Unedited.
I sighed as I looked at the tall building in front of me. Kasabay nito ay ang panunumbalik ng ngitngit ko sa lalaking may-ari ng pesteng kompanyang ito.
Humanda ka sa akin, Zaccheus Villamonte. Sana may life plan ka na.
Naglakad na ako palapit sa naturang gusali. Gaya ng parating nangyayari, pinigilan ako ng guard na makapasok.
"Saan po sila, Ma'am?" tanong nito.
"Sa labas, manong. Papunta ako sa labas kaya papasok ako." naiinis na sagot ko.
Alam kong mali. Pero naiinis ako ngayong araw kaya malas na lang lahat ng taong kakausap sa akin.
Nainis din ata si manong kaya kumunot ang kaniyang noo. "Please lang, Ma'am. Saan ho pupunta?"
I sighed as I tried to calm myself. "Magtatrabaho po, Manong. Dahil ang walang hiyang amo niyo ho ay hindi na ako binigyan ng choice." Ipinakita ko naman ang aking I.D sa kaniya. "Saccharine Aragon po ang pangalan ko."
Hindi na niya tiningnan pa ang I.D ko at kinuha kaagad ang kaniyang walkie talkie. "Sa main entrance to. Nandito na si Ms. Aragon."
Nagtatakang tiningnan ko lang si manong guard habang nagraradyo sa mga kasama niya. Lalo pa akong nagtaka ng marinig ko mula sa kausap na hintayin ko raw sila sa entrance.
"Pakihintay na lamang po sila, Ma'am." baling sa akin ng gwardiya.
Nagtataka man ay naghintay na rin ako dahil no choice naman, di ba? Nagulat na lamang ako dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay may palapit na sa aking isang babae at limang gwardiya na nasa likuran niya.
Napaatras ako.
"Miss Aragon?" the woman asked as she stopped in front of me.
"Yes, that's me." I answered.
She smiled a little as she extended her hand in front. "Good morning. I am Bettina Cruz, Mr. Villamonte's secretary."
Sa pagkakarinig ng apelyidong iyon ay muling kumulo ang aking dugo. But I controlled my temper. I am saving it for later, kapag magkaharap na kami.
I shook my hand with her. "Saccharine Aragon."
"Please follow me, Ms. Aragon."
Pagkatalikod niya ay agad naman akong sumunod. Ang nakakailang lang ay sumunod din sa aming likuran ang limang gwardiya. Pilit ko tuloy binibilisan ang paglalakad.
Nang papasok na sana kami sa elevator ay tumigil ako. Binalingan ko ang limang gwardiyang nakasunod sa amin.
"Mawalang galang na ho pero bakit ho kayo sumusunod?" tanong ko.
"It's Mr. Villamonte's order, Ms. Aragon. They have to escort us until his office." sagot nt sekretarya.
I turned to her frowning. "Bakit? At saka dapat sa HR muna ako pupunta, di ba? For an interview or anything?"
Bettina smiled again. "It was Mr. Villamonte's orders, Ms. Aragon. I think he will be the one to answer your questions. So, shall we?"
"Wait lang," pigil ko. "Kasama talaga sila?" She nodded. "Hindi sa pag-iinarte but I am not really comfortable around men, Ms. Cruz. Pwedeng wag na lang silang sumama?"
Halatang nagdalawang isip pa si Bettina at lumingon pa sa mga gwardiya bago ngumiting muli at tumango. "Okay. Go now, gentlemen. We can do it here. Thank you."
Agad akong pumasok sa loob kasunod ni Bettina. She pressed the top floor button. We were silent along the ride but when we were on the tenth floor, she spoke.
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...