CHAPTER 49

55.8K 1.1K 6
                                    

Unedited

Nakaupo akong muli sa upuan sa tabi ng kamang kinahihigaan ni bossing habang hawak-hawak ang kamay nito. Hindi pa rin siya nagigising. At kinakabahan na ako dahil ilang oras na lamang ay maaari na siyang ideklarang comatose ng doktor.

"Don't worry, Chef, gigising din yang si Zach." narinig kong sabi ni Ian sa likod ko.

Nandito sila ngayon at binibisita si Sleeping Beauty. Sina Cexchia, Dominic, Ian, Schulaika, Greg, Vernon, Joziah, at Atty. Torres ang nandito ngayon. Nagtataka nga ako kung anong ginagawa ni Atty. Torres dito eh. Kaibigan ba siya ni bossing? Mukhan oo naman.

Ang mga magulang naman ni Zach ay umuwi muna sa bahay nito para magpahinga habang si Schirina naman ay may photoshoot daw ngayon.

"Alam ko. Gigising to, no. Gusto lang ata ng halik." natatawang biro ko ng hindi lumilingon sa kanila.

"Gigising yan. May gagawin yan sa Magz Awards two days from now." ang sabi naman ni Cexchia. "Ay oo nga pala, Saccharine, ibibigay ko bukas sayo yung susuotin mo sa awards night."

Doon ako napalingon kay Cexchi ng nakakunot ang noo. "Susuotin ko? Wala naman akong natandaang nagsukat ako o nagpagawa."

"Inasikaso na niyang manliligaw mo," nakangiting sagot ni Greg. "Mantakin mong alam ang measurements mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig at napalingon bigla sa natutulog pang si Zach. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman ang measurements ko. Wala naman akong natatandaang nagpasukat o pinasukatan ako ni bossing, eh. Kaya paano?

"Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao," narinig ko naman ngayon si Ian. "Napapansin mo ang lahat sa kaniya kahit yung maliliit lang na detalye."

"Edi alam mo rin ang measurements ko, Ian?" tanong ni Schulaika.

"Of course, sweetie. Baka nakakaliumutan mong nag-MO--"

"Oo na, oo na! Manahimik ka na!"

Hindi ko na pinansin ang pagkakagulo nila sa likuran ko. Nakatitig pa rin ako kay bossing at hindi ko maiwasang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao. Napapansin mo ang lahat sa kaniya kahit yung maliliit lang na detalye."

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabing iyon ni Ian. Namalayan ko na lamang na nakangiti na ako habang naluluha na nauwi sa mahinang pagtawa.

"Ikaw talaga, bossing." mahinang pagkausap ko sa kaniya. "Kung ano-anong kalokohan ang naiisip mo, no? Pati measurements ko, alam mo talaga?" Dinala ko ang kamay na niyang hawak ko sa aking mga labi at binigyan ito ng isang magaang halik. "Gising na kasi, bossing, at may sasabihin ako sayo. Hindi ka ba naku-curious man lang?"

"Ms. Aragon." Ang malamig na boses na iyon ni Atty. Torres ang nakapagpatigil sa ingay. Napalingon naman ako sa kaniya. "Can we talk about the case you filed?"

Ilang sandali akong nakatitig lang sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang sa nangyayari ngayon ay iyan ang naiisip niya. Sabagay, abogado nga naman siya. Ngunit alam naman niyang hindi pa okay si Zach at hindi pa magandang pag-usapan ang topic na yan.

"I suggest you talk about it now," ang sabi ni Dominic. Napalingon kaming lahat sa kaniya. "You should put that bastard behind bars to pay for what he did. Especially what he did to Villamonte. Zach wouldn't be there, lying on that bed, if it wasn't because of that beast."

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon