“Sinabi niya yun?!”
Nagulintang naman ako dito sa kasama ko. Yung mga tao nga noon eh nakatingin na sa amin kasi ang lakas ng boses niya. Naglalakad kami nun papuntang fields para makapag-aral. One week nalang kasi eh exams na so parang review week namin ngayon.
“For the third time Omar, oo! Sinabi niya yun. Maiba nga tayo, ano bang ibig sabihin nun?”
Napatigil naman siya nun at nilagay yung dalawang daliri niya sa may baba niya. Para bang may kung anong iniisip siya.
“Ibig sabihin, ginigive up na ni Karding si Belle…hay…”
Tinaasan ko siya ng kilay. Wow! That helped a lot. NOT.
“Grabe ha, naintindihan ko nga.”
Nag grin lang siya nun na para bang tungaw. Anong problema nito?
“So ibig sabihin nun eh kay Mimay na mapupunta si Karding?”
Ni-roll ko yung eyes ko sa kanya. “Hindi nga kita maintindihan tapos tatanungin mo ko!”
“Patanong naman oh?”
“Bahala kayo! Hindi ko naman kayo maintindihan eh. kayo nalang kaya mag-usap?”
At ayun, nakahanap rin kami ng pwesto tapos dun na nagstart mag-aral. Tulungan nga kami eh kasi may mga notes ako na wala siya at meron namang ako yung wala. Ilang sandali lang rin eh dumating na yung barkada at nagkaroon na kami ng group study. Syempre, graduating, gusto namin maganda makikita sa report card.*****
Lumipas ang mga araw. Puro habol ng lessons at review lang ang mga nangyayari. Nakakapagod nga eh, to think na nagtatraining pa kami nang lagay na yan. Tapos pagtapos ng exams eh graduation practice naman sa umaga at training sa hapon. Waaaaa! Feeling ko anytime bibigay na katawan ko eh.
“Oh, bakit hindi mo kainin yang pagkain mo?”
“Eeeh, kadiri eh. ang lapot ng sabaw tapos yung tubig lasang buko.”
“Kung bakit ba naman kasi iyan ang inorder mo eh diba?”
“Sorry po! Hindi ko naman alam ganito magiging hitsura nito eh...” in the end, binigay nalang sa akin ni Vince yung kalahati ng inorder niya. Actually, 2 set ng lunch ang inorder niya so walang problema. Kung bakit 2? May alaga kasing bulate sa tiyan iyan eh. feeling ko nga sawa na eh hindi na bulate.
“Andy, ano nang progress sa inyo ni Omar?”
Napaubo naman ako ng di oras dun. Yung mga nasa tapat ko nga eh, namely Stephen at Cheeky, eh napausog. Natatakot kasi na maduraan ko sila.
“Progress ba kamo Cheska? Para namang may nangyayari sa aming something eh no?”
“I mean, sasagutin mo ba siya?” natawa lang kami nun. Ayun naman pala eh, kasi hindi masyadong nililinaw.
“Ahmm…siguro.”
“Ouch, ang sakit nun.”
Sakit? Eh buti nga at may possibility na sagutin ko eh diba?
“Kaya nga siguro eh. ibig sabihin may possibility. Anong ouch dun?”
“Andy hindi mo kasi alam na kaming mga lalaki, kapag “siguro” ang sagot ng babae sa amin eh masakit na yun dahil nagdadalawang isip siya at hindi siya sigurado kung may feelings ba siya para sa iyo o wala.”
Naks naman tong best friend ko, at kelan pa siya naging love doctor aber?
“Ganun ba yun?”
“Oo naman.”
“Pero kung iisipin niyo, si Omar eh parang hindi siya yung mga normal na manliligaw na sobrang pagpapamper sa babae. Parang..wala lang. para ngang hindi siya nanliligaw eh.”
“Alam mo Andy, napansin ko rin yun. Talaga bang nanliligaw siya sa iyo?”
Nagshrug lang ako kasi pati ako eh hindi ko alam ang sagot sa tanong nila. Nanliligaw nga ba siya?
Pagkabell nun eh bumalik na kaagad kami ng classroom. Buti nga at hindi pa kami nalate eh. nung next subjects naman namin eh walang ginawa masyado. The usual review lang at bigayan ng pointers at handouts.
Nakakainis nga eh, kung kelan exams eh saka lang sila magbibigay ng hand out. Mas okay sana kung dati pa para at least nababasa na namin at hindi yung isahang pagmememorize ang gagawin namin.
Nung matapos yung klase eh nagbihis na kaagad ako. Late narin kasi kami pinalabas eh kaya ayun, naghaharurot ako sa katatakbo papuntang cr. Syempre, kapag nalate kasi ako ng practice baka magpush ups ako or maglaps. Ayoko rin naman malate kasi never pa akong nalate sa mga practices namin.
“Uy Vince! Pabili naman ng tubig oh, dalawang malaki..”inabot ko naman kaagad sa kanya yung pera. “Thanks!” at pagtapos nun eh tumakbo na ako papuntang gym namin.
