Sa dinami dami ba naman ng taong pwedeng ipagkasundo sa akin ni mama eh hindi ko malaman kung bakit ang nag-iisang napakasungit at napakamoody pa na si Kit Tasello ang napili niya.
“Wag ka na ngang mamula, sabi ko naman sa iyo diba na pwede naman na magkacrush ka sa fiance mo. Walang kaso yun.”
Hay! Ewan ko rin ba! Minsan gusto kong tanungin yun sa nanay ko pero feeling ko eh batok lang ang aabutin ko. Grabe talaga ang nangyari, sobrang nakakahiya! Ewan ko nga kung bakit hindi pa ako nilamon ng lupa eh! Ayaw makisama! Nakakaasar!
“Excuse me lang ha. Wala akong crush sa iyo at NEVER akong magkakacrush sa iyo okay?!”
Tinawanan lang niya ako nun. Grabe, nawala yung antok na naramdaman ko kanina. Badtrip nga eh. ayan tuloy, andito kami ngayon sa may dining area at umiinom ng mainit na tsokolate. Isa pa yan sa hilig kong gawin kapag naiinis, nahihiya, nagagalit o kaya naman eh namomroblema ako, umiinom ako ng hot chocolate.
“O sige, sabi mo eh…” ARGH! Nakakabanas talaga siya!
“Bakit ka ba nasa kwarto ko?”
“Kasi NAMAN, chineck ko lang kung OKAY ka na kasi nasa KONSENSYA ko yung mga nangyari. OKAY?”
At ayun, nag-usap lang kami nung mga oras na iyon. Ewan ko ba, kakaiba rin talaga itong si Kit eh. Akalain mo bang ipinresenta niya sa akin na makita ko yung , take note, NAKAKADIRING sugat niya? Tuwang tuwa pa siya kasi may stitches dun at sobrang saya pa niyang kinuwento na gising daw siya nung tinatahi. Ewan ko, mahilig lang siguro talaga siya mambusit ng tao. Nagkataon na nga lang siguro na ako yung favorite niyang bwisitin kaya ayan.
Mga 12 narin siguro nun nung nagdesisyon kaming matulog. Kaya nga nung nagising ako ng 5 eh sobrang antok na antok pa ako. Hay, masasabunutan ko talaga yang Kit na yan eh.
*****
“Dali na please? Pahiram na ng notes…”
“A-YAW-KO.”
“Sige na naman Cheeky! Please?! Best friends tayo diba?”
“OO nga pero hindi ko na problema yung wala kang notes kasi tinulugan mo yung klase natin noon!”
Ay naku naman! Hay, bakit ba kasi kelangan ko matulog nung mga oras na iyon eh? Hay ewan, wala na akong magagawa, nangyari na eh, hindi ko na mababalik yung oras na yun.
Hindi narin naman na ako nakipagtalo pa kay Cheeky, for sure kasi palo at batok lang aabutin ko diyan kapag kinulit ko pa. Kaya naman dun ako pumunta dun sa taong hindi ako matatanggihan.
“VINCE!”
“Bakit?”
“Kasi---”
“WAG! Sinasabi ko sayo Vince wag na wag mo yang pahihiramin ng notes kung di malalagot ka sa akin. Sige ka, ikaw rin.”
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.