CHAPTER 48

57.9K 1.2K 5
                                    

Binasa ko mula umpisa ang kwentong ito. And man, may isang scene na hindi tugma! Haha Lulusutan ko pa tuloy yun! Tsk. Bakit ba hindi ko naisip na contradicting yun?

Unedited

I was seating beside his hospital bed tracing his arm lightly with my finger. His eyes were still close; he hasn't opened them still.

I sighed. It has been a day since he had undergone the operation. And I am being anxious if he will wake up in time or not. I don't want him to be declared in coma.

"Bossing, wake up. Open your eyes and talk to me." I said softly. "Please, gusto na kitang makita. May sasabihin pa ako sayo. Plus, you promised me you'll come back. Hindi mo na nga natupad yung safe. Pero sana naman yung babalik ka tuparin mo."

Wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya. He still remained there motionless.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ay napalingon ako roon. I returned her smile as she walked towards me.

"Hi, Sacchy." she greeted. "How is he?"

I sighed as I gave her a weak smile. "Still pretending to be sleeping beauty."

Schirina chuckled. "Alam mo namang GGSS yang pinsan ko. Baka halik mo lang ang katapat niyan, gigising na yan."

"True love's kiss?" natatawang biro ko.

"Yes. I bet it will work." natatawa ring sabi niya. "Nagpahinga ka na ba?"

"Oo naman. Natulog na ako ng isang oras."

"Isang oras lang? Kumain ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi pa. Baka kasi gumising na si bossing. I want to see him when he opened his eyes."

"Saccharine, magpahinga at kumain ka naman." sabi niya. "Baka mainis sa amin si Zacchy kapag nakitang namayat."

"I'm okay. I'll be fine if he wakes up."

Bumuntong hininga na lamang si Schirina at hindi na nangulit pa. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa lalaking nakahiga pa rin sa kama. Naramdaman ko na naman ang kirot at bigat sa aking dibdib.

If it wasn't for me, he will not be here.

Naagaw na naman ang atensyon ko ng pagbukas ng pintuan. Isang may edad na babae't lalaki ang nakatayo roon. Hilam sa mga luha ang mga mata ng babae habang nakatingin sa may kama. Nakaalalay naman sa kaniya ng kasamang lalaki na halata rin ang pag-aalala sa mukha.

They both look sophisticated and rich. But the reason why my heart thumped nervously was because I've seen my bossing's features from both of them. Mahahalata mo ang pagkakahawig nila, although lamang ang pagkakamukha ni Zach sa lalaking may edad.

Napasinghap ako sa naisip. Maaaring sila ang...

Nabaling ang tingin ko kay Schirina ng salubungin niya ang bagong dating.

"Aunt Elisse, Uncle Zach." bati nito sa mga bagong dating.

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa katabi ng kama ni Zach at humakbang ng ilan palayo. Bigla akong kinabahan sa presensya ng dalawa.

"My son. What happened to my son, Schirina?" umiiyak na hagulhol ng ginang habang nakayakap kay Schirina.

Kahit na may hinala na ako kung sino sila ay hindi ko pa rin naiwasang matakot sa narinig. Kumpirmadong mga magulang nga ni Zach ang mga bagong dating. Hindi ko naiwasang muling mapalayo sa kama ni Zach.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon