Some language on the bottom part are not suitable for young audiences. I am not promoting those words so don't use them. Wag ng gumaya sa author na nagsasabi ng ganoon, okay? That's bad.
Unedited.
Dala ko pa rin ang inis na iyon hanggang sa makabalik ako sa gusali. Bitbit ang kapeng binili ko sa nanginginig kong kamay ay dumiretso ako sa elevator.
Halos lahat ng nadaraanan ko ay napapaatras o kaya ay napapatigil at tila natatakot na lumapit sa akin.
Dapat lang. Dahil baka sila ang mabuntunan ko ng galit.
Hayop ka, Jacob. Anim na taon na ang lumipas, nagagawa mo pa ring pasakitan ang buhay ko!
Mariing pinindot ko ang top floor at naiinip na hinintay ang pagbukas nito. Nararamdaman ko na rin ang pagtindi ng panginginig ng kamay ko sa pagpigil sa inis ko.
Pinipigilan ko rin ang aking sarili na magblackout at tuluyang mahulog sa madilim na nakaraan dahil baka kung ano ang mangyari sa akin. At ayoko ng makita o maalala pa ang mga bagay na iyon.
Pagkabukas ng elevator ay dali-dali akong pumasok at pinindot ang top floor. Wala ni isa man ang nagtangkang makisabay sa akin kahit gaano pa sila nagmamadali dahil na rin siguro sa nakikita nilang emosyon sa akin.
I tried to calm my nerves by breathing in and out to release the tension. Ayoko talagang may makapagpapaalala sa alin ng mga bagay-bagay na pilt ko ng iniiwasan. Kung kailan naman may pagbabago na sa akin, saka naman susulpot muli ang isang taong magpapaalala sa isang madilim na kahapon.
Bumukas ang elevator. Ilang beses pa akong bumuga ng hangin habang naglalakad papasok sa opisina ko at ipinatong sa mesa ang kape bago lumabas muli at naglakad papunta sa pantry kung saan ko gagaan ng kape si bossing.
Pagkaalala ko kay bossing ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Tila luminaw din ang aking isip at nakagalaw ako ng magaan kahit papano.
Nang matapos magtimpla ng kape ay lumabas na ako ng pantry at dala-dala ang kape'y naglakad naman ako palapit sa opisina ni bossing. Without knocking, I opened his double doors.
Natigil ako sa may bukana nito ng makita siyang nakaupo sa receiving area ng kaniyang opisina kaharap ang isang magandang babae. Si Schirina.
Ang kaninang gumaan-gaang pakiramdam ko ay muli na namang bumigat pagkakita sa kanilang masayang nag-uusap. Nakatalikod sa akin si bossing at si Schirina ang nakaharap sa direksyon ko.
Nakaramdam na naman ako ng inis. Sa lahat ng babae, siya lamang ang ilang beses ko ng nakitang pumupunta rito at tila tuwang-tuwa pa si bossing sa presensya niya.
Tumikhim ako para ianunsyo ang presensya ko. Sabay pa silang napalingon sa akin; pareho pang nakangiti.
"Saccharine!" masiglang bati ni Schirina sa akin.
"Hi, ganda!" bati naman ni bossing.
Nakita ko naman ang isang kakaibang ngiti ni Schirina ng marinig ang sinabi ni bossing ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Naiinis ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama.
Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa ng wala ni isa sa kanila ang binati ko. Inilapag ko sa harapan ni bossing ang kape niya.
"Kape mo, bossing." pormal at walang kangiti-ngiying sabi ko.
"Thank you, ganda." nakangiting pasasalamat niya na tinanguan ko lang.
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa connecting door at pumasok sa opisina ko ng hindi na sila tinitingnan pa.
BINABASA MO ANG
TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance(RATED MATURE. SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES.) 3rd installment of The Billionaire Bachelors Series SACCHARINE ARAGON, a Certified Public Accountant and a certified man-hater. Dahil sa nangyari sa nakaraan, naging aloof at masung...