Pagdating ko dun eh nagstart na yung mga drills na pinapagawa. Kaya ayun, mag-isa akong tumakbo sa may track. Medyo nahilo hilo nga ako nun eh, dala narin siguro ng pagod at pagkauhaw. San na kaya si Vince?
Nakaka-3 na ikot na siguro ako nung umikot yung paniging ko. Grabe, sobrang nahilo talaga ako nun. Bumagal nga yung takbo ko eh, feeling ko talaga anytime eh magcocollapse na ako.
Tumigil ako nun sa pagtakbo tapos agad na pumunta sa gilid para hindi matumba. Grabe, uhaw na uhaw na talaga ako nun at feeling ko eh anytime pwede na akong mawalan ng malay.
“T-tubig..”
Napatingin ako sa may harap ko, konti nalang makikita na nila ako. Konting konti nalang talaga. Kayanin mo yan Andy…wag kang bibitiw…
Ilang steps nalang siguro eh nakarating na ako dun sa may pababa, yun nga lang, mukhang hindi na talaga nakayanan ng tuhod ko. Akala ko nung una mahuhulog na talaga ako. Akala ko talaga katapusan ko na. hindi pa pala kasi…
“Anong nangyari sa iyo!? Bakit ka namumutla?!?” nasalo niya ako.*****
“KIT?!” yan ang una kong nasabi nung magising ako. Paano ba naman eh ang lapit lapit ng mukha niya sa akin. Sinong hindi magugulat dun?
Tumingin ako sa paligid ko, nasa clinic na pala ako. Dinala niya siguro ako dito, siya kasi ang nakasalo sa akin eh.
“Anong oras na?”
Hindi niya ako sinagot nun kaya tinignan ko naman siya. Mukhang galit siya. Teka, may nagawa ba akong masama?
“Ano bang pinag-iisip mo at pupunta ka ng practice nang hindi man lang nilalagyan ng laman yang tiyan mo!?!?!” nagulat talaga ako nun dahil hinawakan pa niya ng mahigpit yung magkabilang braso ko. Napapikit nga ako kasi ang sakit talaga ng hawak niya.
“Kit ano ba! Nasasaktan ako!”
“Talaga bang gusto mong saktan ang sarili mo ha?!!”
Tinignan ko naman siya ng masama nun tapos kumalas ako, talagang kinailangan ko ng matinding lakas para gawin yun.“ANO BANG PAKIELAM MO HA?!”
Natigilan siya nun tapos napausog at bumitaw lang sa akin. Yung mata niya eh nanlaki talaga at parang takang taka siya kung anu ba yung mga pinagsasabi ko.
“Ano bang alam mo tungkol sa akin Kit?! Ano bang alam mo kung nasasaktan na ba ako o hindi?!”
Mukha na siguro kaming ewan dun. Paano ba naman kasi, ako eh nakayuko at umiiyak tapos siya eh nakatingin lang sa akin.
“Andy..”
“Wala kang karapatan Kit.” tumingala ako nun at tinignan siya ng diretso. “Wala kang karapatan sabihin yun dahil kahit ikaw eh sinasaktan mo ako!”
Nakita ko siyang yumuko at nanginig yung kamay niya na nakasara. Nagulat nalang ako dahil nung tumingala siya eh dahan dahang tumutulo yung luha niya. “Akala mo lang ba na ikaw ang nasasaktan?! Hindi AndY! Pareho lang tayong nasasaktan sa mga nangyayari ngayon!” natahimik lang ako nun. Anong ibig niyang sabihin? Bakit siya nasasaktan? Wala namang umaagaw kay Kat sa kanya ah?
“Paano ka masasaktan Kit eh hindi naman nawala sa iyo si Kat?!”
“Pwede ba Andy! Tigilan mo na nga ang pagpupumilit mo na si Kat o kung sino pa man ang mahal ko!”
Nanlaki yung mata ko nung sabihin niya yun. Kung ganoon, para saan pa yung mga tiniis ko? Para saan pa yung mga iniyak ko kung hindi naman pala niya mahal ngayon si Kat?
Yumuko ako nun at napaiyak pa lalo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa puntong ito. “Kaya nga ba kay Omar nalang kita ipinapaubaya…dahil alam kong sa kanya ka sasaya. Dahil alam kong hindi ka niya sasaktan…dahil alam kong…”
Pinaubaya? Ibig sabihin nun…?
“pinapasa na ni Karding kay Andong ang pag-aalaga kay Belle. Sana wag niyang paiyakin ito kahit kelan dahil napakaimportante ni Belle para kay Karding.”
Lalong tumulo yung luha ko nung mga oras na iyon. Sobrang hindi na nga ako makahinga masyado nun eh pero hindi ko pinapahalata. Hindi ako pwedeng mahimatay ngayon. Hindi…kelangan…kelangan kong marinig ang gusto niyang sabihin…kelangan!
“Kit..” umikot na yung paningin ko nun. Tumingala ako para magkaroon ng konting hangin pero hindi na talaga ako makahinga. Huli ko nalang narinig eh…
“siya lang ang makakabigay ng pagmamahal na kahit kelan eh hindi ko maipakita para sa iyo...kahit gaano ko pa gustuhin na ipakita sa iyo yun.” Panaginip lang ba yun? O totoo?
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.