CHAPTER 21

65.5K 1.3K 30
                                    

Prepare for what is to come.

Unedited.

Bumaba ako kaagad sa sasakyan ng makarating kami sa basement parking. May reserved spot na roon si bossing.

Bumaba na rin agad si bossing matapos ihinto ang makina ng sasakyan. Unlike any other businessmen, wala siyang dalang attache case o folders. Talagang sarili lang niya ang dala niya.

On the other hand, ako ang may dala ng envelope at bag. Gaya ng sinabi ko nung isang araw, iniwan ko yung laptop ko sa opisina kaya hindi ko yon dala ngayon.

"I'll carry those for you, ganda." sabi niya habang naglalakad kami papapunta sa elevator sa basement.

"Nang ano?" tanong ko.

"Your things."

Agad naman akong napailing at napalayo ng kaunti sa kaniya. Isa sa mga bagay na nakasanayan ko na ay ang gawing mag-isa ang mga bagay-bagay. I want to do things on my own however small it is.

At ayokong magpabitbit ng mga gamit ko sa kahit na sino lalo na sa mga lalaki.

Kahit pala may nagbago na, mas marami pa ring bagay ang nanatili at hindi pa nagbabago.

"Ganda?" pukaw niya sa atensyon ko.

"No. I can manage." sabi ko.

"Are you sure?" I nodded. "Okay."

Isa pa sa ikinabibigla ko ay ang pagtanggap niya agad sa sinasabi at desisyon ko tapos hindi na rin siya nakikipag-ayaw o nakikipag-argumento sa akin. Hindi na niya ipinipilit ang gusto niya.

Tahimik kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa elevator. He pressed his floor button and it opened. Pinauna niya akong pumasok bago siya.

I was on the far end of the elevator when he entered. Nagtataka pang tumingin siya sa akin habang papasara ang pinto.

"Bakit nandyan ka? Come here." He motioned for me to come closer.

Agad naman akong napailing at isiniksik pa ang sarili sa dulo. He stepped closer and I stepped back. He stopped. His forehead creased deeper.

"Are you okay, ganda?" he asked.

Tumango ako ngunit hindi nagsalita. Nagtatakang humakbang ulit siya palapit ngunit umiwas muli ako. Hindi naman na siya sumubok na lumapit na ikinahinga ko ng medyo maluwag ngunit halata pa rin ang pagtataka niya.

Okay na kami sa kotse niya, eh. I feel okay with our proximity inside the car. Ngunit muli na namang nagbago rito sa elevator. Ayoko na namang mapalapit sa lalaki.

Goodness! Ano ba ang nangyayari sa akin?

When the elevator opens on the top floor, I immediately went out and walked to my office without greeting back the receptionist and Bettina.

Agad kong isinara ang pintuan ng opisina ko at napahinga ng sunod-sunod na akala mo katatapos pa lang tumakbo sa marathon.

Tila nanghihinang naglakad ako palapit sa upuan ko sa likod ng mesa at nahahapong naupo. Napahawak pa ako sa noo ko habang nakapikit.

Hindi pa pala totally nawawala ang pagkailang ko sa mga lalaki. I sighed.

I heard a knock on the door. Napaangat ang tingin ko roon habang hinihintay ang pagpasok ng kung sinomang kumatok.

Ang nag-aalala ngunit nag-aalangang mukha ni bossing ang sumilip sa bukas na pintuan.

"Pwedeng pumasok, ganda?"

Tumango ako at naupo ng maayos. He took calculated steps towards me and pointed on the visitor's chair in front of my desk as if asking if he can sit. I suppressed a smile as I nodded.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon