CHAPTER 24

70.8K 1.5K 92
                                    

At last! Haha 4 subjects down, 4 to go (and thank God next year pa yun!)

P.S. Ewan ko kung maganda to. Haha

Unedited.

Apat na araw na ang nakalipas mula ng araw na iyon. At apat na araw ko na ring pilit na kinakalimutan ang nangyari. Mabuti na lang din at hindi na ipinaalala ni Zaccheus at Schirina ang nangyaring iyon.

Nasa loob ako ng aking opisina ng may kumatok sa pintuan. Napaangat ang tingin ko mula sa paggawa ng report na ibinigay sa akin ni bossing. "Come in."

Bumukas ang pintuan at ang nakangiting mukha ni Schirina ang nabungaran ko.

"Hi, Sacchy!" nakangiting bati niya sa akin. Naupo siya sa visitor's chair sa harapan ng aking mesa.

"Hello, Schirina." ganting bati ko na may tipid na ngiti.

"How are you?" nakangiti niya pa ring bati.

"Good. Ikaw?" Ibinaba ko ang hawak na lapis.

"Okay lang din. Bored. Wala akong naka-line up na photoshoot for two days, eh." tila walang ganang sabi niya. "Anyways, can you have lunch with me?"

Napataas ang dalawang kilay ko sabay tingin sa wall clock. "Lunch? It's just nine thirty in the morning."

She laughed making her look more radiant and gorgeous. "I know. Hindi ko naman sinabing ngayon na, di ba? We will eat during lunch break. Niyayaya lang kita."

"Magla-lunch pala kami ng kaibigan ko." sabi ko ng maalala ang usapan namin ni Meana. "Sorry, nauna na kasi siyang magyaya. Kagabi pa."

Ilang araw na raw kasi akong hindi nakakasama ni Meana kaya gusto niyang sabay kaming maglunch ngayon. Aba! kasalanan ko bang ilang araw kaming hindi nagkita? Eh sino kaya yung parang asong sunod ng sunod dun sa lalaking kinababaliwan niya at dun sa kababata nito?

She pouted and his shoulders slumped forward. "Ganun ba?" She sighed. "Sayang."

Napakagat labi ako sa nakikitang itsura niya. She looked so sad and down. Hindi bagay sa ganda niya ang malungkot ng ganito. Parang nagi-guilty tuloy ako na tinurndown ko yung invitation niya.

And she is Zach's cousin!

Eh anong konek kung pinsan siya ng boss ko? Saan na naman galing yun?

But since I knew she was my bossing's cousin, gumaan talaga ang pakiramdam ko sa kaniya at nawala na yung urges ko nas abunutan ang kilay niya na hindi ko naman alam kung saan galing. Para pa nga kaming matagal ng magkaibigan sa nakalipas na apat na araw.

"Ganito na lang." Napatingin naman siya sa akin. "Why don't you join us instead?"

She beamed and his eyes lit up. Gumaan na rin ang pakiramdam ko sa nakikitang saya sa kaniyang mukha. I don't know why, but yeah, I feel that way.

"Talaga?" she exclaimed happily. "Okay! Gusto ko yan!"

"What is happening here?"

Napalingon kami ng sabay ni Schirina sa panig ng connecting door. Nakatayo roon si bossing habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa at tila nagtataka sa narinig niyang usapan namin.

Nang tumigil sa akin ang kaniyang mga mata ay nahigit ko ang aking hininga at tila lumukso ang aking puso kasabay ng pagbilis ng tibok nito. Pasimple kong hinagod ang parteng iyon ng aking dibdib dahil tila sumisikip ito sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.

Slowly, a breathtaking smile formed on his lips literally taking my breath away. Napatitig lang ako sa kaniyang mukha. Nakanganga pa ata ako ng bahagya; tila mas gumwapo siya ng ilang daang beses sa paningin ko ngayon.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon