chapter 69

3K 17 0
                                    

“Kelangan ko nang umuwi.” yan ang pinakaunang sinabi ni Kit nung magising siya bigla. Hindi siya yung kagaya ng normal na tao na magtatanong pa kung nasaan siya at kung bakit siya naroon. Well come to think of it, hindi rin naman normal si Kit eh. he’s one extraordinary person.

“Hindi pa pwede. Ang taas taas ng lagnat mo.” sabi ko naman sa kanya tapos tinulak ko siya pahiga. Hindi naman siya nakaimik kasi mahina pa yung katawan niya nung mga oras na iyon. 

“Anong Oras na?” sabi niya bago niya inumin yung inabot kong gamot.

“8 palang ng gabi. 2 hours ka palang natutulog.”

Tumingin lang siya sa akin nun na para bang may kakaiba sa akin. Meron nga ba?

“Bakit ganyan tingin mo?”

“Bakit mo ako inalagaan?” Sabi niya na nakakunot pa yung noo. Ano bang klaseng tanong yan?

“Obligasyon kita Kit. Ako yung huling kasama mo bago may mangyari sa iyo. Malamang ako yung masisisi.” at sa hindi ko malamang dahilan eh bigla siyang tumawa. May topak ba itong lalaking ito o baka eto lang epekto kapag nababasa siya?

“Asan sina tita?”

“Wala pa nga eh. baka daw gabihin sila. Dito na raw kita patulugin dahil yung parents mo eh wala rin sa bahay niyo. Yung ate mo naman eh hindi ka pwedeng sunduin dahil nasa manila pa raw siya.”

“Yung driver?”

“Kasama nung parents mo.” ang weird ng feeling ko bigla. Para bang wala man lang nangyari sa aming kung ano. Parang, back to normal. Nung nagsisimula palang kaming makilala ang isa’t isa.  Sana nga ganoon nalang.

Humiga lang siya ulit nun tapos tuming rin sa paligid niya. Ewan ko ba kung anong pinaghahanap nitong lalaking ito sa kwarto ko. Ano kayang problema nito?

“Magulo parin kwarto mo. Burara ka parin.”

Pinalo ko naman siya nun. Ang sama nito!

“Oo na. hindi kasi ako OC katulad mo no.”

Ngumiti lang siya nun tapos ako rin. Hay, ang tagal ko ring hindi ngumingiti ng ganito. “Andy,”

Tinignan ko lang siya nun. Yung mukha niya eh seryosong seryoso.

“Did you really want to say goodbye?”

Nagulat ako sa tinanong niya. Hindi ko nga alam yung sasabihin ko eh. nahihiya naman akong sabihin na no kasi baka isipin niya eh baliw ako at bakit ko pa ginawa yun. 

“Maybe. Ewan ko, naguguluhan rin ako eh.”

“I didn’t.”

Napatingin lang ako sa kanya nun. Bakit siya pumayag?

“Siguro, we can still be…good friends. Ang awkward kasi kapag nag-iiwasan tayo.”

“Ikaw naman ang unang umiwas eh.”

Yeah, totoo yun. Ako nga. Tanga kasi ako eh. 

Bumaba naman ako nun para kumuha ng makakain niya. Nagutom na kasi ang mahal na prinsipe. Paano ko nalaman? Kumulo yung tiyan niya. Harhar, akala niya ako lang ang nagaganun? Siya rin pala eh! 

pagkabalik ko sa taas eh laking inis ko lang kasi si Mr. Kit Tasello ay tinulugan ako. 

Nilapag ko nalang sa may desk ko yung pagkain niya. Bahala na siyang kumain niyan kapag magising siya. Lumabas naman na ako ng kwarto pagkatapos nun, well after kong patayin yung ilaw at nagglance for the last time that day kay Kit. 

Dun lang ako sa kwarto nina mama natulog. May sofabed kasi sila dun eh kaya dun nalang ako pumuwesto. Bago naman ako matulog eh napangiti lang ako sa mga nangyayari. 

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon