“MISS ONGPAUCO!”
Napatayo ako bigla. Grabe, nagulat ako dun ah! “Yes ma’am?”
“Hay naku Miss Ongpauco! Kanina pa kita tinatawag. Isa nalang talaga at papapuntahin na kita sa sub-unit head.” Tumango lang ako nun tapos pinasagutan niya sa akin yung nasa board.
Grabe, nitong mga huling araw eh sobrang naglilipad lipad yung isip ko. Bakit? Well, I think alam niyo naman kung bakit eh diba? Para sa mga hindi nakakaalam, well clue. It has something to do with what Kit said. Ewan ko ba, sobrang nabother lang kasi talaga ako dun to the point na nawawala na ako sa sarili ko.
Pagbalik ko sa upuan eh sinundot naman ako ni Vince. Problema nito?
“Panay ang lipad ng isip ah. Anong nangyari?”
Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko naman pwedeng ikwento na ikinatuwa ko yung sinabi ni Kit dahil nga diba…may gusto rin siya sa akin. Hindi naman tama yun na dun ka pa sa may gusto rin sayo magshashare tungkol sa ibang tao na natitipuhanmo.
“Wala lang. Masaya lang.”
At hindi na niya ako tinanong pa pagkatapos nun. Nung magbell naman eh nauna akong lumabas sa barkada ko. May nakalimutan kasi akong ipasa kanina kaya ayan, wish ko lang hindi ako masermonan.
Talagang nagtatakbo na ako nun. Hindi ko na nga napansin yung mga bumubunggo sa akin eh, actually, mga nabubunggo ko pala.
“Mahal kita Kit.”
Napatigil talaga ako nun nung marinig ko yun. Heto na naman ako, nakikiusisa. And for sure, masasaktan na naman pagkatapos. Hay Andy, hindi ka na natuto.
“Hindi mo ba ako mahal?”
Nagkaroon ng katahimikan. Parang walang balak sumagot si Kit. Narinig ko namang naglakad paalis si Kat pero mukhang natigilan siya.
“Kung hindi Kit, ngayon palang sabihin mo na. Wag mo naman akong pagmukhaing tanga…”
Humihikbi na si Kat nun. Bad talaga yang Kit na yan!
Yun ba talaga ang iniisip mo? Na masama si Kit? I think not.
What’s that supposed to mean? Diba masama naman talaga yang ginagawa niya?
oo nga, pero masaya ka dahil hindi niya mahal si Kat.
Yun nga ba talagA? Hindi! Hindi ako ganoong tao. Hindi ko ikinatutuwa ang kalungkutan ng iba.
“Kit..”
May narinig akong footsteps nun tapos biglang napatigil. Ano na kayang ginagawa nila? Iniwan kaya ni Kit si Kat? Naku, hindi naman sana, siguro.
“Mahal rin kita---”
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil alam ko na ang kasunod nun. Tumakbo ako papalayo, hindi alam kung saan pupunta. Ang sakit, sobrang sakit. Bakit ganun siya?
Kaya niyang iparamdam sa isang tao na sobrang special niya one day and then the next, kaya niyang bawiin lahat ng iyon. Ang sama niya. Sobrang sama. Wala siyang kasing sama.
“And---?”
Napayakap ako dun sa nagsalita. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan eh. Sobrang sakit. Walang kasing sakit.
“Anong nangyari?”
“Mahal niya si Kat…inamin na niya. Mahal niya si Kat.”kasalanan mo naman ang lahat ng ito eh, bakit ka ngayon nagkakaganyan? Hindi ba ikaw naman ang dahilan kung bakit nagkalapit sina Kit? Hindi ba ikaw lang rin ang dahilan kung bakit bumalik ang pagtitinginan nila sa isa’t isa?
“Baka naman mali ang pagkakaintindi mo,”
“Hindi. Kung dati ganoon ang mga nangyayari ngayon hindi. Narinig ko mismo mula sa kanya. Sinabi niya kay Kat na mahal niya siya. Nagtapat siya.” tumingin ako sa kausap ko.“Nagtapat siya kay Kat, Cheska.”
Pinat niya yung likod ko nun tapos yumakap lang ulit ako. Grabe, kung alam ko sana noon na ganito kasakit ang mararamdaman ko eh di sana hindi ko nalang tinuloy yung mga planong iyon. Tanga kasi ako eh. Masyado kong dineny sa sarili kong may pagtingin ako sa kanya kaya heto ngayon, ako yung todong nasasaktan.
Hay, at least ngayon, may one reason ako para maging masaya.
Congratulations Andy, nagawa mo ang gusto mong gawin. Napagmatchmake mo sina Kit at Kat and you succeeded. Now tell me, are you really happy?
*****
“Ayaw niyang kumausap ng kahit na sino eh. Tinry na namin kanina pa…”
“Hoy bruha! Ano ba! Magdamag ka nalang ba magmumukmok diyan?!”
Tinignan ko lang si Cheeky at ngumiti ng pilit. Kahit makarating ako sa bahaey eh wala akong gana. Parang nawala lahat ng emosyon ko, ang natira lang eh lungkot.
Ano ka ba Andy! Dapat nga eh magpakasaya ka pa! diba nga? Mission accomplished.
“Iwan niyo nalang ako...”
“No.”
“Cheeky...”
“Hinde! You have to face the consequences ng actions mo Andy. You can’t hide forever.”
Ilang araw rin siguro akong hindi pumasok. Dalawa? Tatlo? Hindi, mga apat siguro. Hindi ko rin alam, hindi ko naman kasi namamalayan eh.
“Pero---”
“Walang pero pero.”
Tinayo nila ako nun mula sa kama tapos sina Marla eh sinamahan ako sa CR. Anong pinaplano nitong mga to?
“Anong ginagawa mo?”
“Lalabas tayo ngayon.”
“Lalabas? Saan naman tayo pupunta?”
“Kahit saan, basta tumino lang ulit yang pag-iisip mo.”natahimik nalang ako kasi hinanapan na niya ako ng damit nun. Simpleng shirt at jeans lang tapos lumabas na kami,
Si Stephen yung may dala ng transpo. Hindi ko alam kung saan kami balak ipadala nung lalaking yun, no, AKO lang pala yung binabalak nilang dalhin somewhere.
Pagstop nung kotse at pagkababa namin eh napanganga lang ako.
Bakit kami andito?!
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.