chapter 54

3K 28 0
                                    

Sinamahan ko si Omar nung mga sumunod na araw. Feeling ko kasi may obligation ako sa kanya as a friend eh. lalo na ngayon na magkaaway sila ni Kit. Ayos lang naman sa barkada as long as kasama parin sila. 

Start na ng practice ng para sa sports fest. That includes pilian ng games at syempre, pag gawa ng cheer. As usual, yung class A ang gagawa kasi sila naman talaga ang expected na maglead sa amin. May iba nga na umaapila kung bakit sila nalang parati, pero syempre, isipin rin naman nila, kaya ba nilang gumawa ng cheer? Syempre diba mahirap yun. Kahit masakit man aminin eh hindi ganoon kadali para sa isang ordinaryong studyante tulad namin ang magcreate ng cheer. Just let the smart ones do that for us.

Magulo nung nagpilian na ng games. May iba kasi na nageexceed ng number of players tapos may iba naman kulang. Pasaway kasi yung iba eh. meron pa na sobrang arte pa. Namely, Pau and Keri. Gusto kasi nila yung sport na hindi makaksira sa “nail polish” nila. Asus, sana hindi nalang sila sumali sa sports fest kung ganoon.

Maaga akong natapos sa pagsign up sa game na gusto ko. Basketball ang pinili ko dahil next to volleyball yun ang favorite ko. Ewan ko ba, gusto ko kasi yung mga sports na talagang mapapagod ka.

“Andy, tapos ka na?”

“Yep. Ikaw?”

“Nope. Hindi pa ako makapili eh. Asar naman kasi yung rule sa mga varsity players eh.”

“Ano ka ba, ayos lang yan no. para fair din naman sa ibang batch.”

“I think it’s stupid. Bakit ang school pwede mong irepresent pero sarili mong batch hindi pwede?” hay nako, ayan na naman po ang kanyang pagrereason out. Mahilig yan sa ganyan eh. lalo na kung sa tingin niya eh tama siya. Ako naman, parating nababara lang. Hmf, madaya. “Sige una na ako. Hahanap muna ako ng decent game para sa akin.”

At ayun, umalis na siya. Yung iba ko namang mga kabarkada eh namimili parin kaya ako eh natirang nag-iisa na naman. Hay.

“Yo.” sabi sa akin ni Omar with matching pat sa ulo. Ano ako aso?

“Tapos ka na?”

“Oo. Ikaw?” tumango lang ako nun. “Tara, kain tayo.” 

Nagpaalam naman ako sa kabarkada ko na mauuna na kami sa canteen. Dumiretso naman kami agad dun at kumuha ng table tapos eh bumili na kami ng makakain. Mukhang diet nga itong si Omar kasi sandwich lang yung binili niya. Ako naman eh nagrice ako kasi nagutom ako. Wow, baliktad?

Umupo na kami kaagad sa table at nagsimula na kumain. Syempre, hindi mawawala yung pakikipagkwentuhan dun. These past few days, parang ako yung naging takbuhan ni Omar. Kapag may problem siya sa bahay eh sakin niya sinasabi. Kaya naman mas lalo akong nagkaroon ng obligasyon na tulungan siya.

“Nakausap mo na ba yung dad mo?”

“What for? Hindi naman siya makikinig eh.” 

“Wag ka ngang bitter. Kahit ilang beses kang saktan niyan eh dad mo parin siya at anak ka parin niya. So kahit konti man lang eh paniguradong may paki siya sa iyo.” sabi ko kaso siya eh umiling iling lang. 

“Ayoko nang umasa.” and after that, hindi na namin pinag-usapan pa yung topic na yun. Alam ko kasing magiging sobrang awkward na eh.

Dumating narin naman yung barkada at ayun, nagkuwentuhan tungkol sa mga sinalihan namin. Si Cheeky at Cheska, dahil hindi sila kasama sa mga sports-inclined people, eh sumali lang sa chess at darts. Yun lang daw kasi ang pinakamadaling pwedeng gawin eh. hindi pa sila magpapagod.

Si Marla naman eh sumali ng volleyball. Magaling yan. Tinuruan ko kasi eh. Wahaha, joke lang. magaling talaga yan. At kaya hindi siya sumasali sa varsity eh dahil gusto niyang irepresent yung batch namin. Si Stephen naman eh sumali sa street soccer. Magkasama pala sila ni Vince dun. 

After ng lunch break eh nagmeet yung batch namin. Pinag-usapan na yung tungkol sa name ng batch, yung design ng shirt at syempre, pinagmeet narin yung mga magkakasama sa mga games. 

“Dapat champion ulit tayo ah??”

“oo nga! We have to defend our title. Sayang ang 3 years straight win natin kung matatalo tayo this year.”

Yes, totoo yan. 3 years na kaming nagchampion. Nakakagulat nga eh kasi nung first year, mga baguhan palang kami, eh natalo namin yung seniors. Yun ang pinakamasayang accomplishment ng batch namin nung 1st year.

Pagtapos naming magmeet at mag-usap usap eh tumambay nalang ako sa isang tabi at nagbasa nalang.

“Hi Andy.” 

Tumingala naman ako mula sa pagbabasa ko tapos ngumiti sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko. 

“Hello.”

“Ano yan?” 

