SYNOPSIS

118K 1.6K 21
                                    

THE MAN HATER'S BILLIONAIRE BACHELOR

SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masungit siya sa lahat ng lalaking lumalapit sa kanya.

ZACCHEUS VILLAMONTE, a certified playboy. Nainvite ito sa company anniversary ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Zaccharine. At sa gabi ng selebrasyon, siya yata ang napiling targetin ng lalaki. Nang tanggihan niya ang loko, naghanap na naman ito ng iba pang bobolahin.

Pero mukhang hindi talaga sanay na binabalewala ang lalaki. Pinagtatrabaho sya sa kompanya nito kapalit daw ng pag-ignora nya rito.Syempre, tinanggihan nya ito. Una, may trabaho na rin naman sya. Pangalawa, ito ang klase ng lalaki na ayaw nyang makasama.

Pero gaya nga ng alam nya, hindi tumigil ang lalaki sa pagpipirata sa kanya. Kinausap nito ang boss nya na tanggalin sya sa trabaho at ang iba pang kompanya na huwag syang tanggapin oras na mag-apply sya isa sa mga iyon. No choice, pumayag sya sa nais nito.

At mas napatunayan nyang babaero nga ang walanghiya. Pero hindi nya maintindihan kung bakit ganun na lang ang ngitngit nya sa lahat ng babaeng lumalandi sa bagong boss. Parang ang sarap sabunutan ng mga kilay ng malalandi!

©lovelySharian

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon