Nakapagpahinga ako ng maayos nun at syempre hindi ko na sinuway si Mr. SC President. Kaya nga ba nakapasok na ako ngayon eh. Syempre ayoko yatang mamiss ang first day ng Halloween Festival namin no! Kung nakikita niyo lang sana, grabe sobrang bongga nung school namin ngayon. Ang daming designs saka mga booths sa tabi tabi! Tapos yung food street sobrang daming food! Well since natuto na ako sa nangyari kahapon, hindi muna ako masyado kumain, syempre nakakahiya kung sa school pa mangyari sa akin yun diba?
Gaya ng napagplanuhan namin ni Omar, kinausap namin si Coach Vicedo at nagvolunteer para sa pagbabantay sa booth ngayon. Pareho nga kaming na-assign ni Omar na taga ligpit sa mga mapapag-iwanan ng mga customer eh.
Nung umaga eh nagkaroon muna ng parang parade sa labas ng school namin. May mga assigned kasi sa elementary na magdress up ng costume tapos magkakaroon ng contest para sa best in costume. Natawa pa nga ako nun makita ko si Herc na nakapang Hercules eh. Hindi ko na siya inasar pa kasi alam ko naman na hiyang hiya na siya sa ginagawa niya.
After naman ng parade eh official na in-open ng may-ari ng school yung Festival Kaya kaming nasa high school department eh punta kaagad sa aming mga booths.
“Hoy Andy! Andito kami ah! Baka sabihin mo di namin support itong booth mo!” ngumiti lang naman ako kina Cheeky. For sure naman maeenjoy nila yan.
Nung nareach na namin yung maximum number of players eh sinara na namin yung gate tapos nagsimula na yung game. Tuwang tuwa nga ako sa kakapanood sa kanila eh. Si Cheeky grabe, feeling ko wala pang Wednesday eh ubos na yung boses. Paano, kung makatili eh parang wala ng bukas.
*SPLAT!*
“UGH! VINCEEEEEEEEEE!!!!” tama bang pati staff the booth eh isama?!
Pagtingin ko sa mga kabarkada ko eh lahat sila nakaready na ibato sa akin yung paintball, ano pa bang magagawa ko? Eh di ayun! Nagtatakbo ako! Pambihira yan! Maglilinis na nga ako mamaya eh papagurin pa ako ngayon! Hmf!
Tuwang tuwa yung unang batch na nagtry. May mga umulit pa nga eh kaya masaya rin kami. Binibigyan kasi ng prize ang best booth/activity tuwing last day ng Halloween Festival namin. Hindi naman ako umaasa na sa amin yun kasi for sure na makukuha yun ng either Haunted Hause, Halloween Play o kaya yung Alice in Wonderland. Pero syempre, nakakatuwa narin isipin na maraming nasisiyahan sa booth namin. Okay na yun para sa akin.
Nung lunch time eh sabay kami ni Omar na pumunta sa food street. Bibili lang kasi kami tapos kelangan na ulit bumalik.
“Andy tignan mo oh!” sabay turo dun sa kabilang side ng food street.
Aba, sina Myka at Kit yun ah! Hmm! Ayos to! Kahit na hindi pa kami gumagawa ng step para sa match making eh may progress na kaagad! Nice!
“Eh parang hindi naman yata tayo kelangan eh.” sabi ko ng pabiro kay Omar tapos siya eh natawa lang rin. Pagtapos naming bumili ng pagkain eh bumalik na ulit kami sa booth namin.
Sobrang busy ng booth namin hanggang hapon. Akala ko nga hindi na mauubos yung tao eh. Buti nalang by 5:30 eh nagsiuwian na yung mga tao. Dapat lang no! Ano yan, 24 hours ang booth namin? Naku, asa pa.
Nakauwi na ako nun ng mga 6:30 kasi naglinis pa kami ni Omar. Hay, buti nalang bukas eh libre na ako! Good luck nalang sa mga ka-varsity ko na turn bukas. Mwahahaha!
Bagsak ako sa sofa namin nung dumating ako. Grabe, ang sakit ng likod ko.
“Home Sweet Home.”
“Bakit mukha ka yatang sinagasaan ng limang elepante?”
Minulat ko yung mata ko tapos nakita ko si Kit na sobrang lapit sa akin. Hindi ko na nakayanan na masyadong magreact kasi sobrang pagod ko talaga. Feeling ko tuloy anytime eh makakatulog ako.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.