Unedited.
Gaya ng dati ay nakaupo lang ako sa opisina ko habang nakikipag-usap sa mga particles sa hangin.
Wala na naman kasi akong magawa. Bettina refused to give me something to do dahil kaya niya pa raw.
Nababagot na pinaglaruan ko na lamang ang laptop ko. Kung nasa RGC lang ako ngayon, kanina pa ako busy at walang pakialam sa mundo.
Dahil tinatamad akong magbukas ng Facebook, ang homepage na lamang ang pinagdiskitahan ko. Si Google.
Pero wala rin naman akong maisip na i-search kaya I trusted my hands. I typed on the search box and clicked Images.
"What the heck?!" naibulalas ko ng makita ng lumabas na pictures. "Shit!"
Tiningnan kong muli ang search box para alamin ang na-type ko ngunit mas nagulat ako sa nabasa: Zaccheus Villamonte.
Bakit pangalan niya ang itinype ng mga kamay ko? Anong nangyari?
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa pangalan niya. Napalunok pa ako sa hindi ko malamang kadahilanan. At ipinagtataka ko pa kung bakit hindi ko maramdaman ang pagkaasiwa o galit at poot ko sa mga kalalakihan habang nakatingin sa mga litratong lumabas.
Parang may sariling isip ang mga kamay ko na dahan-dahang iniscroll pababa ang webpage. Napanganga pa ata ako sa mga nakikita kong litrato niya.
Nabalik lang ako sa tamang pag-iisip ng makita ang mga litratong sumunod. Iba't ibang babae ang kasama niya sa litrato at lahat sila magaganda.
Bumangon ang inis na nararamdaman ko at parang gusto kong hilahin isa-isa ang mga babaeng iyon palabas sa screen at pagsasabunutan a g mga kilay nila.
Sa sobrang diin ata ng pagkakascroll ko ay aksidente kong napindot ang isang litrato kaya lumaki ito.
Ilang minuto akong nakatitig sa litratong yon bago napangiti ng mapait.
"Sinasabi ko na nga ba." Napailing-iling pa ako.
Schirina Serano. Ang babaeng anghel na bumaba mula sa langit. Sayang lang kung iiyak ito dahil sa lalaking iyon.
Naalala ko tuloy ang naabutan ko kahapon. Hihingi na naman sana ako ng gagawin ng mabungaran ko ang eksena nila. At alam niyo pa ang nakapagtataka? Mas mabigat sa dibib ang nakikita kong closeness nila kesa sa makita siya sa hindi kaaya-ayang pagkakataon.
Ipinilig ko ang aking ulo para palinawin ang nanlalabo kong utak.
"You hate men, Saccharine. You hate men. Wala lang yang nararamdaman mo, okay? Wala lang yan." pagkokonsola ko sa aking sarili.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong nawawalan ng ginagawa, eh dahil marami akong naiisip na kung ano-ano.
I exited the page and closed my laptop. Napayukyok ako sa aking mesa dahil sa kawalan ng magagawa.
"Hey, beautiful!"
Napaayos ako ng upo sa gulat. Salubong ang mga kilay na tiningnan ko si bossing habang paupo siya sa upuan sa harapan ng mesa ko.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakangiti lang siya sa akin. Dumadagundong na naman tuloy ang dibdib ko.
But he looks more handsome in person than in pictures.
Agad akong napailing sa naisip. Saan galing ang kabaliwang iyon? Hanep talaga!
I heard him chuckle kaya tiningnan ko siyang muli. He looks amused while looking at me. "What?"
"What are you doing?" natatawang tanong niya. "Para kang baliw."
Inirapan ko siya. "Ganito talaga ang nangyayari kapag walang trabahong ibibibigay sayo ang boss mo sa loob ng mahigit isang linggo."
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...