CHAPTER 34

62.9K 1.3K 31
                                    

Unedited.

Saccharine

After two days ay nakalabas na ako ng ospital. At sa loob ng dalawang araw na pananatili ko roon ay hindi umalis sa tabi ko si Zach kahit na hindi ko siya masyadong pinapansin.

Ilang beses na nga akong nakurot ni Meana sa sobrang inis niya sa akin. But she wouldn't understand. Walang kahit na sinong tao ang tatanggap sa isang kagaya ko. And to prevent myself from feeling another pain in the future, I have to take some actions now.

Zach is a bachelor. And I admit he is the most handsome man I have ever met. And I am sure a lot of women fall on their knees to worship him, I have witnessed it firsthand. Maraming mas magaganda, mas mayayaman, mas sexy, at mas malinis na babae sa paligid niya. He only has to pick one.

Maraming babae ang mas babagay sa kaniya. Not that I am saying he has feelings for me because I know he doesn't, but what I am saying is that he deserves someone better, the best even. And I am a hundred percent sure it is not me. I am far from being the best.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko ng biglang nanikip ito sa mga iniisip ko. Whether I admit it or not, masakit isipin na walang pag-asang matugunan ang nararamdaman ko. Masakit isiping umiwas sa kaniya. Masakit isiping may ibang babaeng mas babagay sa kaniya.

Pero mas maganda ng masaktan ngayon kesa mas masaktan sa hinaharap kung kelan hindi na ako makakaahon sa nararamdaman ko para sa kaniya at saka siya mawawala, mang-iiwan.

Napangiti ako ng mapait sa mga naiisip ko. Ito siguro ang epekto ng gamot sa ospital.

"Saccharine." Nilingon ko si Meana na nasa tabi ko ngayon. "Ano na namang iniisip mo?"

Nandito ako sa condo unit niya dahil ayokong mag-isa sa apartment ko sa takot n baka biglang magpakita si Jacob. Kahit na anong sabi ni Meana at Zach na hindi na siya magpapakita, hindi pa rin ako magpapakampante. Magiging aligaga lamang ako. Mabuti rito at may gwardiya.

"Wala naman." sagot ko. "Just things."

"Iniisip mo pa rin bang patuloy na iwasan si Zach?" Hindi ako umimik. Napabuntong hininga siya. "Saccharine, tumingin ka nga sa akin."

Tumingin naman ako sa kaniya at seryoso siyang nakatitig sa akin. "Bakit?"

"Hindi lahat ng tao huhusgahan ka, Saccharine. May mga taong tutulong sayo para makalimot at makaahon mula sa madilim mong nakaraan. You just have to stop thinking about the worst and start being positive and optimistic. Hindi lahat ng tao iiwas sayo, mangungutya, manghuhusga. May mga taong nandyan para iparamdam saiyo na kahit gaano pa kasama ang nangyari sa nakaraan mo, kung ano man ang nagawa mo, tanggap ka nila ng buong puso, atay, at balumbalunan. Yung mga taong hindi lang ang magagandang bagay ang titingnan pati na rin ang mga masasama at malulungkot na pangyayari ay tatanggapin din nila.

"Stop thinking worst about people, Saccharine. Wag mong pangunahan ang fate at destiny. Wag mong pangunahan ang nararamdaman ng ibang tao. Do not decide for others because they can decide for themselves. It's their choice. Do not push away those people who are ready to fight and kill for you because you might just regret it. Because what's meant to happen will always happen."

I smiled sadly at her. "Pero kapag natuto ka ng leksyon sa pinakapangit na paraan, matututo kang wag kaagad magpadala at magtiwala sa sinasabi mong fate at destiny. You have to make your own path, your own way, and your own destiny. Dahil kung hahayaan mo ulit ang tadhana na makialam sa buhay mo, hindi imposibleng maulit na naman ang nangyari sa nakaraan mo. Ang tawag dito ay pag-iingat.

"Nag-iingat lang ako sa lahat ng bagay na maaaring makapanakit na naman sa akin. Nag-iingat lang ako na wag ng mangyari ulit sa akin iyon. Kaya nga naging man hater ako, di ba? Dahil ayoko ng makasalamuha ng mga kagaya nilang maaaring ulitin sa akin ang ginawa ng hayop na Jacob na iyon. It's being cautious and preventive rather than curative."

"Saccharine--"

"Forget it, Meana." putol ko sa sasabihin niya. "I already made my decision and nothing can change that."

Natampal niya ang kaniyang noo at mariing hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Aragon, sinasabi ko sayo, Zach is different from Jacob. He will never hurt you in anyway intentionally. And I am telling you this, open your mind and heart to everything. Wag kang makulong sa sarili mong mundo dahil hindi ka makakaalis sa madilim na nakaraan. You have to keep moving forward, ika nga sa Meet the Robinsons. Tanggapin mo na lang na in love ka na kay Zach and just go with the flow."

Hindi ako umimik at tinitigan lamang siya ng walang emosyon. Naiinis na napaungol siya at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Okay, wag kang makinig. But please pag-isipan mo lahat ng mga sinabi ko, ha? English ang iba roon kaya pinaghirapan ko pa yon. Wag mong balewalain." sabi niya. "Basta Saccharine, sana maliwanagan ka na one of these days. Sana maka-move on ka na at maka-let go ng nakaraan mo. And I know Zach is the one who will finally make that happen."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at sinundan ko siya ng tingin ng maglakad siya papalapit sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa labas." Kinuha niya ang string bag sa gilid. "Mag-eespiya sa Captain America ko at dun sa pesteng kapit ng kapit sa kaniya a.k.a Jonica Marzan."

Tuluyan na nga siyang lumabas ng condo at iniwan akong mag-isa rito sa kaniyang condo.

Adik na babaeng yun. Hanggang ngayon pala ay minamanmanan pa rin si chef at ang kababata niya. Baliw talaga. Hindi ba siya napapagod?

Sumandal ako sa sofa at pumikit. Ngayong tahimik na naman ang paligid ay hindi ko na naman maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay.

"Hay, ayoko na ngang mag-isip." pagkausap ko sa sarili ko.

Ano bang magandang gawin?

Zaccheus

Joziah Gomez is seated in front of me again. This time, he has a billing statement and a folder on hand.

"Three days tops." Inilagay niya ang bill sa ibabaw ng mesa ko sa harapan ko mismo.

Kinuha ko ito at tiningnan pagkatapos ay siya naman ang tiningnan ko at tinaasan ng kilay. "Bill muna talaga? And what's this, five million pesos?"

He had the nerve to smirk at me. "Of course. Mas importante sa akin ang pera. At kaya ganyan ang presyo niyan ay dahil special case ka kaya special din ang presyo. Pero kung naghintay ka sana ng isang linggo, five hundred thousand lang yan."

"Let me look at the report first."

"Business man ka talaga."

He handed me the report and I took it. The name Jacob Marasigan was printed on the folder's cover.

This is it.

TBBS3: The Man Hater's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon