CHAPTER 50

63.8K 1.3K 12
                                    

Kita niyo na? Sa ilang araw na walang wifi, nakaabot ako rito. Haha Siguro naman napatawad niyo na ako, di ba? Hemwe 😘

Unedited.

Dalawang araw. Dalawang araw na mula ng ideklarang comatose si bossing. Hindi naman siya inilipat sa ICU ngunit kinabitan siya ng tubo at heart monitor. Nasa parehong kwarto lang naman kami.

"Bossing, ang daya mo." pagkausap ko sa kaniya. Kaming dalawa lamang ang nandito sa kwarto. "Hindi ka gumising nung isang araw. Tingnan mo tuloy ngayon, hindi na namin alam kung kailan ka gigising. Bossing naman, eh, nakakainis ka, alam mo ba yun? Ang sabi mo babalik ka sa akin, pero bakit ngayon hindi ko alam kung kailan ka babalik?

"Ngayong gabi na rin ang Magz Awards. Sabi mo, pupunta tayong dalawa pero parang mag-isa akong pupunta roon. Kung hindi na lang kaya ako dumalo? Wala ka naman doon, eh. Ano naman gagawin ko roon?"

"Hindi pwede!" Gulat na napalingon ako sa may pintuan ng may sumigaw doon. Ang nakapamewang na si Cexchia ang nakatyo roon kasama si Schulaika. "Anong hindi pupunta? Pupunta ka! Ikaw ang magiging representative ni Zach doon."

"Pero wala naman akong gagawin doon. I mean, Zach is here at saka wala siyang bantay." pagtanggi ko pa.

"Anong walang gagawin? Ikaw nga ang representative ni Zach doon. And don't worry about his bantay, may ipapadala akong aso rito." nakangising sabi pa nito na sinamaan ko ng tingin. Nakatanggap tpa ito ng batok mula kay Schuilaika na umupo naman sa sofa.

"Makabatok ka, ha!" ang sigaw nito kay Schulaika na ngumisi lang naman sa kaniya.

"Ang ingay niyo naman!" saway ko.

"Mabuti na yan," ang sabi ni Schulaika. "Para magising na yang si Zach. Ang tagal na niyang tulog."

"Darating daw ang mga magulang ni Zach," Si Cexchia naman iyon. "Sila na lang muna raw ang magbabantay sa anak nila. Schirina and you will go to the awards night as Zach's representative."

"Naks, isang sentence na english." nakangising sabi ni Schulaika na ikina-flip hair lang ni Cexchia.

Mga baliw talaga sila.

"At saka sayang ng gown na pinagawa ni Zach, no. Ang ganda pa naman nun." dagdag pa ni Schulaika.

"Maganda talaga!" sang-ayon ni Cexchia. "Di hamak na mas maganda dun sa naunang design na gusto niyang ipagawa." Nagtawanan pa ang dalawa at nag-apir na ipinagtaka ko.

"Bakit?"

"Kasi yung unang design na gusto niyang isuot mo ay long sleeves tapos hanggang sakong mo ang haba. Maluwag pa!" natatawang kwento ni Cexchia.

"Para raw hindi kita ang hubog ng katawan mo." natatawang dagdag naman ni Schulaika. "Ang adik din ni Zach. Para lang daw sa mga mata niya ang curves mo."

"Kung hindi ko pa tinakot na hindi ko siya papayagang gawin ang balak niya sa awards night, hindi pa magbabago ang desisyon."

''Pare-pareho talaga sila," naiiling ngunit nakangiting sabi ni Schulaika. "Pati si Dominic at Ian daig pa ang mga sinaunang babae sa pagka-conservative. Gusto pa kaming pagsuotin ng damit na walang balat ang makikita."

"Yung tipong kami ang maiinitan at mahihirapang huminga. Kung hindi pa namin tinakot na hihiwalayan namin, hindi pa papayag sa mga gusto naming design. Aba, dapat lang na yung gusto namin ang isusuot namin, ano? Hindi yung kung anong gusto nila."

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon