Tumingin lang ako sa kanya nun. Sasabihin niya sa akin kung sino si Kleo? Kinuha niya yung kamay ko tapos nun eh naglakad lakad kami hanggang sa marating namin yung bahay nila.
“ Tanong lang…paano mo ko nahanap?” kanina pa kasi ako nagtataka eh, hindi ko lang pinapahalata.
“I guessed.” wow, lucky guess.
Wala parents niya nun kahit gabi na. Ang weird nga eh, ganun ba talaga parati? Umakyat naman kami sa 2nd floor tapos napansin kong papunta kami sa room dati kung saan nabasa ko yung diary.
Bumitaw rin siya kaagad sa akin tapos pumunta sa may isang desk at parang may kinuha na frame. Lumapit ulit siya sa akin tapos inabot yung hawak niya. Nanlaki yung mata ko.
“Kit…si Kleo ba eh…ang iyong--?”
“Twin Sister.”
Tinignan ko ulit yung pic. Bakit ba napakapamilyar ng babaeng ito? Saan ko ba siya nakita dati?
“She looks so familiar…”
“May isa pa akong ipapakita sa iyo...”
kinuha niya yung kamay ko tapos dumiretso kami sa isa pang room. Pagpasok namin dun eh napanganga ako ng sobra talaga. Yung laman ng room eh puro canvas tapos may painting. Ito yung mga painting na nakita ko sa art room.
Tama! Si Kleo yung babae sa painting! Pero bakit hindi ko man lang napansin na kahawig ni Kit yung babae? Pero teka nga…
“Ikaw si Mr. Artist!?” tumango lang siya tapos naglean sa wall.
“Tara, may last stop pa tayo.”
Pinatawag niya yung driver nila tapos hinatid kami somewhere. Syempre hindi kami magcocomute kasi gabi narin eh.
Ilang sandali lang rin eh tumigil na yung kotse. Hey, ito yung cemetery na pinagdalhan sa akin ni Myka dati ah! Hinawakan naman niya yung kamay ko at parang inalalayan ako. Teka, para naman sobrag clumsy ko na hindi ko kayang maglakad mag-isa.
“Umm Kit, kaya ko maglakad mag-isa.”
Tumingin lang siya sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak. Tumigil kami sa isang puntod na maraming may nakalagay na bulaklak. Halata mong kada araw eh napapalitan yun dahil mukhang bago talaga siya.
“Kleostene Tasello. (November 15 1991 - November 15 2003”teka, namatay siya nung araw ng birthday nila?
Tumingin ako kay Kit at nagulat ako dahil nangingilid na yung luha sa mata niya at halata mo namang pinipigilan niya. Buti siya nakakayanan niya.
“Anong nangyari Kit?”
“Naalala mo Andy…nung andoon pa tayo sa Art room at humingi ako ng pabor sa iyo?”
Yun ba yung time na niyakap niya ako? Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy na siya.
“Nung araw na iyon ang pinakamalaking away namin ni Kleo 4 years ago…”
Flashback ni Kit
“Nakakainis ka naman Kleo eh! Bakit mo ba kelangan pang gawin yun!?!”
“Kit alam mo namang ginawa ko yun dahil gusto kong maging masaya ka at alam kong magiging masaya ka kung hindi aalis si Kat.”
“Wag ka ngang magdecide para sa akin!”
“Pero Kit...”
“Nakakainis ka Kleo! Sana hindi nalang kita naging kapatid!!!”
End of Flashback
Yumuko si Kit at nilapitan ko naman siya. Tinapik ko yung likod niya.
“Dahil sa akin namatay siya…”
“Hindi yan totoo Kit!”
Tumingin siya sa akin at ngumiti pero alam mong pilit lang iyon.
“Totoo Andy…” nagbuntong hininga siya at tumingin sa akin ng seryoso. “Birthday namin nun at hindi parin kami nagbabati kaya hindi kami nagpapansinan. Biglang umalis si Kleo dun sa celebration namin. Alam kong gusto niyang makipagbati nung mga oras na yun kaya ginusto niyang bumili ng maibibigay para sa akin.”
“Kit…”
“Nagtaka kami nun dahil tinagal siya. Ang sunod nalang na nalaman namin eh nabundol na pala siya ng kotse sa may kanto, at may bitbit pa siyang ice cream. Nung makita ko siya nung mga oras na iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sinisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko sana pinatagal ang away namin then hindi sana siya mamatay…”
“Hindi mo kasalanan yun…”
“Oo Andy. Kasalanan ko yun. Kasalanan ko ang lahat ng iyon. ”
Naawa talaga ako sa kanya nun. Sa hindi ko nga malamang dahilan eh napaiyak narin ako kaya napatingin naman sa akin si Kit. Naiinis ako dahil wala akong matinong masabi para magpagaan sa loob niya. Naiinis ako dahil…dahil wala akong magawa.
“Andy…”
“S-Sorry Kit…wala akong magawa para mapabuti ang loob mo…” nakita ko naman siyang umiling nun tapos hinawakan niya yung kamay ko.
“The point na nandito ka sa tabi ko ngayon eh ayos na para sa akin ang lahat…” sa totoo lang eh nagulat talaga ako sa sinabi niya. May bigla akong naramdaman na kakaiba sa loob ko pero hindi ko mawari kung ano yun. Ang alam ko lang, hindi ko pa talaga nararamdaman yun kahit kelan.
“natakot ako, alam mo yun?” Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay pero hindi niya ako tinignan. “Nung mga araw na iniwasan kita, mga araw na hindi tayo nagpansinan…ang tanga ko nung mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa yun kahit na alam ko namang hindi mo talaga alam na hindi ako nagcecelebrate kapag birthday ko.”
Magsasalita na sana ako nun kaya lang pinigilan niya ako.“Natakot ako Andy dahil akala ko mawawala ka katulad ni Kleo.” sabi niya at tumingin siya sa akin ng napakaserysoso.
“Kit…”
“Lalo na nung nalaman kong hindi ka pa umuuwi.”
Umakbay siya sa akin at nagulat naman ako dun. Dapat nga kakalas ako pero naisip ko, kelangan niya rin ito ngayon kaya naglean nalang ako sa kanya. Sunod ko nalang nalaman eh nakatulog na pala ako.*****
Idinilat ko yung mga mata ko. Teka, nasa kwarto ko ako? Kelan pa ako bumalik dito? Wag mong sabihin na…panaginip ko lang pala ang lahat ng iyon?
Bumangon ako dahan dahan. Napatingin naman ako dun sa bear sa may edge ng kama ko.
Kanino kaya yun?
Lumapit ako tapos tinignan yung tag dun malapit sa tenga niya. Napangiti naman ako dun sa nabasa ko.
Peace offering lang…
Nga pala, Boggart pangalan nito. Wag mo ibahin.
Boggart?! Nyek, ang bantot naman ng pangalan. Hay naku, mana sa nagbigay. Tumayo narin ako nun at nagbanyo na. Saturday pala ngayon, November 24. Isang linggo nalang eh December na. ang bilis talaga ng oras, parang kelan lang eh naging 4th year high school ako tapos ngayon eh malapit na matapos ang 2007.
Paglabas ko ng kwarto ko eh ang ingay sobra. Bumaba ako kaagad at nakita sina Cheeky, Cheska, Vince, Marla at Stephen na nasa living room at naglalaro ng playstation…ni Kit.
“HUY! Anong ginagawa niyo?!”
“Wag kang hot Andy, may permission kami na maglaro okay?”
Would you look at that? Si Kit papayagan maglaro ng PLAYSTATION niya ang barkada ko? Wow.
“Ano palang ginagawa niyo rito?”
“for your info Little miss sunshine, dito kami natulog. Paano kasi, yung isa diyan umalis ng walang paalam, nag-alala tuloy kami.”
Wow naman, natouch naman ako dun. Umupo ako dun sa tabi ni Vince at pinanood yung kambal na nagraracing. Para silang mga bata.
“Ayos ka na ba talaga ngayon?”
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Ayos talaga.”
At ayun, todo bonding kami nung araw na yun. Nagtaka naman ako kasi bakit wala si Kit? Don’t get me wrong or anything…sanay lang kasi ako na nagsusungit siya kapag andito ang barkada ko eh so…ayun na nga.
Nung mag 7 naman eh umuwi narin ang barkada. Wala pa nga si Kit nun eh kaya gusto pang magstay ni Vince pero sabi ko ayos lang ako. Andoon naman sina Manong at Manang eh.
Hindi kaya Galit parin siya? Hindi naman siguro, nagbigay na nga siya ng peace offering eh diba?
Hindi ko na siya masyado pinroblema pa kasi alam ko naman na uuwi yun kung gusto niya diba? Haller! Malaki na siya eh.
Ginawa ko na ng maaga yung mga assignment ko para hindi na ako magcram sa Monday. Pagkatapos nun eh syempre nag-online narin ako sa ym. Wala nga masyadong tao eh. Ni si Mr. Cuteboi ala rin, ang boring tuloy ng araw na to..Monday.
Monday. Maaga ako pumasok. Wala lang, trip ko lang kasi eh. Maaga kasi ako nagising at since wala naman akong magawa sa bahay eh napagdesisyunan ko ng pumasok nalang.
Pagdating ko sa school eh wala pang tao. SOBRANG aga ko nga yata. Oh well, andito na ako eh. Pumunta naman ako sa may 2nd floor at dumiretso sa may Art Room. Ewan ko ba, kahit na alam kong si Kit naman si Mr. Artist eh parang gusto ko parin balik balikan itong room na ito. Parang special na rin kasi ito para sa akin eh.
Pagpasok ko naman eh may nakita akong painting. Napanganga ako sa gulat.
“No way...”
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
Любовные романыWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.