CHAPTER 30

62.9K 1.2K 85
                                    

Eh kasi wala pa kaming kuryente! Isang linggo na! Huhu Ang tagal magrestore ng electric cooperative namin. Tapos yung ibang lugar meron na, baranggay namin wala pa rin! Huhu

P.S. Nagtitipid pa rin ng charge ng battery.

P.P.S. Wala akong wifi ng mga nakaraang araw. Haha Walang pangload.

Unedited.

Zaccheus

Nakatitig lang ako sa tahimik na si Saccharine na nakaupo na sa ibabaw ng kama. Nasa harapan niya naman si Rochelle Meana habang daldal ito ng daldal.

Nandito ako sa sofa sa isang tabi. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang reaksiyon ni Saccharine sa akin ngayon. Parang bumalik siya sa dating siya bago ko siya makilala.

Nang magising siya kanina ay hindi na niya ako tiningnan at iwas na iwas siyang magdikit ang kahit na anong parte ng aming katawan. Para pa ngang ayaw niyang makatabi o malapit ako sa kaniya.

I sighed and continued staring at her. She seemed deep in her thoughts and doesn't even care about what Rochelle Meana is saying.

What's wrong with her?

Napalingon ng bahagya sa akin si Saccharine ngunit ng makitang nakatingin din ako sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

With a frustrated sigh, I stood up from my seat and walked towards her bed.

Napalingon sa akin si Rochelle Meana ngunit si Saccharine ay pumaling lamang ang tingin sa kabilang direksyon.

"Ganda..." tawag ko sa atensyon niya ngunit hindi pa rin siya natinag. I blew out a frustrated sigh. "Saccharine, look at me."

Nagmamatigas pa rin siya na hindi tumingin sa akin. Bigla akong nainis sa inaasta niya. I am frustrated because I can't think of any reason why she suddenly acted this way towards me so suddenly.

"Huy, bruha! Mamansin ka nga! Magkaka-stiff neck ka na niyan. Lingon-lingon din pag may time." sab ni Rochelle Meana.

Hindi kumibo si Saccharine kahit na pinagsabihan na siya ng kaibigan. Napahilot ako sa aking sentido dahil pakiramdam ko ay sumakit ito bigla.

Umupo ako sa tabi niya sa kama at nakita ko ang agad na paninigas ng kaniyang katawan.

"Ganda..." I tried reaching for her hand but she immediately retracted her hand away. "Saccharine."

Hinampas siya ni Rochelle Meana sa braso kaya napalingon siya rito. "Aray, Meana!"

"May boses ka naman pala!" naiinis na sabi nito. "Kanina ka pa kinakausap ni Zach, hindi mo pinapansin. Pabebe much, bes?"

Inirapan lamang nito si Rochelle Meana at bahagyang lumingon sa akin ngunit agad ding nagbawi ng tingin. "Bakit?"

Her voice sounded cold and detached. What's happening to her? Hindi ako sanay...

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" She nodded. "Bakit hindi mo ako pinapansin? Bakit hindi ka makatingin sa akin?"

Still, she remained silent. Naiinis na hinawakan ko ang kaniyang balikat at agad na ipinharap sa akin. Nanlaki bigla ang kaniyang mga mata kasabay ng panginginig ng kaniyang katawan. Her eyes became misty.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon