chapter 49

3K 21 0
                                    

“Oh hija! Hijo, andiyan na pala kayo. Pasok. Dali, nagkakainan na kami.” yan ang bati sa amin ni Kit nung mama niya pagkapasok na pagkapasok palang namin. 

Pansin mo kaagad kapag tumuntong ka sa bahay nila yung Christmas Spirit. Well decorated yung bahay nila tapos may maririnig ka pang music na tumutugtog. Ang saya nila, well, maliban nalang sa katabi kong KJ.

Lumapit naman kami dun sa table tapos nakikain narin. Ang sarap nga ng handa eh. May mga menudo, kare kare, chicken, baked mac, fruit salad, basta lahat ng masasarap hinanda na nila. Kumpleto hanggang desert. Naku, mukhang tataba yata ako nito ah. Yaan mo na, minsan minsan lang naman sumapit ang Pasko eh. Harhar.

Pagkatapos naman ng kainan, bigayan na ng mga regalo. Ang kulet nga eh, kelangan pa talagang umupo sa gitna tapos dun mo bubuksan regalo mo. Para bang nung mga bata kayo, minus nga lang yung iiyak ka kapag hindi ka nakatanggap ng barbie o kaya naman ninja turtle na action figure. 

“Oh, pinakabata mauuna! Herc, come to the “hot” seat.”pasaway talaga na magulang itong mga to oh.

Marami rami rin natanggap si Herc. Syempre, hindi pa kasama dun yung galing sa mga relatives namin. Bukas pa siguro kami makikicelebrate sa mga yun eh. Anyway, nakatanggap naman siya ng bala ng gameboy mula kina mama. 

Naku, panigurado hindi na matutulog yan. 

At ayun, halos lahat kami bigay bala ng gameboy. Yun naman kasi pinakagusto niya eh. 

Sumunod naman, wa! Ako na pala! Puro envelope lang saka isang shirt mula kay ate Cass ang natanggap ko. Syempre, diba nga ang sabi nila, kapag tumatanda ka hindi na laruan nakukuha mo kung di pera na. Heheh.

Napansin ko naman na hindi nag-abot ng gift si Kit. Not that I’m expecting something pero…hay, nagpakahirap akong maghanap ng para sa kanya tapos siya…wag na nga. 

Sumunod sa hot seat si Kit. Gaya nung akin, halos ganun rin mga natanggap niya. Syempre, yung akin, kahit ayaw (jokes!), binigay ko yung gift ko. Binulsa nga lang niya yung regalo ko eh. Hindi man lang binuksan. Hmf, ang sama talaga nito. 

Nyay, anu ba yan, ang childish ko naman yata. 

Mga 11 na nung nalow-batt na kaming lahat. Dito na kami pinatulog nina Tita Kris kasi delikado nang umuwi pa. nakainom pa naman si Papa at yung driver namin eh umuwi at nagcelebrate din ng pasko kasama ng pamilya niya. 

Dun ako pinagstay sa dating kwarto ni Kleo. At first nga eh, akala ko aapela si Kit, hindi naman pala. Syempre, bago ako matulog nagpunta muna ako ng banyo tapos naligo. Humiram narin ako ng damit kay ate Karla kasi wala naman akong nadala.

“Huh? Kanino galing ito?” nagulat talaga ako kasi kanina wala naman yang box na yan eh. Tinignan ko naman yung post-it na nakalagay dun sa likod nun tapos binasa.

Stripes,
Merry X-mas & a Happy New Year
Isuot mo kung gusto mo.
Itapon mo kung ayaw mo.
Basta wag mo lang ito ipamigaysa kahit kanino.
Kit


Wow, akala ko pa naman kanina wala siyang balak na bigyan ako ng regalo. Binuksan ko naman kaagad yung regalo tapos napanganga pa ako dun sa binigay niya. 

He gave me a ring?


*****



“Ate gising na! pinapagising ka na nina Mama! Dali! May kelangan pa daw pag-usapan!” bwisit naman na Herc to oh! Anong oras lang ba?

Tumingin ako sa side table, 7?! Tumayo na ako nun. Nakina Kit parin pala ako no? humikab naman ako nun at syempre, nagtanggal ng morning glory. Agad ko naman nakita yung singsing na suot ko. 

Oo nga pala, bigay nga pala ito ni Kit.

Tumayo na ako nun at naghilamos at nagtoothbrush. Hindi na ako nakaligo kasi wala naman akong pamalit. Pagkababa ko eh nandoon na sina Kit, tita Kris, tito Oliver, mama at papa. This is it. 

Umupo ako dun sa katapat na pwesto ni Kit tapos nag good morning lang kina tita at mama. 

“I think maliwanag narin sa inyo kung bakit namin kayo kakausapin ngayon.” tumango lang kami pareho tapos nun eh nagcontinue na si mama. “Gusto lang namin kayong bigyan ng freedom of choice kaya ginagawa namin ito. Walang maling sagot. Kung anong talagang gusto niyo eh yun nalang ang sundin niyo okay?” 

“Separate namin kayong kakausapin para naman fair. Baka kasi yung isa eh sasang-ayon lang dun sa sasabihin ng kabila.”this time si Tita Kris naman yung nagsalita.

Humiwalay na kami tapos nun eh dinala ako nina mama sa may living room at si Kit naman dun sa kitchen yata nila. Pinaupo ako nina mama sa may sofa tapos tumingin sa akin ng seryoso.

“Anong gusto mong gawin Andy?” 

Kapag seryoso sila, seryoso talaga sila. Minsan nga nakakatakot na eh. Take now for example. “Umm…”

Sinabi ko naman sa kanila yung decision ko tapos tumango lang. Ilang minutes ang nakalipas eh bumalik na kami sa dining table nila. Nagkatinginan yung parents namin tapos nagngitian.

“Mission accomplished mare.” 

At ayun, sinabi nila na tuloy na daw yung “engagement”. Lumabas naman ako tapos dumiretso lang dun sa garden nina Kit. May swing dun kaya umupo ako dun para magliwaliw. Nagulat pa nga ako ng makita kong umupo sa katabing swing ko si Kit. 

“Bakit ka pumayag?”

Tinignan ko naman siya at tinaasan ng kilay. Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sa kanya? “I have my reasons. Ikaw?”

“Same.” at ayun, natahimik na kami. 

Ano na kayang mangyayari ngayon? Paano na si Kat? Paano kung malaman niya yung tungkol sa 100 days condition namin? Paano kung malaman niyang magpupush through ang arrangement? Hay, napakaraming problema. Nakakafrustrate naman ito.

Andy naman kasi eh, bakit hindi ka kasi mag-isip muna bago gumawa ng mga desisyon? Ngayon, ayan tuloy hirap na hirap ka. Hay, ano ba ang talagang mas gusto mo? Gusto mo bang magkasama sina Kat at Kit o mas gusto mong maging masaya kasama si Kit? Yun lang naman talaga yun eh. Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. 

Napabuntong hininga naman ako tapos tumingin lang sa kung saan saan. Naguguluhan na talaga ako. Alin ba talaga ang mas gusto ko sa dalawa? Alin ba ang mas matimbang? 

Si Kit at Kat? O Kami? 

Kung si Kit at Kat, natural magiging mas masaya si Kit. Sinabi na naman niya dati eh, si Kat ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. So parang umeextra lang ako sa ginagawa kong ito.

Kapag kami naman ang pinili ko, hay, sarili ko lang kasiyahan ang iniintindi ko. Hindi naman ako ganoong tao. 

ARGH!! Ano ba talagang mas matimbang?! Nakakaasar na ah! 

Nagkamot ako ng uli dala narin ng pagkayamot ko. Nakakabwiset kasi eh. Halata mo na ngang nagulat si Kit sa kinikilos ko eh. Akala siguro nababaliw na ako. Hmf, bahala siya sa buhay niya.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Kit, mukhang papasok na siya kaya hindi ko nalang tinignan.

“Andy...”

Tumingin ako sa kanya tapos nagtaas lang ng kilay. Grabe ah, ang tagal naman niya magsalita. Ano ba ito, nag-iisip o talagang nang-iirita lang?

“Bakit?”

Aba, at tama daw bang titigan lang niya ako?

“May sasabihin ka ba o wala?”

Inerapan ko siya nung hindi naman siya nagsalita. Hmf, nang-aaksaya ng oras. Tumingin ulit ako sa kabilang side tapos nun eh nagmuni muni na. 

“Andy...”

Ugh, ayan na naman siya eh. Hindi ko siya tinignan kasi alam kong nang-aasar lang yan. Narinig ko naman na naglakad siya tapos nakahinga narin ako ng malalim.












































*Tsup*



































“Thanks...”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon