasaya na naman tiyan ko nito. Marami rami akong nakain nun tapos solve na solve nung pauwi na kami. Nasabihan pa nga ako ni Ate Cass na baka daw sumakit yung tiyan ko pero syempre sabi ko sa kanya,
“Ako? Sasakit tiyan? Matibay yata to no!”
Pagdating sa bahay eh bagsak yung katawan ko sa sofa.Ewan ko, ang bigat kasi ng tiyan ko eh, mukhang naparami yata nga talaga yung kain ko ng sushi at sashimi.
*KUROKUROKURO*
“Oww….”
Aray! Ang sakit naman ng tiyan ko. Naku po, I hate to say this pero…mukhang tama nga si Ate Cass!
Nagulat sa akin si Manang nung magtatatakbo ako nun paakyat at pumasok sa pinakamalapit na CR. Grabe, sobrang sakit talaga ng tiyan ko.
“Hoy anong problema mo? Kung makatakbo ka akala mo may stampede.”
“Wag ka magulo---OWWW!”
“Hoy! Anong nangyayari sa iyo?”
May narinig akong boses sa labas pero hindi ko naintindihan yung pinag-uusapan nila. Grabe, sobrang sakit talaga as in! parang binubutas yung tiyan ko tapos pinipilipit. Waaa…ang sakit.
“Ayan kasi! Ang takaw mo! Kung makakain ka kanina akala mo wala ng bukas.”
Hmf! Tama raw bang sermonan ako?! ito na nga ako’t nagdudusa eh sasamahan pa niya ng panenermon.
“Bilhan mo ko ng gamot Kit!!!!”
Hindi ko naman siya narinig na sumagot. Siguro nga bumili siya ng gamot. Ilang sandali lang eh kumatok si manang at parang may binigay na kung anong tea sa akin. Makakatulong daw yun. Grabe ang sakit talaga.
“Manang wala pa po ba si KIT?!”
“Naku hija, mukhang natraffic pa yata sila eh.”
“Naku naman! Ang sakit talaga!!”
*Beep Beep!*
FINALLY! After 100 years dumating rin sila!*****
Hay grabe, after 1 hour eh huminahon din yung monster sa tiyan ko. Grabe ang sakit talaga nun.
“Sa susunod kasi wag kang kakain ng sobra sobra!” at ayan, 1 hour narin nagsesermon yang lokong yan. Kung di lang ako nanghina eh kanina ko pa nabatukan yang mokong na iyan eh.
“Pwede ba, wag mo na akong sermonan. Hindi pa ba sapat yung sobrang pagdudusa ko kanina?”
Natigilan naman siya nun at tumingin sa akin na parang tinubuan ako ng isa pang ulo. Pagtapos nun eh bigla siyan tumawa. Oo, si Kit Tasello na sobrang sungit eh tinawanan ako bigla.
“Kung nakita mo sana yung mukha mo kanina, para kang nanganganak.”
“Hmf, ano naman alam mo sa mukha ng nanganganak?”
“Malamang, sa Health, may pinapanood sa amin dati yung teacher.”
Tumigin lang ako sa kanya ng masama tapos pumikit. Grabe talaga; that was one hell of an experience!
Naramdaman ko namang may biglang malamig sa may mukha ko kaya napadilat ako. Nakita kong may hawak na face towel si Kit tapos pinupunas niya yun sa mukha ko. Teka nga…siya ba talaga yang nasa harap ko?
Tumayo siya after nun tapos binuksan yung aircon. Wow ang sarap…
“Matulog ka na kung gusto mo makapasok bukas. Pag nakita kitang tumayo diyan at lumabas ng kwarto mo eh lagot ka sa akin.”
At pagtapos nun eh lumabas na siya ng kwarto. Wow, he’s one weird guy, that’s for sure. Biruin niyo, he managed to threat me and look so concerned all in one sentence. Wow…
Kit Tasello Fact # 13, he really is different.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.