CHAPTER 14

66.5K 1.4K 48
                                    

Unedited.

Lunes. Eksaktong ika pitong araw ko sa bagong trabaho ko. At gaya ng dati, wala pa rin akong ginagawa.

Nakakainis! Parang iniinsulto ang pagiging Certified Public Accountant ko dahil hindi ko naman nagagamit dito.

I didn't studied for five years, reviewed for additional six months, and took the brain cracking board exam for nothing!

Naiinis na lumabas ako sa opisina ko. Doon na ako dumaan sa main door dahil baka mabato ko ng door knob ang walang hiyang bossing ko.

"Hi, Miss Saccharine." bati sa akin ni Bettina ng lumapit ako sa mesa niya. "May kailangan ka ba?"

"Oo," sagot ko sabay upo sa couch malapit sa mesa niya. "Kailangan ko ng kausap dahil malapit ko ng kausapin lahat ng alikabok sa opisinang yon."

She chuckled. "Wala pa ring ibinibigay na trabaho sayo si Mr. Villamonte?"

Napasimangot ako lalo. "Wala! Araw-araw ko namang kinukulit, binabalewala lang naman!"

"Want to help me?"

Napaayos ako ng upo at napangiti. "Sure! What will I do?"

She handed me some papers. "Pwede pa photocopy nito? Nandyan sa may reception desk ang machine. Is it okay?"

I stood up at kinuha ang mga papel. "Okay lang. Kesa walang magawa. Ilang copies ba?"

"Three copies."

Tinanguan ko siya at saka naglakad na palapit sa photocopying machine sa may reception area.

I smiled at the women behind the desk and started photocopying the papers.

Nang tumunog ang elevator, napatingin ako roon. Napataas ang kilay ko ng isang sopistikadang babae ang lumabas mula roon.

She's tall and elegantly beautiful. She looks like a model that jumped out straight from a magazine's cover.

Bagong babae ni bossing?

Nagngingit bigla ang kalooban ko sa isiping iyon na ipinagtaka ko ng lubos.

Why would I feel like that? Anong pakialam ko?

Sayang lang kasi ng babae. Halatang mayaman at may class pero papatol lang sa babaerong si Zaccheus. Tapos iiyak siya at masasaktan dahil sa iiwan din naman siya.

She's beautiful and there's a lot of men out there who would kiss the ground she walks on. Pero bakit sa isang babaerong Zaccheus Villamonte pa siya papatol?

"Good morning, Ma'am Schirina." bati sa kaniya ng tatlong receptionist.

"Good morning, Georgette, Jecyl, and Andrea." masiglang bati nito pabalik.

And, damn! She looks more beautiful when she smiles! And that voice, wow, it's just angelic.

Natuon ang paningin niya sa akin and she stopped. Hindi ko napigilan ang kusang pagtaas ng kilay ko sa kaniya. Although hindi naman mapang-uri ang mga tingin niya, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis sa presensya niya.

Peste! Ano ba ang nangyayari sa akin? Ang bait kaya ng itsura nito!

"Hi, are you new here?" nakangiting tanong nito.

Pormal akong tumango. "Yes, Ma'am."

Lumapit siya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay. "Hi. I am Schirina Serano. Nice meeting you."

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon