Unedited.
Nanatili pa ako sa ospital ng dalawang araw. Kahapon pa ako magaling at sabi ng doktor ay maaari na akong umuwi pero hindi ako pinayagang umalis ni bossing.
Oo, siya ang hindi nagpauwi sa akin. Kailangan ko pa raw mamonitor ng mga doktor dahil baka bumalik ang lagnat ko. Mas marunog pa siya sa doktor, eh.
Sa dalawang araw na pananatili ko sa ospital ay hindi siya umalis sa tabi ko. Itinalaga niya ang kaniyang sarili bilang opisyal na bantay ko.
Ngayon ang huling araw ko sa ospital. Matapos i-clear ng doktor na pwede na talaga akong umuwi ay saka lang pumayag si bossing na i-discharge ako mamaya.
"Bossing." tawag pansin ko sa kaniya habang kumakain ng mansanas.
"Hmm?" nagtatanong na tumingin siya sa akin.
"Dalawang araw ka ng hindi pumapasok, bossing. Wala ka bang planong pumunta sa opisina ngayon?" tanong ko.
Nilunok muna niya ang nginunguya bago sumagot. "Nope. I'll stay with you."
Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Ayon na naman ang kakaibang sayang nararamdaman ko.
"Pero, bossing, makakalabas na rin naman ako mamaya, eh. I can take care of myself." pagpipilit ko pa.
"No." matigas na sabi niya. "Sasamahan kita hanggang sa bahay mo."
"Pero, bossing--"
"No buts, beautiful." He cut me off. "I'll stay with you."
"Pero baka naabala na kita, bossing."
He sighed. "Hindi ka nakakaabala. If you are, then I should not made an effort of driving to your house two days ago, brought you in the hospital and take care of you. Ganoon ba ang abala?"
My heart leaped again at his words. I was rendered speechless. Tila naumid ang dila ko sa kaseryosohan ng kaniyang pagkakasabi. His words made an impact to me.
"Here." He handed me an apple. "Do you want me to peel it off?"
"No." Kinuha ko ang apple sa kanya at kinagatan ito. "Bakit ba binabalatan niyo ang mansanas? Ang sarap kaya ng balat!"
"Hindi ako nakikipag-away sayo, ganda." natatawang sabi niya.
Muli na naman lumukso ang puso ko sa narinig. Parang mas magandang pakinggan ang 'ganda' kaysa sa 'beautiful'.
"Why?" tanong niya.
"I like 'ganda' more." I said.
"Huh?"
"Mas gusto kong 'ganda' ang itawag mo sa akin rather than 'beautiful'."
His lips curved into a slow smile making my inside melt. Shit!
"Okay, ganda. Namimihasa ka na, ah! Pasalamat ka may sakit ka." natatawang sabi niya.
Hinampas ko siya sa braso na lalong nakapagpatawa sa kaniya. I stared at him smiling. He looks more handsome when he laughs.
I know something has changed. Mula ng dalhin niya ako sa ospital ay may nagbago na. Ngunit hindi ko alam kung maganda o masama ito.
I don't know how to act after this. Tila nawawala na ang pader na ipinalibot ko sa aking sarili laban sa mga lalaki. Parang gusto kong mapalapit pa lalo sa lalaking ito.
Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta nangyari na lang.
And that is scary. I don't want that to happen.
But what can I do? Every time I try to distance myself and build the walls again, he always has the wrecking ball ready to wreck my walls.
Something is really changing.
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...