CHAPTER 28

408 5 0
                                        

DANIEL POV...

"Nako! Mahirap yan pre." Diego.

Andito kami ngayon sa tambayan namin. Kinwento ko yung nangyari sa kuya ni kath! Isa lang ang paraan para maibalik siya sa trabaho. Yun ang iwasan ko si kath.

Fvck. Ano ko tanga?! Bwiset na mama ko kc e! Ano anong pinaggagawa sa buhay ko! Bat di nalang niya ko hayaang maging masaya? Psh.

Wala na siyang ibang ginawa kundi ang gawing miserable ang buhay ko! Ayaw niya na maging masaya ako! Kung magulo yung buhay niya mag isa siya, hndi yung nandadamay pa! Palibhasa walang importante sakanya kundi ang walang hiyang business!

"Anong gagawin ko? Ayoko ring nag aalala si kath sa kuya niya." Ayokong nakikitang nahihirapan siya. Pero mas ayoko na layuan siya.

"Ayos naman kasi yang si tita carla e. Kilala namin siya dj kung anung gusto niya nakukuha niya." Albie.

"At kapag ayaw niya, ayaw niya. Walang makakapigil sakanya." Jake.

Tama sila ganun nga yung ugali ni mama. Gagawin niya ang lahat makuha lang niya yung gusto niya kahit na makasakit pa siya ng ibang tao wala siya pakeelam. Ganun siya kaselfish!

**

Asan kaya si kath? Hindi ko siya makita. Kanina pako paikot ikot dito sa walang kath. Hindi kaya siya pumasok? Psh. Babaeng yon! Hindi man lang mag txt kung nasaan! Bakit dj boyfriend kaba niya? Psh. Pwedi ba wag kang epal! Anu naman kung hindi niya ko bf? Suitor niyako!

Tsaka teka nga, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Ts. Baliw!

KATHRYN POV...

Letcheng babeng yun! San ba siya nag punta? Kaasar na ha! Napapagod nako, paniguradong patay ako dahil di ako pumasok!

Kasalanan lahat to ni julia e. Masasapak ko talaga yon. Habang nag lalakad ako naalala ko yung binigay saking calling card nung lalake. Kung kailangan ko daw ng extra income pwedi akong pumunta dun. Tutal wala na naman akong gagawin mapuntahan nga. Kinuha ko yung calling card at may nakasulat ng address tsaka yung name ng shop, REIDING PHOTOSHOOT.

Pumunta ako dun sa address na nakalagay. Sayang din kasi to extra kita din. Tsaka mag momodel lang daw naman e.

"Ouch." Psh. Anu bayan! Hindi kasi ako tumitingin e. Ang sakit sa pwet!

"Sorry. Ayos kalang ms?"

"Oo." Umalis nadin agad ako. Lalaki yung naka bangga ko, ng tiningnan ko siya parang pamilyar yung mukha niya.

Parang nakita ko na siya? Aish. Ewan! Basta parang nakita ko na yun! Pag pasok ko sa building walang katao tao. Pumasok ako dun sa mismung room. Wow! Ang ganda naman dito, ang daming design ng kwarto.

"Tao po!" Walang sumasagot.

"Hello. May tao pu ba?" Asan nakaya yung mga tao dito? Ts. Sayang lang yung oras ko.

Palabas na sana ako kaso biglang sumara yung pinto. Shit! Na stock bako? Huhuhu. Pano nako lalabas niyan. Pinilit kong buksan pero ayaw talaga e.

"O miss, andyan kana pala." May biglang sumulpot na dalawang lalake.

Mga mukhang adik! Yung isa pandak na matabat at kulot may hawak siyang camera. Yung isa naman matangkad na payat tas kalbo. Shete! Wala bang gwapo dito?

"Ay opo. Kala ko po walang tao."

"Ano? Tanggap mu naba yung alok? Mag momodel kana?" Tanong nung lalaking kalbo.

Save the Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon