CHAPTER 13

72.2K 1.5K 70
                                    

This might be boring dahil ilang araw akong walang updae at puro lectures ang kaharap. Parang nagmalfunction ang utak ko, eh.

Pasensya na sa paghihintay.

NAKALIMUTAN KO!

Unedited.

Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakahalukipkip ang mga kamay sa aking dibdib.

Ika-limang araw ko na sa bagong trabaho kong wala naman akong ginagawa maghapon kundi ang makipagtitigan sa mga alikabok na nagkalat sa opisina.

"Wag ka ngang sumimangot, brad!" saway ni Meana sa akin na kaharap ko ngayon. "You are attracting bad energy here! Paano ako lalapitan ni Martin babes ko?"

Inirapan ko siya. "Wag mong pakialaman ang mukha ko dahil mas maganda pa rin ako saiyo. At kahit anong gawin mo, hindi talaga lalapit sayo yang kinababaliwan mo!"

Siya naman ngayon ang sumimangot. "Panira ka talaga sa kasiyahan ng iba! Support-support din pag may time, bes!"

"May hangganan ang suportang ibibigay mo sa kaibigan mo. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong kunsintihin ang mga gusto niya. You should also limit your friend." ang sabi ko.

Napanguso na naman siya. "Ito naman. Support na nga lang hinihingi ko, ang dami pang sinabi. Pwede namang sabihin mo na lang na ayaw mo."

"Eh di, ayoko." mabilis na sabi ko.

Lalo lamang siyang napanguso sa bilis ng pagtanggi ko. Napairap na lang tuloy ako. Ang drama, grabe.

Ano bang nagustuhan niya sa lalaking yon? Kakikilala niya pa lang, sasabihin niya na agad na gusto na niya?

Ang mga bagay na pilit, hindi masarap. Kapag hindi mo kinilala ang tao, maari kang matanso. Dahil kung sugod ka lang ng sugod, sa huli ikaw lang din ang masusugatan sa iyong katangahan.

Hindi minamadali ang mga bagay dahil palaging nasa huli ang pagsisisi; wala sa unahan o sa gitna.

And once you regret, it will all be too late. Kaya bago gumawa ng aksyon at desisyon, pakaisipin munang mabuti at alamin muna kung ano-ano ang maaaring maging epekto nito saiyo in a long run.

Wag padalos-dalos. Don't depend on "the spur of the moment" decision dahil madalas yan ang magpapahamak saiyo.

"Kung ano-ano na naman yang pinagsasasabi mo diyan," nakasimangot na sabi ni Meana. "Naghahasik ka na naman ng kung ano-ano."

"I am giving an advice and a sort of a warning, Meana." nakataas ang kilay na sabi ko. "And there's nothing wrong with that."

Bumukas ang labi niya para sana magsalita ng may tumawag sa pangalan ko. Halos sabay pa kaming lumingon sa pinanggalingan niyon.

"Hi, Saccharine!" nakangiting bati ni Cexchia habang paupo sa bakanteng upuan.

"Hello, Cexchia." bati ko pabalik.

"Kaibigan ko nga pala, si Schulaika." pakilala niya sa kasama.

Saka ko lang napansin ang babaeng umupo sa huling bakanteng upuan doon. Bahagya pa akong nagulat ng makitang si Chef Schulaika nga iyon.

"Hi." bati niya sa akin.

"Hi, Chef! Ang sarap ng mga pagkain niyo rito!" nakangiting sabi ko.

Mahina naman siyang natawa. "Salamat. Nice meeting you, Saccharine, right?"

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon