Sort of a filler chapter. Kapag may naisip na akong panibago, saka ako mag-a-update ulit. Pagtyagaan niyo muna ito, ha?
May update ba bukas? Hmm... I can't promise. I cannot say. Basta, antay-antay na lang ha? :)
Unedited.
Maaga akong nagising kinabukasan at agad na naghanda para sa pagpasok sa opisina. Saktong pagkalock ko ng pintuan ng aking apartment ay dumatinv na rin ang tinawagan kong taxi.
Isinarado ko ang maliit na gate at saka dumiretso sa taxi. Huminga muna ako ng malalim bago sumakay sa backseat at ibinaba ang bintana para makahinga ako ng matiwasay.
Pagkarating sa harapan ng Rodriguez Tower ay nagbayad ako agad at saka bumaba. Huminga ako ng malalim bago naglakad papasok sa building.
Dahil nakaipit na sa suot kong blazer ang aking I.D ay agad akong nakapasok.
Dumiretso ako sa hilera ng mga elevators at saka pinindot ang floor ng aming department. Meron din akong mangilan-ngilan na kasama sa paghihintay.
Pagkabukas ng lift ay agad kaming pumasok. Nagkanya-kanya kami ng pindot ng floor buttons. Tahimik lamang kami habang tumataas ang lift at isa-isang nababawasan ang sakay.
Nang makarating sa floor ng aming department ay ako na lamang ang naiwan sa loob. Agad naman akong naglakad papunta sa cubicle ko pagkatapos magtime in.
As usual, wala pang masyadong tao dahil alas siyete pa lamang ng umaga. Usually, dumarating sila around seven thirty.
"Good morning, Saccharine!" bati nung mangilan-ngilang mga nauna sa akin.
"Good morning." bati ko sa kanila pabalik.
Naupo na ako sa aking office chair at saka in-on ang computer. Kailangan ko pang tapusin ang interim financial statements na ipapasa namin next week.
Sa sobrang engrossed ko sa pagta-trabaho ay hindi ko namalayang lampas alas otso na pala at halos nagsidatingan na ang mga empleyado.
Nag-inat ako at hinilot ang nangangalay kong batok. May meeting pala kami ng eight thirty sa conference room ng aming department. May bago raw kasing empleyado na darating, bagong pasa sa CPA Board Examination.
Alas otso kinse ay pumunta na ako sa conference room para may maupuan pa ako. Kapag kasi nagkasama-sama kaming lahat ay napupuno ang buong kwarto at tatayo na ang iba. Ayokong tumayo, no.
Bago pa man mag-alas otso ay nagsidatingan na lahat. Ilang minuto lang ang lumipas ay umingay na ang buong silid ngunit agad ding natahimik ng pumasok ang aming department head.
"Good morning, Accountants." she greeted.
"Good morning, Ma'am." we greeted back in unison.
"You all know the reason why I called this meeting, right?" We all nodded. "I want you all to welcome in our department the new addition to our team. Please give him a round of applause."
Pagkarinig pa lamang ng "he" ay agad nang sumama ang timpla ko. Lalaki pala ang bagong dagdag sa departamento namin. Malas naman.
Tinapunan ko lamang ito ng tingin ngunit agad ko ring binawi dahil sa ayokong tumingin. Bakit ba? Inabala ko na lamang ang sarili sa pag-iisip ng mga gagawin ko pang financial statements sa maghapon. Baka nga mag-uwi pa ako sa bahay namin.
Oo, papel na lamang ang iniuuwi ko sa bahay ngayon.
"Good morning everyone, I am Brandon Gomez. I am twenty-two years old and I have just passed the CPA Board. I hope we can get along well together. And sana matulungan niyo ako sa mga kailangan ko pang malaman in terms of work. Good morning and thank you." Narinig kong pakilala niya.
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...