CHAPTER 46

63.1K 1.2K 33
                                    

Oo alam ko, mahigit isang buwan mula ng huli akong nakapagbigay ng isang kabanata. May mga nangungulit sa akin. Pero kahit gusto ko, ayaw ng oras ko.

FINALS FEELS LIKE TORTURE. Dagdag pang ang hirap din ng course ko na tipong kahit pagtulog hindi mo pwedeng gawin. Kulang na lang kahit naglalakad ay nagbabasa pa.

But I AM BAAAACK! Tapos na ang Finals namin and I survived! 😂 Nakakaiyak ang isang buwang ginugol ko sa finals na yun. Huhuhu Sana worth it naman lahat ng sakripisyo at eye bags ko. Pasado naman sana...

Salamat sa mga naghintay at nakaintindi :) Hello! Nagkita tayong muli! Sunod-sunod na ito since bakasyon naaaaa! Yes! Pero depende pa rin pala sa wifi. Hehe

GOOD MORNING! AS PROMISED :) :)

Unedited

Saccharine

"I missed you, Saccharine!" agad na sigaw ni Meana sabay yakap sa akin ng pagbuksan ko siya ng gate. Gabi na ngunit tumawag siya sa akin at sinabi ngang papunta na siya rito. Magaling din eh, hindi muna nagsabing pupunta rito. Talagang tymawag ng papunta na rito. Alangang namang pauwiin ko pa to?

May dala siyang isang overnight bag na basta na lamang niyang binitawan ng makalapit sa akin.

"Gabi na, ah." ang sabi ko ng yakapin siya pabalik.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiting tumingin sa akin. "Magsi-sleepover ako rito. Alangan naman umaga ako makitulog, di ba?"

Nginisihan ko lamang siya at inirapan. Niyaya ko na siyang pumasok. Kinuha niya ang bag at saka sumunod sa akin. Pabagsak siyang naupo sa sofa ng makapasok na sa loob ng apartment.

"Haay, nakakamiss naman tong apartment mo." aniya habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng apartment ko.

"Kaninong kasalanan?" Naupo na rin ako sa sofa. "Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin. Kumain ka na ba?"

"Eh ikaw nga tong biglang umalis sa condo ko." ang sagot niya naman. "Oo na, kumain na ako bago pumunta rito. Baka kako wala kang pagkain di kawawa ang tyan ko."

"Tse!" Inismiran ko siya na ikinangisi lamang niya. "Okay na rin naman ako, eh. Nawala na yung takot na naramdaman ko noon. Pero nag-iingat pa rin naman ako."

"Good. Mabuti talaga sa kalusugan ang kagwapuhan ni Zach." nakangiti niyang sabi na nauwi sa isang mapanuksong ngiti. "Eh kamusta na pala kayo? Kayo na?"

"Hindi pa. Pero nanliligaw na siya." proud pang sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya na tila hindi makapaniwala. Bahagya pang nakanganga ang kaniyang bibig kaya natatawang isinara ko iyon.

"Seryoso?" halatang hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "As in?"

Malapad ang ngiting tumango ako. "Oo nga."

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon