CHAPTER 20

69.8K 1.4K 59
                                    

Unedited.

I stretched my limbs when I woke up the next morning. I feel better now.

Tumingin ako sa orasan sa may tabi ng kama ko. Alas singko pa lamang ng umaga. May sapat pa akong oras para maghanda sa pagpasok.

Tumayo na ako sa kama at inayos ang hinigaan. I decided to cook breakfast first bago maligo. Ngunit bago pa ako makalabas ng kwarto ay tumunog na ang phone ko.

I picked it up and opened the message.

From: Bossing
Good morning, ganda! How are you feeling?

Hindi ko naiwasang mapangiti ng mabasa ang text niya. And yep, I already saved his number. Ang kauna-unahan at kaisa-isang lalaki sa contacts ko.

To: Bossing
Good morning din bossing. I'm feeling fine.

Parang hindi galing dito kahapon, eh. Speaking of which, nagpupumilit pa nga siyang dito na matulog para raw mabantayan niya ako. But of course, I refused. Hindi por que gumagaan na ang loob ko sa kaniya ibig sabihin na niyon ay wala na akong nararamdaman na reservations. Meron pa rin naman.

From: Bossing
Good. Take a rest.

Napakunot ang noo ko sa reply niya. Anong take a rest ang sinasabi niya?

To: Bossing
Anong rest? I have enough of it. Papasok na ako ngayon.

Pagkasend ko ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina. Ilang segndo pa lamang ang lumilipas ng tumunog muli ang cellphone na hawak ko.

Tumatawag si bossing.

Tinanggap ko ang tawag at inilagay ang cellphone sa tenga ko.

"He--"

Bago ko pa man mabati ang boss ko sa kabilang linya ay pinutol na niya ang sasabihin ko.

"You're not going to the office. You take a rest."

Napakunot noo ako at natigil sa paglabas ng itlog sa ref. "Rest? Purga na ako sa pahinga, bossing. At saka tatlong araw na akong absent, di ba?"

"Still a no. I filed for your sick leave and it is effective until tomorrow. Wag ka ng pumasok at magpahinga ka na lang. Just go to the office tomorrow." pagkontra niya pa.

"No. Papasok ako. Kaya ko naman na. And I don't need that leave." pagmamatigas ko pa.

"Ganda..."

"Wag ka ngang makulit!" naiinis na sabi ko. "Papasok nga ako, okay?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Sino ba ang boss sa ating dalawa, ganda?"

"Ikaw."

"Right. Ako, di ba? But why do I feel like you are the boss? You're bossy!" natatawa pang sabi niya.

I rolled my eyes as I put the pan on the stove. "Nagsasabi lang ako. At gaya nga ng palagi kong sinasabi sayo, learn to accept no from a woman. I can decide on my own, bossing."

"Okay."

"Huh? Anong okay?" nagtatakang tanong ko.

"You can go to back to work today."

Natigil ako sa pagcrack ng itlog sa narinig. "Ano?"

"Ang sabi ko, pumasok ka na ngayon kung gusto mo." mahinahong pag-uulit niya.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon