chapter 71

3K 21 1
                                    

“Andy would you please stop moving?! Kaya hindi tayo matapos tapos dito eh!” Tumigil naman ako sa kakagalaw nun. Ayoko ngang mabatukan no.

1 week rin ang lumipas. Puro mga lesson kami at syempre, preparation para sa “Ball”. Heto nga ako ngayon eh, hinahanapan ng gown para bukas ng gabi. Nakakainis nga eh, hanggang ngayon talaga eh hindi ko magets kung bakit kelangan parating maganda ang babae kapag may mga ball or dances. Hindi ba pwedeng magjeans at shirt nalang kami? Presentable parin naman yung diba?

“Finally! Natapos rin tayo!” umupo naman sila ni Marla dun sa sofa na nasa tapat ko tapos pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Mukha nga nila akong kakainin eh. feeling ko tuloy may something “wrong” about me.

“Bagay talaga sa iyo ang white Andy.”

Simple lang yung suot ko. Parang mahaba lang siya na white dress tapos spaghetti strap siya. hindi kasi ako masyadong into detailed clothes kaya plain lang talaga yung kinuha namin.

“Pwede ko na ba siyang tanggalin??”

Tinawag na nila nun yung saleslady tapos pinabalot na yung damit. Pagtapos namin dun sa store na iyon eh kumain kami ng shakey’s. nakasalubong pa nga namin yung ibang kabatch namin na naglalast minute shopping din. 

Mga 7 siguro nun nung makauwi ako sa bahay. Ang sakit nga ng paa ko eh, parang tinapakan ng elepante. Pagkahigang pagkahiga ko eh knockout naman kaagad ako. Sino namang hindi diba?

*****

“Miss Ongpauco, I forgot to tell you, kelangan may partner ka kasi sasayaw kayo ng waltz sa opening.”

What the heck?! Ang nice naman nila! Sasabihin nila sa akin yan kung kelan 5 hours away nalang yung dance! 

“Pero ma’am! Paano pa ako hahanap ng partner niyan?”

“Oh I forgot, yung partner mo eh dapat isa sa mga representatives.”

Naman oh! Sinong yayayain ko niyan!?

Nakasimangot akong pumunta nun sa may gym kasi may meeting yung mga representatives. May awards din kasi yung dance na iyon eh like best dressed saka Mr. and Ms. Valentine. 

“Cholo, may partner ka na ba?”

“Para sa sayaw? Oo eh. Bakit ikaw ba wala pa?”

Umiling lang ako nun at mas lalong sumimangot. “Kanina lang kasi sinabi sa akin.”

“Ahh…pero balita ko si Kit daw wala pang partner. Siguro kayo nalang.”

Si Kit? Partner ko? Hindi kaya maging awkward yun lalo na para kay Kat? Pero kung sabagay, alangan naman wala akong partner diba?

Lumapit ako nun kay Kit na may parang inaasikasong kung ano. Tumingala naman kaagad siya nung nasa harap na niya ako at nagtaas pa siya ng kilay.

“Wala ka pa raw partner? Pwede tayo nalang? Wala kasi ako eh..”

“Do I have a choice?”

Hmf! Sungit! “Hay nako Kit, ang sungit mo parin talaga.”

Pagkatapos nun eh umalis na ako at nakihalubilo nalang sa ibang kasama namin.

For the rest of the day eh pinractice nalang namin yung sayaw. Madali lang siya kasi naituro na siya sa amin before, second year ata yun or third nung inintroduce sa amin ang waltz. Mga 5 eh pinauwi na kami para makapagpahinga at syempre, makapag freshen up.

Hinatak naman ako kaagad  nina Marla papunta sa kanila at saka ako inayusan. Simple lang ang inayos nila sa akin, powder at lip gloss lang. hindi ko na raw kasi kelangan nung para sa cheeks kasi mapula na ako.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon