Hinatid ako ni Omar hanggang bahay. Hindi nga siya nagsalita eh, feeling ko nagets niya kung bakit ako tahimik. Yun nga lang, ako hindi ko gets.
Hindi ako kumain nung dinner. Kinatok nga ako ni Manang eh pero hindi ako lumabas. Magdamag akong nakahiga lang sa kwarto ko at nakatingin sa kisame.
Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Diba dapat mas maging masaya pa ako dahil kahit na wala akong ginagawa eh may nangyayari na? Oo tama, dapat masaya ako. Dapat matuwa pa ako dahil after December 25 eh si Kit na mismo ang aayaw sa fixed marriage na ito.
*KNOCK KNOCK KNOCK*
“Bukas yan.” bumukas yung pinto pero hindi ko nilingon yung tao. Siguro si manang yan at may dala dalang pagkain. narinig kong sumara yung pinto kaya tumingin na ako. Nagulat nga ako kasi nasa tabi ng kama ko si Kit. “Bakit?”
“hindi ka kakain?” umiling lang ako nun tapos humiga na ulit. Hindi ko siya narinig na gumalaw pero hindi ko na siya pinansin pa. “Bakit?”
“Wala lang. hindi ako gutom.”
Naramdaman ko namang tumayo siya. Hay salamat, aalis narin siya. Dinilat ko naman yung mata ko at napasigaw ako kasi bigla nalang siyang nasa harap ko. How the heck did he do that?!
“Why do you always do that?”
“Do what?” napabuntong hininga lang ako tapos tinulak siya. Umayos naman ako ng upo at umusog sa may mga unan ko at siya naman dun sa may edge ng bed.
“May kelangan ka?”
“Kayo ba ni Omar?” ni-roll ko naman yung mata ko at huminga ulit ng malalim. Bakit ba parati nalang niya yan tinatanong?
“Sinabi ko naman sayo dati diba na hindi? Bakit ba ang kulit mo?” inalis ko yung tingin ko sa kanya. For some unknown reason, hindi ko siya matignan ng diretso. Maybe because whenever I see him, para bang isang dvd player ang utak ko at pinapaulit ulit yung scene na nakita ko kanina. What the heck’s wrong with me?!
“Bakit kayo magkasama at dala pa niya bag mo?”
“Pwede ba Kit, tigilan mo nga ako. Pagod ako okay?” hindi na siya nagsalita pa at lumabas narin ng kwarto ko.
Tumingin ako dun sa kinauupuan niya kanina at napahinga ng malalim.
“Some risks are just too hard to take…”*****
Nung sumunod na araw, hindi na ganoon kaaga ang gising ko. Normal na nga lang siya eh kasi mga mag 6 narin nun. Hindi ko naman nakasabay si Kit kasi mukhang mas nauna na siyang pumasok.
Pagdating ko ng school eh bigla namang bumulaga sakin si Omar. Ang kulit ng lahi nitong lalaking ito. Gusto na naman kasing dalhin yung bag ko kahit na kaya ko naman. Halos wala ngang laman eh tapos kukunin pa niya. Hay naku. Pinagbigyan ko nalang siya dahil alam kong aabutin kami ng siyam-siyam kung makikipagtalo pa ako.
Pagkarating ko sa classroom eh tinanong kaagad ako nina Vince kung bakit ko kasabay na naman si Omar.
Hay, bakit ba lahat nalang sila iniisip na kami na?!
“¡por la vez última, no somos juntos! (for the last time, we’re not together!)”
Napatigil lang sila sa akin nun, lahat except si Vince eh napanganga sa akin. Inexplain naman ni Vince sa kanila yung pangyayari at ako naman eh hindi ko na sila inintindi. Nakakairita kasi eh.
Napapadalas naman ang pagsama sa akin ni Omar. Ewan ko nga rin eh, parang may kelangan siya sa akin na ayaw naman niyang sabihin. Minsan naman, gusto kong tanungin kung wala ba siyang sariling barkada at sakin siya sumasabit, take note, hindi sa buong barkada ah, sa akin lang talaga. Hay naku, ewan ko sa kanya.
“Don’t take this the wrong way Omar ah, pero bakit ka ba laging nasama sa akin nitong mga araw?” at sa hindi ko malamang dahilan eh bigla bigla nalang siyang tumawa.
“Wala lang. Gusto ko lang sumama.” hay nakow naman oh.
“Bakit? Ala ka bang masamahan?”
“Meron naman pero…ewan.” wow, ang tino ng sagot niya sobra! Grabe!
“Andy?”
“Oh Vince. bakit?” lumapit siya sa aming dalawa tapos tumingin kay Omar tapos sa akin.
“Wala lang. Pauwi ka na?”
“Yeah.” pansin ko naman na hindi parin niya inaalis yung tingin niya kay Omar. Anong meron?
“At ihahatid ko siya.”
“Ganun ba?” and for the first time, tumingin siya sa akin.“Ingat.”
Ang weird din niya ah. Bakit ba lahat ng tao weird ngayon?*****
Naging parang routine narin namin ni Omar na ihahatid niya ako. Ewan ko ba, nasanay narin ako kaya hindi ko na siya pinipigilan. Alam ko naman kasing magiging walang saysay lang yung kung pigilan ko eh.
Nitong mga araw rin eh hindi ako masyado nakakadaan sa art room. Late narin kasi ako minsan nakakapasok eh. Pero ngayon araw na ito, sinigurado kong maaga na. gusto ko rin kasing dumaan sa art room eh. Ang gulo nga rin eh, kahit alam ko na na si Kit ang Artist eh dinadayo ko parin talaga yun. Maybe I’m used to doing that.
“Whoa…”
Pagtingin ko dun sa painting eh nagulat talaga ako kasi may 2 tao na naman dun. Isang girl at isang boy pero yung faces nila eh hindi kita. Nakaabot yung kamay nung guy sa girl tapos yung babae eh parang confused.
Hindi kaya…? Ako yan?
“Andito ka pala.” napatingin naman ako sa kinatatayuan niya at ngumiti.
“Yeah.” lumapit siya sa akin at pinagmasdan yung painting. Napangiti pa nga siya eh.
“Si Kit talaga…parati niyang pinipinta yung mga memorable things na nangyayari sa aming dalawa.” nangyayari sa kanilang dalawa? So…mali pala ako.
“Ahh, ganun ba?”
“Yep. Nasabi ko na ba sayo? Hindi basta basta nagpipinta si Kit ng kung anu ano. Either special talaga yung nasa pic, halimbawa si Kleo, or may special meaning yung painting. Minsan nga ang hirap intindihin nung nasa pic eh.” tumango tango lang ako nun. Ang dami pala talagang alam ni Kat kay Kit no?
“Talaga…?”
“Honestly speaking Andy, medyo natakot ako nung una kong malaman talaga na engaged kayo ni Kit. Kahit na sinabi mo sa akin na hindi mo siya gusto at tutulungan mo ko sa kanya. ”tumigil siya sandali, para bang nagdadalawang isip sa sasabihin niya. “Alam mo kasi, iba kapag yung mahal mo talaga ang nagsabi ng ganun eh. Marereassure ka talaga kung sa kanya mismo nanggaling kaya natakot talaga ako. Pero sa nakikita ko ngayon…nawala na yung takot ko. Mahal pa nga niya ako.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin. Totoo kayang mahal parin siya ni Kit?
Oo Andy, hindi malabong mangyari yan.
Ngumiti naman ako sa kanya at umalis na. Ang lakas ng pagkabag ng dibdib ko. Feeling ko tuloy sasabog na eh. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganitong bagay?
Napatigil ako sa paglalakad at naglean sa wall. Sunod ko nalang malaman, umiiyak na pala ako. Pasalamat ako nun dahil walang tao at walang nakakakita sa mahinang side ko. Napaupo ako nun, niyakap ang mga binti ko at yumuko.
Ano na bang nangyayari sa akin?
“Andy?”
Napatingala ako dun sa nasa harap ko at ngumiti, kahit peke.“Ikaw pala Omar.”
“bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” umiling lang ako nun tapos yumuko na ulit. Naramdaman ko namang hindi siya umalis at tumabi siya sa akin. Napatingala nalang ako kasi bigla naman siyang umakbay. “Sabihin mo, baka makatulong ako.”
Kung ganun nga sana kadali yun eh matagal ko ng ginawa, kaso nga lang…hindi eh. Napakakumplikado nito.
Tumigil narin ako sa pag-iyak pagkatapos nun. Sinamahan naman niya ako hanggang sa makarating ako sa classroom. Buti nalang talaga at walang tao nun. Uupo na sana ako nun sa may pwesto ko kaya lang hinila ni Omar yung kamay ko.
“Omar ano---?”
“Sumama ka sa akin Andy. Ngayon lang.” nanlaki yung mata ko, ano bang pinagsasabi nito?
Nakita kong dinrag niya ako papababa ng building namin. Nakasalubong pa nga namin si Kit eh, siya rin mukhang nagtataka pero hindi ko na narinig yung tanong niya dahil mabilis yung paglalakad ni Omar.
“Omar san mo ba ako dadalhin?”
Pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa makalabas na kami ng school eh hila hila parin niya ako. Pumara siya ng jeep tapos sumakay kami.
“Omar ayoko magcutting okay?”
“Tumahimik ka nalang okay.” bwisit na ito hihilahin niya ako tapos hindi man lang mageexplain sa akin kung anong nangyayari.
Umandar na yung jeep. Hawak hawak parin ni Omar yung kamay ko. Tinaasan ko nga siya ng kilay eh pero hindi niya ako pinansin. Asus, para naman makakatakas pa ako nito.
Napatingin naman ako sa relos ko, shocks bell na! Ano ba naman yan.
♪ If I could escape
And re-create a place as my own world
And I could be your favorite girl
Forever, perfectly together
Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪
Sasagutin ko na sana yung phone ko kaya lang biglang kinuha ni Omar at pinatay. Aba lokong to!
“Off-limits ang phone mo ngayon.”
“At sinong may sabi?”
“Ako.”
“Saan mo ba talaga ako dadalhin? Nakauniform pa tayo! Naku, magkakarecord tayo niyan eh!”
“Eh di magkarecord. Magkasama naman tayo eh.”
Pinalo ko siya pero hindi siya umimik. Ang tigas talaga ng ulo nitong lalaking ito! Nakakainis na ah. “Omar naman!”
“Shut up okay? Malapit na tayo.”
Kung sinasabi ba naman kasi niya sa akin kung saan kami pupunta eh di sana hindi ako nagtatatalak dito.
Ilang sandali lang eh pinara niya yung jeep tapos bumaba na kami. Muntik na nga ako madapa eh dahil sa kanya, buti nalang hindi natuloy.
“Dahan dahan nga Omar! Muntik na ako madapa dun ah!!”
“Andito na tayo.” napatingin naman ako dun sa tinuro niya at nanlaki yung mata ko.
“Carnival!?” nahihibang na ba itong lalaking to?
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
Любовные романыWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.