Paano niya nalaman kung sino ako?! Oh gosh, nakakatakot naman ito! Kinabahan talaga ako sobra at sa sobrang takot ko eh nag-offline kaagad ako at lumayo sa pc na para bang masasaktan ako kapag malapit ako dun.
It’s really weird. Paano niya nalaman kung sino ako eh wala naman akong info na makakapagsabi na ako si Andy Ongpauco. Hindi kaya, he’s someone I know? O kaya naman taga MPU siya? Waa! Ano ba talaga!
Niyakap ko yung binti ko tapos tumungo. Nafreak out talaga ako dun. Paano nalang kung stalker pala siya at nanonood lang siya ngayon sa bintana?
“Anong ginagawa mo?”
Napatingala naman ako at tumingin kay Kit, ang lapit niya sa akin. Siguro dala narin ng emosyon ko eh napayakap ako sa kanya. Nagulat nga siya eh, akala ko tutulak niya ako, pero hindi pala. He did the opposite of what I thought.
“Sorry…” sabi ko tapos nag-pull away na ako. Nakakahiya rin no. tumingin lang siya sa akin naman ng seryoso.
“Ano bang meron?”
“Wala yun, maliit na bagay lang yun, promise.”
Halata mong nagdududa siya pero hindi nalang niya pinush yung topic. Medyo uncomfortable din ako eh kaya napansin narin niya siguro. Nagstay lang siya dun kahit wala naman kaming ginagawa. Actually buong time na andoon siya eh nakatitig lang kami sa wall o kaya sa sahig. Pero infairness, nawala yung takot ko.
Kinabukasan si Kit naman yung umalis. Dumaan ako ng bahay tapos nakigulo lang sa amin. Sa bahay daw kasi nina Kit kami sa Pasko so ang gagawin lang namin is maghanda ng mga pagkain. ilang araw narin pala, pasko na. That means, end na ng 100 days. Ang bilis rin pala no? Ang bilis bilis talaga.
Nung Friday naman, nagyaya si Kat na lumabas. Parang despedida party daw kasi yun kasi dun siya sa America magstay para sa Christmas tapos January na ulit ang balik niya. Ayun, imbitado buong barkada pati narin sina Omar at Kit.
“Order lang kayo. Treat ko to.”
Ang saya saya namin ng gabing yun. Nagclubbing kasi kami eh. Lumabas ang mga talents ng mga magagaling sumayaw. Hindi naman sa pagmamayabang pero..isa na ako dun. Wahaha. Pero totoo, mahilig rin kasi akong sumayaw. Kapag may reunion eh kaming tatlo nina Ate Cass at Herc ang parating may dance number. Expected na parati yun.
“Andy hinay hinay lang!” sabi ni Vince pero syempre, may halong biro.
“Wag kang Kj no! Heheh”
At ayun, sayaw kami ng sayaw hanggang sa mapagod kami. Nung medyo 10 na, umupo na ulit kami tapos naglaro kami ng spin the bottle. Puro nga mga kalokohan yung pinapagawa eh. Grabe.
“Oh si Kat naman!”
Ngumiti lang si Kat tapos nun tinanong na siya. “Truth.”
“Ako magtatanong diyan…ehem ehem. Okay so..sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?” nakita ko namang siniko siya ni Marla tapos tinignan ng masama. Anong ibig sabihin nun?
“the only person who made my heart beat faster and slower at the same time.” sabi niya tapos nagpause at tumingin kay Kit. Teka, bakit parang…parang ang sakit yata dito *points at her heart*? Ito ang gusto ko diba? Na magkatuluyan sina Kit at Kat?
“Umm..any r-r-reactions?” sabi ni Cheska tapos tinignan siya ng iba naming kasama. Teka, may dapat ba akong malaman?
Tumingin ng malalim si Kit kay Kat. Ouch, ang sakit na talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Feel ko nga anytime eh maiiyak na ako. Darn.
“You’re the first girl na nagpatibok ng puso ko.” nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko narin nakayanan kaya tumayo na ako.
“Excuse lang, kelangan kong mag-CR.” alam kong nakatingin sila sa akin pero wala akong paki. Hinintay kong makarating ng CR bago ko nilabas ang lahat ng luhang gustong kumawala kanina.
Lumabas rin ang totoo. I knew it was too good to be true. Sana pala hindi ko nalang siya nagustuhan. Sana pala…may iba nalang akong minahal.
“Andy buksan mo to…si Marla to.”
“Leave me along muna please. Ayokong makita niyo akong mahina. Ayoko.”
“Andy wag mong solohin yang problema mo…”
Hindi niyo kasi maiintindihan eh. Hindi niyo ako matutulungan.
Ang kulit nila at pinilit pa talagang buksan yung pinto. Ayun, napilitan naman ako kasi baka masira pa nila sa kakakatok at kasisipa dun sa pintuan. Pagkapasok nila eh yumakap kaagad sa akin si Marla tapos kinomfort niya ako. Si Vince naman, malungkot lang.
“Andy hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Marami ka pang makikilala diyan.” Tumingin lang ako kay Marla nun tapos nakita ko naman na ni-nudge niya si Vince. “Sabihin mo na kasi.”
Tinaasan ko naman sila ng kilay. “sabihin ang ano?”
Tinignan ni Vince si Marla ng masama. “This is not the right time Marla.”
“Kung hindi ngayon kelan pa?!”
“Don’t force me! Kita na ngang hindi pa handa si Andy sa ganyan eh!”
Teka, nakakairita na ito ah. They’re obviously ignoring the question on purpose.
“est-ce que quelqu'un peut me dire que se passe-t-il?! (can someone tell me what’s going on?!)”
“EH?!”
“Andy please. Wag ngayon. I don’t think kaya mo pang i-handle ang sasabihin ko. Please, I’ll tell you some other time, just not now.”
Nagcross arms ako tapos tinignan ko lang siya. Napahinga naman siya ng malalim. That means I won.
“Je suis dans l'amour avec toi (I’m in love with you).”
*****
Ilang days rin ang lumipas since the whole “confession” thing ni Vince. Sabi niya sa akin wala siyang move na gagawin. Ewan ko, naguiguilty naman ako kasi iba mahal ko tapos siya mahal niya ako. Napaisip naman ako, maraming beses akong nagkukuwento tungkol sa kanya tapos mahal na pala niya ako nun? Wow, he’s one great guy, that’s for sure.
“Dalian mo stripes asa bahay na sila.” sumigaw lang ako ng oo tapos nun eh nag-ayos na. Tinignan ko yung sarili ko, mukha namang presentable.
Bumaba narin ako at pumasok na kami ni Kit sa kotse. Tahimik lang kami nung buong ride. Pinakikinggan lang kung ano yung pinapatugtog. May mga corny nga na kanta eh, meron naman mga tagos na kanta.
Ilang sandali lang din eh nakarating na kami sa bahay nina Kit. Tinitigan ko muna yung bahay nila. Kinakabahan ako sa totoo lang. hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sunod eh. Ganoon parin ba? O wala na?
“Tatayo ka lang ba diyan o papasok ka?”
Tinignan ko siya tapos nakaabang na siya dun sa may front door. Nagsimula naman na ako maglakad at huminga ng malalim. This is it.
It’s judgement day.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.