CHAPTER 5

76.2K 1.4K 53
                                    

Is misandry a bad thing or not?

Unedited.

Pabagsak na naupo ako sa sofa pagkarating ko sa aking apartment. I felt so drained all of the sudden. Having an encounter with a man is tiring, how much more two?

Nakapikit na isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa. I tried to not think too much but... that guy really pops into my mind. Nakakainis na, ah! Nanandya ba siya? And I don't even remember his name. Ano ba pangalan nun?

Nevermind. Mas maganda na ngang hindi ko malaman ang pangalan niya. Grabe, ang taas ng tingin sa sarili. Huh, akala kasi ng mga lalaki lahat ng babae madadaan nila sa pacharm-charm, pagpapa-cute, pagpapa-impress. Naku, hindi lahat ng babae makukuha nila. Lalo na yung mga babaeng may masamang pinagdaanan sa kamay ng mga lalaking yan.

They say that not all men are like what I think they are. I know that. But they are either taken, changed, or yet to be born. Finding someone faithful and loyal nowadays is as hard as reaching the bottom of the Pacific Ocean. Maswerte ka kung makakahanap ka ng lalaking hindi ka sasaktan at mas uunahin ang kapakanan mo kesa sa nararamdaman niya. The one who will understand you and wouldn't hurt you intentionally.

Isa kang napakaswerteng babae kung makakahanp ka ng ganoong lalaki.

Because once you experience something bad in the hands of the people you thought will never hurt you, your guards would be up and you will definitely have trust issues. Is it wrong to be this way? Is misandry a bad thing? Is it wrong to guard myself again from the pain I wish I never had experienced?

Sa malalim na pag-iisip ay hindi ko naiwasang balikan ang nangyari sa nakaraan...

I was in my third year in college when I met Jake Marasigan. He was an engineering student in the school I am in. Naging kaklase ko siya sa isang minor subject na pre-requisite pareho ng course namin.

First meeting namin sa subject na ito. As usual, I was with my blockmates and at the same time my friends as well at nagdadaldalan kami. We were actually laughing aloud when a group of  boys entered the room. As a natural reaction, napalingon kaming lahat sa pumasok. Mga lima siguro sila.

Siyempre, nagtaka kami dahil nga sa block section kami at  kung magkakaroon man kami ng bagong kaklase ay sa course or sa depeartment lang naman namin. But these new comers were neither those. Ngayon lang namin sila nakita kaya nagtataka kami. Plus the fact na kakaunti lang ang lalaking nagte-take ng Accountancy course sa school namin.

Naupo ang lima sa likuran lang nang kinauupuan naming row.

"Sino kaya sila?"  tanong nung isa kong kaibigan.

"Bakit hindi mo tanungin?" sagot naman nung isa.

"Wag na, uy!" tanggi naman nito. "Baka mamaya isip nila, may gusto ako sa kanila. Ganon pa naman mag-isip ang mga lalaki. Tanungin mo lang ang pangalan, iisipin interesado ka sa kanila."

Natawa na lamang kami sa sinabi niya. Well, ganiyan talaga siya. Minsan hindi nga namin maintindihan kung may gusto nga ba siya sa isang lalaki o wala. May tama rin kasi sa tuktok tong babaeng to.

Nagpatuloy na lamang kami sa pag-uusap ng kunga ano-ano. Nagtatawanan kami saka nagbibiruan. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay napalingon ako sa mga likuran at nagtama ang tingin namin ng isa sa mga lalaking nakaupo roon.

His friends were joking around but he was looking at me. Nabigla ako at bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako. He had this rugged but soft look that made him manly. Sa sobrang pagkataranta, napaayos ako ng upo at pilit pinapakalma ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon