Pabalik balik yung tingin ko sa kanilang dalawa. Teka, magkakilala pala sila?
“Magkakilala kayo?”
Mukha naman silang biglang natauhan tapos napatingin sa akin. Whoa, if I didn’t know any better, feeling ko eh hindi nila naalala na andoon pa pala ako.
“HA? Ah…oo.”
Coincidence nga naman. “Talaga? Ang galing naman.”
“Tara na.” tapos lumapit siya sa akin at hinigit yung kamay ko.
“Teka lang pwede? Kita mo namang may kasama ako eh!”
“Umm, sige Andy, okay lang. Mukhang may date pa yata kayo.” I smell something REALLY fishy. Mukhang nalungkot yata si Kat sa sinabi niyang yun. Teka, don’t tell me na baka may something sa kanila ni Kit?
“DATE kamo?! Naku hindi!”
“Ayos lang talaga Andy. Pauwi narin ako. Sige. Bye.” at nagmadali naman siyang umalis ng art room. What the heck was that about?
Nabalik naman ako sa realidad ng bigla akong hatakin ni Kit.“Ano bang problema mo?!”
“Wala.”
“Eh bakit ang rude mo kay Kat?! Friend ko siya okay kaya please! Wag mo siyang ganunin!”
“Lahat naman friend mo eh.”
Anong ibig sabihin ng lokong ito? “Hindi kaya.”
“Yeah, whatever.”
At ayun, naglakad na kami palabas ng school. “Paano mo nga pala kilala si KaT?”
“She’s just someone I know.”
“Talaga lang ah? Eh sa pagtitinginan niyo kanina eh parang she’s more than someone you know.”
natigilan naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Teka, bakit siya nakangiti? May nasabi ba akong stupid or something?
“Don’t tell me na…nagseselos ka?”
Nanlaki yung mata ko sa kanya. What?! Ako magseselos?! HA! Nagjojoke ba siya? As if!
“Ang kapal mo naman. Bakit ako magseselos? Gusto ba kita?”
“Why don’t YOU answer that question for me.”
UGH! Nakakainis siya! Kit Tasello Fact #14, he’s SO arrogant.
“The answer is NO!”
At alam niyo kung anong reaction ng loko? Tinawanan niya ako! Tama ba yun?! Walang hiya to.
Pagkadating naman namin ng bahay eh kumain na kami kaagad at syempre kanya kanyang mundo na ulit pagtapos nun.
Ginawa ko naman yung mga assignments ko, buti nga at konti nalang, paano yung iba eh ginawa ko na sa school kasama yung mga matatalino, harhar. Nung matapos naman ako eh nag-online kaagad ako at syempre, ym.
cuteboi: hey!
sassygirl: hey ka rin.
cuteboi: musta?
sassygirl: e2, mdyo bad3p.
cuteboi: bkt nmn?
sassygirl: ung frend q kxe eh. Ang sma ng ugali
At ayun, nilabas ko yung pagkainis ko kay Kit sa kanya. Ang weird nga niyang magreact eh. Paano, natatawa daw siya sa problem ko. Tinanong ko naman kung bakit tapos alam niyo kung anong sinabi?
cuteboi: figure it out.
May nalalaman pa siyang ganyan. Hay naku. Mga 10 na siguro nun nung nagpaalam na ako. Inaantok narin naman ako nung mga oras na yun eh kaya syempre, hindi ko na pipilitin yung sarili ko.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.