“Ito? The five people you meet in heaven..” sabi ko tapos binigay ko sa kanya yung book. 

“Maganda ba ito?” 

“Sabi nila oo. Hindi pa ako sure kasi hindi ko pa natatapos.” 

“Okay. Sabihin mo nalang kung maganda kung tapos mo na okay?” ngumiti lang ako sa kanya. Inabot niya sa akin yung book tapos tinago ko naman.

“Bakit hindi mo kasama si Kit?” 

“Kasama kasi siya dun sa nag-aayos ng mga players eh.” 

“Ahh, ganun ba?” ngumiti lang siya nun.

  “Speaking of Kit, gusto ko lang sana itanong...” mukhang naghesitate pa siyang sabihin pero nalabas rin niya. “Are you two…uhm…engaged na?” 

Napatingin lang ako sa kanya. Nahiya akong sabihin na oo kasi alam kong malulungkot siya. Asar ka talaga Andy. Ano gagawin mo ngayon niyan?

“Uhmm..” lumungkot yung mukha niya nun tapos mas lalo naman akong naguilty. Narinig ko siyang nag sniff tapos sunod ko nalang nalaman eh umiiyak na siya. “Kat..” 

“Don’t worry about me. Ayos lang ako.” tumayo na siya nun tapos nagpunas ng luha. “G-Good luck sa inyo ni Kit.” then she left. 

Gusto ko sana siyang sundan pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya. Nahiya talaga ako sobra. Feeling ko ang sama sama kong tao. Bakit ko ba siya pinaasa na gagawin kong lahat para lang mapalapit sila ni Kit? Great. Now you lost one friend. Ang galing mo talaga Andy.

Naging gloomy yung mood ko nung hapon kasi sobrang nabother ako sa nangyari. Hindi ko na nga masyadong napapansin yung mga nangyayari sa paligid ko eh. buong hapon eh tulala lang ako at sobrang nagsisisi sa nagawa ko kay Kat. 

“Pwede ka bang makausap?” nagulat ako at napatingala. Kelan pa nakatayo si Kit sa harap ko? 

Napatingin naman ako sa paligid ko. Whoa, kami nalang yung tao? Gulay naman oh. “Er..” 

“Please?”

Medyo naawa naman ako nun kaya tumango nalang ako. Sumama naman ako sa kanya paakyat ng school rooftop. Kung bakit niya pinili yung rooftop? Dun daw kasi yung place na walang makakaabala sa amin. 

Tahimik lang kami nun. Hindi naman ako masyadong makatingin at makasalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo lang kasi, hiyang hiya ako sa mga ginawa ko these past few days. 

Ayan kasi Andy, gumagawa ng kilos ng hindi man lang nag-iisip.

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at lumapit. Napausog pa nga ako eh kaso railings na yung natamaan ko kaya wala akong takas. 

“Andy.”

Napatingin ako sa kanya at halata mong gulung gulo na yung isipan niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at niyugyog ako pero wala parin akong imik. 

“naguguluhan na ako.” tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at ikinagulat ko ang nakita ko. Nasasaktan siya. “Bakit ka pa pumayag na matuloy ang arranged marriage kung ipagtutulakan mo rin pala ako kay Kat?! Ano ba talaga?!”

Pinikit ko yung mga mata ko tapos nagbuntong hininga. It’s time to tell the reason why. “Pumayag ako hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa kelangan ko.” kumunot yung noo niya nun at napabitaw bigla. Tinake ko naman yung opportunity na iyon para lumayo ng konti dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa. Nakakailang kasi.

“Hindi ko maintindihan.”

Tumalikod ako sa kanya tapos tumingin sa may kalangitan.“Kaya lang ako pumayag na matuloy iyon dahil kay Myka.”

Narinig ko siyang parang natawa pero halata mong sarcastic at pilit. “Ano na naman kinalaman niya dito?”

Humarap ako sa kanya at tumingin ng seryoso. “Lahat.”
Natigilan siya nun at kumunot na naman yung noo niya.“Dahil siya lang ang natatanging dahilan kung bakit ako pumayag na matuloy ang arranged marriage na ito.”

“Paano…”


Flashback

“Basta Andy…maiintindihan mo rin balang araw. Basta yun lang ang hiling ko sa iyo. Ipangako mo sa akin yan okay? Saka kung pwede sana…” lumapit naman siya sa akin nun tapos may binulong at nanlaki yung mata ko. “…ipagpatuloy niyo ang arranged marriage niyo ni Kit. Wag kang aayaw Andy, hayaan mong siya ang magsabi na ayaw na niya. Sa nakikita ko kasi ngayon, sigurado akong may gusto na talaga siya sa iyo at ayoko namang masaktan siyang ulit.”

“Pero Myka!”

“Please…”

End of Flashback



“Naiintindihan mo na ba?” tumalikod ako sa kanya. May parte kasi sa akin na nahihiya dahil sa ginawa ko. 

Naramdaman kong naglakad na siya pero hindi ko nilingon. Ang mga sumunod na nangyari eh nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pagsara ng pinto, at dahan dahang tumulo ang mga luha ko.

Tumingin ako sa langit at napaisip. Yun ba talaga ang dahilan ko? O baka naman…
















…ginagamit ko lang iyon para itago ang tunay na nararamdaman ko?

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon