This will be a flashback.
Merry Christmas ulit! Thank you sa greetings lovelies! :) Muah!
P.S. Next update ay hindi pa alam. Basta mag-a-update na lang ako.
Unedited.
Nag-umpisa ngang manligaw si Jacob sa akin. Araw-araw ay palagi siyang may ibinibigay sa aking kung ano-ano lang.
Naiinggit na nga sa akin ang mga kaibigan ko. They are also wishing to have someone like Jacob. And I can say that I am lucky to have Jacob.
I know I like him. Kinikilig ako sa kaniya and my heart flutters every time he does sweet things for me. I can see his sincerity with his intentions to me. Alam kong sooner or later ay sasagutin ko na siya.
I was just holding back because of my parents. Sinabi ko kasi sa kanilang may nanliligaw na sa akin at nakiusap silang huwag ko munang sagutin. Even my friends told me na magpakipot muna raw ako.
And Jacob understands that. Akala ko nga magagalit siya o titigil na siya pagkatapos kong sabihin iyon peri ngumiti lang siya sa akin at sinabing handa raw siyang maghintay. At kinilig na naman ako roon.
I am in my fourth year in college now and so is he. And he has been courting me for almost a year now. Kaya nga nadagdagan ang feelings ko para sa kaniya kasi tumagal din siya ng isang taon sa panliligaw.
Magkasama kaming dalawa ngayon as usual. Break time naming dalawa pareho. Isinakto niya talaga ang sched namin para magkasama raw kami sa break namin.
"Saan mo gustong pumunta mamaya?" tanong niya sa akin.
"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ko naman.
"Post exam celebration." natatawa niyang sagot. "Tapos na ang midterms natin kaya magsaya naman tayo, di ba?"
Napangiti na rin ako. Iyan ang isa pan nagustuhan ko sa kaniya. Jacob is a happy guy at makakaisip siya palagi ng mga kung ano-anong bagay para lang mailabas ako.
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...