We really can't please everyone. Pero iba pa rin talaga sa feeling kapag nakakabasa ka ng mga ganoong comments. Haay...
Kung napangitan man kayo sa bawat chapters ng mga kwentong gingawa ko, I respect that. Kanya-kanya tayo ng standards, eh. Kung anong maganda sa akin maaring hindi para sainyo.
I am just a beginner trying to write. Not a professional writer. And I am trying to improve my writing skills. Pwede kayong magsuggest kung paano ko maiimprove ang sarili ko sa pagsusulat but please do it in a nice way.
If I don't meet your standards or ayaw niyo sa isinulat ko, it's okay. I understand :) Hindi ko naman kayo pinipigilang itigil ang pagbabasa o pinipilit na tapusin ang kwento ko. Hindi ko lang kasi napigilang ilabas ang nararamdaman ko. Hahaha
Kung hindi lang talaga dahil sa mas maraming magagandang feedback, naku matagal ko nang tinigil to. Salamat sa mga nakakaappreciate! Muah!
Enjoy reading na nga lang :) ang dami ko na namang dinadaldal. Thank you!
Unedited.
Nasa loob ako ng office cubicle sa opisina. I was checking all the financial statements for the third quarter dahil magsa-submit kami ng interim financial statements sa susunod na linggo.
Napaangat ang tingin ko mula sa computer monitor ng may kumatok sa aking cubicle. Si Nessa, isa ring accountant, ang nakita ko.
"Saccharine, tumawag ang secretary ni Sir Dominic. Pinapatawag ka sa opisina niya." ang sabi nito.
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi sumagot. Bakit naman ako ipapatawag ni boss? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko nga siya nilalapitan, eh.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan," sabi niya. "Alam kong man hater ka pero si Sir na ang nagpapatawag sayo kaya wala kang magagawa. Baka gusto mong mawalan ng trabaho?"
Kinunotan ko lang siya ng noo ngunit tumayo na rin. Salubong pa rin ang aking mga kilay sa pagtataka kung bakit ako ipapatawag ng presidente ng kompanya.
As far as I am concerned, wala naman akong nava-violate na company rules. Palagi akong on time pumasok at umuwi, minsan nga ay overtime pa. Nag-aabsent lang ako kapag malala na ang sakit na nararamdaman ko kapag nagkakasakit ako. I am meeting deadlines, too. I have never been sanctioned. So, why?
Baka nalaman niyang man hater ka, ang sabi ng isang bahagi ng isip ko.
I just shrugged with that thought. Wala naman sigurong pakialam si Sir kung man hater man ako o hindi dahil may fiancee naman na siya at hindi naman niya ako kilala.
Nang makarating sa helera ng tatlong elevator sa floor namin, agad akong dumiretso sa ikalawang lift at saka pinindot ang up button.
Nang bumukas ang lift, sinilip ko muna kung may lalaki ba sa loob. And thankfully wala naman kaya pumasok na ako at pinindot ang top floor kung nasaan ang opisina ni Sir Dominic.
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...