Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siyang nakaupo dun sa may computer chair ko. Paano siya nakapasok dito?!
“Dumaan ako sa pinto.”
“Kanina ka pa?!”
“Hindi naman, mga 2 hours ago lang naman.”
Binatukan ko naman siya ng malakas. Pumasok muna ako sa CR ko nun tapos naghilamos at nagtoothbrush. Sinabay ko narin dun yung panalangin na wala akong ginawang katawa tawa habang tulog ako.
Paglabas ko eh andoon parin siya, yun nga lang eh nagcocomputer na siya.
“Omar ano bang pumasok sa isipan mo at pumunta ka dito ng maaga?”
“Well, gusto ko kasing sabihin sa iyo na sa this coming Friday na yung birthday ni Kit. Baka naman may gusto kang gawin para diyan sa fiance mo..” sinabi niya at hindi parin niya ako nililingon nung mga oras na yun.
“Birthday ni Kit? TalagA?”
“Oo, anong plano mo?”
Bakit ba kapag may tungkol kay Kit eh dapat may plano ako?!
“Wala.” at saka naman siya napatingin sa akin na para akong tinubuan ng malaking pimple sa noo.
“Ano ka ba? Anong wala?”
“Wala. As in Nothing sa English at Rien naman sa French. Japanese rin sana kaso hindi ako marunong eh.”
“Hay nako Andy, alam mo dapat MERON okay? Fiance ka niya kaya kelangan may gawin ka.”
“Wow, that sounds reasonable.” oh, I so love sarcasm.
Ni-roll niya yung mata niya nun tapos nagdadadakdak na kesyo dapat daw eh may gawin ako at kung ano pa man.
“----saka isipin mo, marami na siyang nagawa para sa iyo. Turn mo na para ikaw naman ang may gawin para sa kanya.” okay, natamaan ako dun.
“Sige na nga.” at yun, pagtapos nun eh umalis na siya. Walang hiya, pinuntahan niya ako para lang gawin yun?! Bakit hindi nalang siya tumawag o kaya magtext nalang diba? Sus, may sira yata ang kokote nun eh.
Bumaba naman na ako at nakasalubong ko pa si Kit. Mukhang mali na naman yung gising niya. Weirdo talaga nitong lalaking ito.
“Bakit andito si Omar?”
Tinignan ko siya na parang nagsasabi na ‘talagang tinatanong mo yan?’ tapos nun eh nagfold arms ako. “Bakit di siya tanungin mo?” at pagtapos nun eh naglakad na ako.
“Nanliligaw ba siya sa iyo?” nanlaki naman yung mata ko dun. Nagbibiro ba siya?!
“Ewan ko sa iyo Kit! Kaibigan mo yun bakit hindi siya kausapin mo. Hay nako.”
“Hindi mo sinagot tanong ko.”
Inerapan ko siya tapos nagbuntong hininga naman ako. Mukhang walang balak itong paalisin ako ng hindi ko nasasagot yung tanong niya ah.
“Hindi po siya nanliligaw okay?!”
Hinigit ko yung kamay ko nun tapos bumaba na. Grabe, gutom na ako. Sino ba naman ang hindi magugutom eh diba namiss ko na yung breakfast.
Wala naman masyadong nangyari nung Sunday na yun. Usual na nagsimba at syempre, yung katarayan ni Kit eh walang pinagbago.
*****
“May plano ka na ba?” napairap naman ako ng di oras. Maghapon rin akong kinukulit nitong Omar na to tungkol kay Kit. Ayaw naman sabihin kung bakit siya ganun. Ewan ko sa kanya. Ang weird niya masyado. Okay na sana kung nung Monday niya lang ginawa yun eh, kaso hindi. Umabot talaga hanggang Wednesday.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.