GINEBRA! GINEBRA! GINEBRA! GINEBRA! Hahaha Ginebra for 2017 Philippine Cup Champions :) Haha Excited lang naman.
Unedited
Saccharine
Kagaya kahapon ay sinundo akong muli ni bossing sa bahay. At kagaya rin kahapon ay sabay kaming kumain ng agahan. Ang kaibahan lang ay ako ang nagluto ng kinain namin at doon na kami sa apartment nag-agahan. Ayokong gumastos pa siya ng agahan namin na pwede naman akong magluto.
Ngayon nga ay nasa kani-kaniyang opisina na kami. Siya ay abala sa pagpirna at pag-aaral sa kung ano-anong papeles habang ako naman ay abala sa pag-audit ng financial statements para sa quarter na ito.
Tutok na tutok ako sa aking ginagawa kaya hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si bossing. Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ko pa siya mapapansin.
"Bossing."
"Hi, lunch time na." nakangiting sabi niya.
"Ha?" Nabigla pa ako ng makitang lampas alas dose na pala. "Hindi ko namalayan ang oras."
"Let's eat, ganda." nakangiti pa ring yata niya sa akin.
"Sige. Mag-aayos lang ako ng gamit."
Tinulungan naman niya ako sa pag-aayos ng mga nakapatong na papel at saka ko kinuha ang bag ko. Nabigla ako sa pagbilis ng tibok ng puso ko nh hawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya at nakangiti siyang nakatunghay sa akin.
"Para sweet lang." natatawang sabi niya.
Binigyan ko lamang siya ng isang tipid na ngiti ngunit hindi na inalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin. Bakit pa eh gusto ko naman ang pakiramdam ng pagkakahugpong ng aming mga kamay namin at pati puso ko sang-ayon sa isip ko.
Habang nasa elevator ay tahimik lamang kami ngunit hindi naman nakakailang. It was a comfortable silence actually.
Pagkalabas namin sa elevator, natulala ang mga emplayadong nandoon sa lobby. Lahat sila ay nakamaang sa amin at tila hindi makapaniwalang nakikita kaming dalawa na magkahawak-kamay.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa pagtitig nila sa amin kaya naman napasiksik ako ng kaunti sa likuran ni bossing. Nagtatakang nilingon naman niya ako at nginitian ko lamang siya. Kunot-noong tumingin siya sa paligid maya naman sabay-sabay na nag-iwas ng tingin ang mga tao. Nakahinga ako ng maluwag.
Mabilis na naglakad kami palabas papunta sa parking area kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse bago siya tumungo sa kabila at sumakay.
"Is Schulaika's okay with you?" tanong niya habang pinapaandar ang sasakyan.
"Yes. Okay na okay. Masarap kaya sa Schulaika's." sagot ko naman.
"Schulaika's, here we come!" Natawa naman ako ng bahagya sa paraan ng pagkakasabi niya. "But I have to warn you, ganda."
"Hmm?"
"Bawal magmura roon. May penalty. Nagiging triple ang babayaran mo kapag nagmura ka ng isang beses. Ang malupet, kung ilan ang mura mo, ganoon din kalaki ang babayaran mo. Kung naka-sampung mura ka, tatlumpung beses ang laki na babayaran mo." nakasimangot na sabi niya. "Naubos ang laman ng bulsa ko nung isang beses na kumain kami roon nina Greg. Tsk." Halatang inis na inis siya habang inaalala iyon kaya mahina akong natawa. "Kaya ikaw ganda, wag kang magmumura roon, ha?"
"So ano, pagbabayarin mo ako?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Hindi, ah!" tanggi naman niya agaf. "Siyempre ako ang magbabayad. Bakit naman kita pagbabayarin ng date natin?"
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...