CHAPTER 47

61K 1.1K 33
                                    

Ngayon lang nagka-wifi. Sarreh. Nakapagsabi naman ako sainyo last chapter, di ba? Depende pa rin talaga sa wifi.

Anyways, pamabawi ko na lang ito sa inyo. Kaya mahaba-haba ito. I hope you wouldn't get mad at me for this.

Unedited.

Alas tres ng hapon. Nasa loob ako ng aking opisina at abala sa paggawa ng draft ng monthly report. Nakatutok ang aking mga mata sa screen ng desktop computer sa ibabaw ng aking mesa.

Napaangat ang aking tingin mula sa screen ng marinig ang mahinang katok mula sa connecting doors ng aking opisina at opisina ni bossing. At siya nga ang aking nakita. Nakatayo sa may bukana ng pintuan si bossing na nakangiti sa akin at nakasandal sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.

"Hey, ganda." nakangiting bati niya.

Awtomatiko ang reaksyon ng puso ko pagkakita sa kaniya. My heart started beating frantically against my chest at the sight of him. He looks so handsome in his white polo tucked under his black trousers. The sleeves of his top folded upto his elbows; the ripped muscles in his lower arms showing.

"Bossing." I mused. "Bakit?"

"Just wanted to see you before I go." he said. He walked towards me and I followed every step he takes as he approached me. "Dito ka lang, ganda. And when the clock strikes at five, you can go home straight. Okay?"

And that's when everything sank in. Ngayon nga pala ang oras na dadakpin si Jacob. Hindi ko naiwasang makaramdam ng pag-aaalala kay bossing dahil sa mga sinabi ni Meama kagabi. I know I am being paranoid but I also know the chances are possible. Hindi malabong mangyari ang mga senaryong sinabi ni Meana at yun ang ikinakatakot ko.

"Bossing," narinig ko sa aking boses ang pag-aalala at alam kong maging siya ay narinig iyon base sa pag-iiba ng ekpresyon sa kaniyang mukha. "Wag ka na lang kayang sumama sa kanila?"

"Saccharine," Lumapit siya sa akin at inikot ang swivel chair na kinauupuan ko at iniharap sa kaniya. Lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang aking mga kamay. He stared straight in my eyes. "Listen, I need to make sure that Jacob will end up in jail, okay? And I want to make sure nothing happens that will make him escape again."

"Paano ka naman? Paano kung may mangyari tapos mapahamak ka?" nag-aalalang tanong ko pa.

He smiled slightly. "Nothing will harm me, ganda. For you I will take care of myself, okay?"

"Kung sumama na lang kaya ako saiyo?" suhestyon ko.

Dun nag-iba ng tuluyan ang kaniyang mukha. Ang mga mata niyang punumpuno ng saya habang nakatitig sa akin ay napalitan ng kaseryosohan at ang ngiti sa kaniyang mga labi ay nawala at napalitan ng pagtatagis ng kaniyang mga ngipin. Even his jaw were tensed and his hands that was gripping mine tightened.

"No." mataginting na giit niya. "You will never come with me, Saccharine."

"Pero--"

"Huwag mo ng ipilit." pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Hilingin mo na lahat, ibibigay ko na lahat wag lang yan. Huwag mo lang hilinging ilagay ko ang buhay mo sa panganib. I will never do that, ganda. Your safety will always be my top priority."

Nag-init ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Hindi ko napigilang mangiti ng malawak sa mga pahayag niya. I felt the warmth seep throught my heart at his words that tugged me in the core. I can feel his love for me; I can feel his care.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon